Chapter 39 : Calm

En başından başla
                                    

"Hoy! Bitawan mo nga ako! Nakakainis ka talaga kahit kailan! Bitawan mo na kasi ako! Isa!" suway ko sa kaniya nang pagyayakapin niya ako habang tumatawa. Kung hindi lang kita mahal, nako!



"I heard that..." pang-aasar niya pa sa'kin dahil binasa niya na naman ang isip ko. Nakakainis ka talaga kahit kailan, Zin! Pwes kung ayaw mo akong pakawalan humanda ka.



"Hey! That's not fair! Ang daya mo! Walang gamitan ng kapangyarihan dito!" reklamo niya nang makawala ako sa kaniya dahil sa tulong ng Hayana. Hiniling ko lang naman na makawala sa kaniya and here I am, tinatawanan na lang siya.



"Sino ba kasing nagsabi na yakap-yakapin mo ako? And wala namang rules na bawal gumamit ng powers ha?" banat ko pa kaya napanguso siya na parang bata. Putek bakit ang cute?!



"So, I'm cute, huh?" sabi niya pa saka itinaas baba ang dalawang kilay habang nakangisi ng nakakaloko. Aba! Talagang abusado 'tong isang 'to ah! Masubukan nga...



"So, can you still read what's on my mind?" panghahamon ko sa kaniya at ngumiti lang naman siya. Pero napakunot lang din ang noo niya nang mapagtantong hindi na niya mabasa ang isip ko. Thanks to this power! HAHA



"Hey, stop it. I'm not doing it na, I promise." pagmamakaawa niya pa na parang bata kaya napahalakhak ako nang wala sa oras. Para kasi siyang bata na pinipilit ang nanay na patawarin dahil sa kasalanan niya. Pero, he's so cute kapag naggagaganiyan siya sa harapan ko.



"Promise? Anong gagawin ko sa'yo kapag ginawa mo ulit?" tanong ko sa kaniya at sumilay naman ang malapad niyang ngiti. Parang bata talaga! HAHAHA



"Promise. Cross my heart... You can do anything you want kapag ginawa ko ulit, but except leaving me okay?" natawa ako na medyo nalungkot sa sinabi niya. Hindi ko na lang iyon pinansin dahil ayokong masira ang happy moments namin together.



"So, I can read your mind now?" tanong niya kaya tinanguan ko na lang siya. Para talagang bata! Pero kahit nababasa niya ang isip ko, ang cute niya talaga!



"Hey, come here..." tawag niya sa'kin at pinapaupo ako sa tabi niya. Lumapit naman ako at tinabihan siya. Nang matabihan ko siya ay hinawakan niya ang kamay ko.



"I love you. Can you be my girlfriend?" hindi agad ako nakasagot nang tanungin niya ako. Seryoso ba siya? Gusto niya akong maging girlfriend? Well, he's my type naman and alam ko na masaya ako sa tuwing kasama ko siya.



"So, is that a yes?" sinamaan ko siya ng tingin at inalis ang kamay niya sa kamay ko dahil binasa na naman niya ang nasa isip ko. Kainis talaga!



"Oh, sorry sorry. I'm just trying kung talagang nababasa ko na ang isip mo.. So, anong sagot mo?" naging seryoso na naman siya kaya muli ko siyang hinarap. Wala naman sigurong masama kung pumayag ako 'di ba? He loves me and I love him too kaya wala namana kong nakikitang mali roon.



"Yes. Pumapayag akong maging girlfriend mo." pagkasabi ko niyon ay nagtatalon-talon siya sa harapan ko na parang nanalo sa lotto. Isip-bata talaga 'to kahit kailan, haha! Nagsisisigaw pa ng kung ano-ano, eh madaling araw pa lang. Wait, wala namang kapit-bahay sina Inang Hiyas 'di ba?



"Hoy! Umupo ka nga! Ang ingay-ingay mo! Sige babawiin ko 'yung sinabi ko." mabilis naman siyang umupo at nilambing-lambing ako. Sus! Kung hindi ka lang malakas sa'kin at kung hindi lang kita mahal, eh!



"Pero seriously, I'm very happy. Thank you, Aya." seryosong sabi niya at saka niya ako niyakap. Ang yakap niyang nagpaparamdam sa'kin na lagi akong ligtas.



