CHAPTER 35

17 3 0
                                    

CHAPTER 35

Puno ng ingay. Puno ng bulungan, Puno ng luha. Iyan ang mga nakikita at naririnig ko ngayon. Ramdam ko ang sakit ng katawan ko, ngunit habang tumatagal ay hindi ko na nararamdaman pa ang hapdi, nagiging manhid na 'yon,  dahil alam ko naman na mas nasasaktan ang puso ko, mas masakit. Mas nakakalula.

Nilapitan ko si Annivo, tumakbo ako para sumunod sa kanyang mabibigat na hakbang. Tumunog na ang kotse niya at sakto namang naabutan ko ito.

"Annivo, maniwala ka naman sa akin! I didn't hurt Lianerre!" I pleased, as if he heard me, he didn't even look at me!

"Stop faking me, Kisses! We're done!" aniya. Habang humahakbang ito ay sumusunod naman ako. Naririnig ko pa si Lianerre na tinatawag ang pangalan niya ngunit mas itinuon ko ang atensyon ko sa pag-explain.

Kung hindi ko siya mapapasunod— I sniffed. At least i explain everything.

Ngunit natumba lang ulit ako nang kabigin niya ang aking balikat. Nadumihan ang paldang suot ko at napuno ng putik ang aking kamay.  I flipped my hair for me to see what Annivo was doing...

Parang binuhusan na agad ako ng malamig na tubig. Sarado na ang pintuan ng kanyang kotse. Tinted 'yon at kahit na anong iyak ko sa labas ay alam kong hindi niya ako magagawang lingunin.

Hindi ko alam kung gaano ako nagtagal na naka-upo sa sahig sa labas ng restaurant. Hindi ko alintanta kung nadumihan na ang kamay at dress na suot ko. At hindi ko inalintana ang bulungan ng mga tao sa paligid.

Mas lalo pa nga iyong lumakas nang mapansin kong may tumigil na kotse sa tapat ko. Lumabas doon ang nag-aalalang mukha ni Tita at pinilit niya akong ipatayo habang may binubulong na salitang hindi ko na maintindihan.

"Hija? Totoo ba lahat ng 'to?" Napitlag ako at napasinghot. Kinulong niya ako sa kanyang palad at saka ako tiningnan ng may maluha-luhang mata.

Napakagat ako ng labi. What will be her reaction?

"T-tita, m-makinig ka po sa akin-" she cuts me off

"Sabihin mo sa akin ang totoo, tama ba ang nalaman ko sa anak ko? S-si Peter ang nawawala niyang anak?" Nagsimula nang mamuo ang kakaibang galit sa mata ni Tita. Umawang ang aking labi sa kadahilanang alam kong pareho lang sila ng mararamdaman ng anak niya.

Tinago ko ang sarili nilang kapamilya. How wretch I am. Muling tumulo ang luha ko kahit na hindi ako napatawad kanina ni Annivo ay susubukan ko pa ring magpaliwanag kay Tita.

"T-tita, I can explain. Hindi ko naman gustong-"

"Enough! All this time! I thought you're good! Isa kang sahol para sa akin! Tinago mo ang apo ko, tinago mo ang anak ni Annivo, tinago mo sa anak niya na si Annivo ang tunay niyang ama!"

"T-tita," gamit ang nanlalaking mata ay nagulat ako sa inasta niya. She shouted at me for the first time.

Muling lumakas ang ingay. Sa malayo'y tinatawag na siya ni Lianerre ngunit hindi niya iyon pinansin, bumaba ang tingin ko sa kamay niya. Nakakuyom na iyon habang nanginginig.

She's angry, mad and wanted me to disappear. Gusto kong maiyak nang todo. But I know Tita would be more disappointed and dismayed if I do that. Kasalanan ko 'to! Kasalanan ko lahat ng ito!

Kumalnsing ang alahas sa kamay niya at huli na ng maramdaman ko ang malakas niyang sampal. My head tilted side, halos mamanhid ang pisngi ko sa lakas ng pagkakasampal. I still hear her deep breathing, uminit ang aking mata maging ang pisngi kong paniguradong namumula na ngayon.

"Simula ngayon ay ayaw ko nang makita ang pagmumukha mo. Lumayas ka na sa buhay namin, Kisses."

"Tita," ani ko. Tiningnan ko siya pabalik ngunit mas lalo lamang akong nawalan ng kumpyansa sa sarili nang sumakay na siya sa kotse, gaya ng anak niya kanina.

Gratifying Wretched ✓Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora