Chapter 40 : Symbol

Start from the beginning
                                    

"Pero..."



"No more buts, baby. Time is gold." sabi niya saka hinalikan ang noo ko. Wala naman na akong magagawa kaya niyakap ko na lang siya. May tiwala ako sa kaniya kaya sige, pumapayag na ako.



"Remember, you are more powerful than anyone. And don't worry, I'll use my clones kung natatakot ka na ako mismo ang lumaban. But, gagawa ako ng marami and be ready..." natuwa naman ako dahil sa naisip niya. Oo nga, bakit hindi ko naisip 'yon? Pero clones? Baka madali ko lang na mapaputok ang mga 'yon?



"Are you ready?" nabalik ako nang sumigaw siya. Hindi ko namalayan na nakatayo na pala siya sa malayo. Napatango na lang ako at naghanda na.



Maya-maya pa nakita ko na lang ang sandamakmak na clones na ginawa niya. Napailing ako nang makita kong ngumiti ang mga ito. Hindi ko na alam kung sino si Zin sa kanila pero pakiramdam ko, nanonood lang siya.



Isa-isa silang lumapit at wala man lang kahirap-hirap na napaputok ko sila. Sinenyasan ko pa ang mga ito na sumugod sa akin. Pero bigla akong nakaramdam ng kakaiba dahil parang hindi lang sila basta clones.



May isang clone ang lumapit sa akin at kumindat pa. Napakunot naman ang noo ko dahil sa kalokohan ni Zin. Pero nagulat ako nang biglang may tumulak sa akin dahilan para halos mapasubsob ako sa lupa. Nagtawanan ang dalawang clones kaya nainis ako at mabilis na bumangon sa tulong ng hangin at hinarap sila.



"Mali kayo ng kinalaban." nakangising sabi ko at itinaas ang dalawang kamay ko. At dahan-dahang silang umangat sa ere habang nagpupumiglas. Hindi ko na pinatagal pa at pinaputok sila, pero nagtaka ako dahil hindi sila pumuputok.



"Hindi kami basta clones lang. Para lang din kaming may totoong katawan na katulad niyo." napanganga ako sa sinabi nila. As in, sabay pa silang dalawa. Pero, paano nangyari 'yon?



Nag-iisip pa lang ako nang sugurin nila akong lahat. Nabitawan ko tuloy 'yung dalawang clones dahil sa pagkabigla. Ngayon ay pinapalibutan na nila ako at pare-pareho pa silang nakangiti.



Kung hindi na sila basta-basta hangin o lobo na isang tusok lang ay puputok na, then hindi ko sila mapapatumba nang basta-basta. Kailangan ko talagang makipaglaban gamit ang pwersa, isip at ang kapangyarihan ko. Mamaya ko na tatanungin si Zin kung paano at bakit niya nagawa iyon. Pakiramdam ko ay may hindi pa siya sinasabi sa'kin.



Pinakiramdaman ko lang sila at nararamdaman kong walang ano-ano ay susugurin na nila ako. Salamat sa malakas na senses ko na napag-aralan ko na rin. Maya-maya pa ay halos sabay-sabay silang sumugod kaya mabilis akong kumilos.



Nakakatuwa lang dahil kahit ang dami nila ay nagagawa ko pa rin silang patalsikin hanggang sa maghiwa-hiwalay na sila. Totoo nga, napansin kong hindi na lang sila basta-basta isang clones. Kailangan talagang ipaliwanag sa'kin ni Zin ang tungkol dito.



At dahil nga parang may katawan na sila, kailangan ko nang gamitin ang mga kapangyarihan na meron ako.



Ginamit ko ang apoy, tubig, hangin, kidlat, at ang lahat ng kaya kong gamitin para lang mapatumba ko ang mga clones na ito. At sa huli, ako pa rin ang nagwagi. Napangiti ako dahil masasabi kong mas naging malakas na ako ngayon. Kabisado ko na ang sarili kong pagkatao at ang paggamit sa Hayana.



"Very good! Ang galing-galing na ng girlfriend ko!" yayakapin na sana niya ako pero umiwas ako at sinamaan siya ng tingin. Baka nakakalimutan niya?



"Hoy! Ipaliwanag mo nga kung bakit at paano naging gano'n ang mga clones na ginawa mo? Ha? May itinatago ka pa ba sa'kin? Sabihin mo na sa'kin kung meron pa kung hindi..." natawa siya dahil sa mga sunod-sunod kong sinabi pero napaseryoso rin nang mapansin niyang seryoso ako.



"Hey, don't be mad. Nalaman ko lang din 'to kanina. At hindi pa ako gano'n kagaling to use. Well, sa tingin ko mas nag-improve ang paggawa ko ng mga clones. And one more thing, may kakaiba rin akong bilis na hindi ko nabanggit sa'yo dati. Sasabihin ko sana sa'yo pero umalis kana no'n, remember?" napangiwi na lang ako nang muli kong maalala ang pagtatapat niya sa'kin sa totoo niyang pagkatao.



"Hey, your hands..." napakunot ang noo kong tumingin sa kaniya. Anong sinasabi niyang my hands??



Sandali.... Anong nangyayari?!



"A-anong nangyayari?" hindi makapaniwalang usal ko habang nakatingin sa palad ko na nagliliwanag kasabay niyon ang pagkaguhit ng isang bagay.








Ginintuang puso iyon na napapaligiran ng iba't-ibang kulay ng usok, o mas magandang sabihin na... kapangyarihan?













Ano naman ang meron sa simbolo na 'to?

;














AyaWhere stories live. Discover now