"Thank you rin sa lahat-lahat, Zin. Sa pagsasakripisyo mo para lang mailigtas ako. Ipinapangako ko na hindi ko hahayaang magtagumpay sila sa laban. Hindi ko hahayaan na masayang ang lahat ng mga pinaghirapan at pagsasakripisyo ng mga tumulong sa'kin." niyakap niya ulit ako ng sobrang higpit at hinagod ang likod ko.



"I'm here, Aya. Hinding-hindi kita iiwan at kasama mo ako sa laban. I promise." sabi niya sa pagitan ng yakapan namin saka kami naghiwalay.



"I love you, Aya..." malambing na sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko at nakahawak sa magkabilang pisngi ko. Hinawakan ko naman ang mga kamay niya.



"I love you too, Zin..." tugon ko. Nakatitig lang siya sa mga mata ko at unti-unting lumalapit ang mukha niya sa mukha ko. Hanggang sa mapapikit na lang ako at naramdaman ang labi niyang dumampi sa labi ko.





×××





NAGISING na lang ako na nasa mga bisig ni Zin. Umaga na pala at hindi ko man lang namalayan na nakatulog pala kaming magkatabi dito sa sofa. Napangiti ako nang makita ang kamay niya na nakayakap sa akin. Hinalikan ko siya sa noo at maingat na inalis ang kamay niya saka ako bumangon.



Kinumutan ko pa muna siya bago ako nagtungo sa banyo. Paglabas ko ay agad akong pumunta sa kusina para magluto ng almusal naming dalawa. Hindi ko alam pero parang bahay ko na rin ito dahil sa panatag na ang kalooban ko. Medyo nahihiya rin naman ako dahil pinapakialaman ko ang mga gamit at pagkain na nandirito sa bahay ni Inang Hiyas. Baka multuhin pa niya 'ko.



May nakita akong MRE's na nakatabi sa kusina ni Inang Hiyas kaya 'yon na lang ang kinuha ko at ipinainit. Nagluto na rin ako ng kanin habang ipinapainit ang mga pagkain.



Maya-maya pa ay muntikan na akong mapasigaw nang may biglang yumakap sa likod ko. Amoy pa lang niya ay alam kong siya na 'yon.



"Amg bango naman ng niluluto ng girlfriend ko." pambobola niya sa'kin habang tinitingnan ang mga pagkain. Ang gwapo niya na kagigising lang at gulo-gulo pa ang buhok.



"Actually, MRE's lang ang mga 'yan. Hindi na ako nagluto ng iba kasi wala akong ibang makita na pwedeng lutuin." sabi ko sa kaniya at tumango-tango naman siya habang inaamoy ang ipinapainit kong menudo at adobo, saktong paborito niya ang menudo at paborito ko naman ang adobo.



"It's okay. Hindi naman ako maarte. And besides, ikaw ang nagluto niyan kaya hindi ko tatanggihan 'yan." natawa ako sa sinabi niya. Totoo naman na hindi siya maarte, kumakain nga kami sa karinderya noon, eh. Natatawa lang ako dahil sa pambobola niya.



"Nambola ka pa. Umupo kana ro'n at kakain na tayo." ngingisi-ngisi naman siyang sumunod at bago umupo ay kumuha muna siya ng kakainan naming dalawa. Napapailing na lang ako dahil para kaming mag-asawa sa lagay namin.



Ipinagsandok niya pa ako ng pagkain bago siya kumuha. Oh, 'di ba? Lakas maka-buhay mag-asawa? HAHA kikiligin ba ako?



Masaya kaming kumain dahil para talaga kaming mag-asawa at nagsusubuan pa.



Pero kahit na gano'n, natutuwa ako dahil sa kabila ng mga nangyayari sa amin. Nagagawa pa rin naming tumawa at maging masaya. Sana ganito na lang parati. 'Yung masaya lang at walang iniisip na problema.



Pero gano'n talaga ang buhay sa mundo. Walang saya kung walang malungkot. Walang naaabot kung walang paghihirap. At walang pagkakaayos kung walang pagpapatawad.







Sana, matapos na ang lahat ng ito.








Sana maging okay na ang lahat.















Nang sa gano'n ay maging tahimik at masaya na kaming dalawa...

;
















AyaHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin