Chapter 36 - Name Your Price

Start from the beginning
                                    

Akala ko pagsisisihan ko ang sinabi ko pero tama lang pala dahil sa sinabi niya, “Magkano ang bawat gabi?

Huh?” hindi ako handa sa tanong niya, ”Why are you asking?

Dahil sa pagkakaalam ko, may natira akong utang na 30 million sa banko. I want to know kung ilang gabi akong makipagsiping sayo upang mabayaran ko na ang lahat,” matigas niyang sabi.

Ganun na ba talaga? Customer na lang ba talaga ang tingin niya sa akin. Hindi na ba talaga niya ako mahal?

Name your term,” yun na lang sinabi ko.

No! Gusto kong malaman kung magkano ako sa’yo,” nakita ko ang galit sa mga mata niya.

Ayokong magbigay ng presyo dahil wala akong planong pakawalan siya.  Mahalaga siya sa akin walang katumbas na pera ang bawat gabing makakasama ko siya pero kung masyadong malaki ang sasabihin ko, ibig sabihin, kaunting panahon ko lang siyang makakasama.  It will not be enough for me to make her fall for me again.

Sampong libo ang bayad ko sa bawat gabi,” sagot ko.

Twenty thousand,” tawad niya.

Fifteen thousand,” sagot ko.

Nakita ko siyang bumuntong hininga saka naglakad patungong kama habang iniabot ang zipper ng kanyang damit.

No, Patricia,” pinigilan ko siya, ”let me undress you.”

*Patricia’s POV*

Nasaktan ako dahil sampong libo lang pala ang halaga ko sa kanya.  Ganito na ba talaga kababa ang tingin niya sa akin? Dahil natakot akong umiyak sa harapan niya, nagsimula na akong maglakad patungong kama.

No, Patricia,” hinigit niya ang isang braso ko, ”let me undress you.”

Hindi ako kumibo pero tinitigan ko siya habang tinatanggal niya bawat saplot na suot ko. Nang maramdaman kong wala na akong damit at tanging panty na lang ang natira, humakbang ako palapit sa kanya upang tanggalin ang butones ng kanyang polo.

No,” pinigilan niya ang kamay ko, ”lie down.”

Nagtatanong akong tumingin sa kanya.  Ano ba ang gusto niya?

This is my night, Patricia,” nakakaloka siyang ngumiti sa akin, “tonight’s sex is on my terms.”

Teka? Linya ko ‘yun ah.  Ibig bang sabihin nito, naalala niya ang unang gabi naming? Hindi ko alam pero himbis na kabahan ay mukhang naging excited ang bawat selula ng aking katawan. Humiga ako at tumingin sa gilid.

Watch me, Patricia,” utos niya habang sinimulan na niya ang pagtanggal ng kanyang butones.

Bakit ka ganito, Stuart?’ bulong ko sa sarili ko, ’sana sinaktan mo na lang ako. Sana marahas mong pinunit ang damit ko. Sana dumudugo ang labi ko dahil sa mapagparusa mong halik. Sana saktan m na lang ako sa pisikal na paraan dahil mas masakit ang umasa kahit alam kong sa huli ay iiwanan mo lang ako. Bakit ka ganito? Bakit parang pinapaniwala mo sa akin na mahal mo ako?

Hinding-hindi ko makalimutan ang unang gabing inangkin niya ako. Ganitong ganito yun. Pinaramdam niya sa akin na ako lang at wala nang ibang babae sa buhay niya. Umasa ako na hahanap-hanapin niya ako pagkatapos ng gabing iyon. Pero sa halip na hanapin niya ako, nalaman kong umalis siya para sundan ang babaeng tunay niyang mahal.

Ganito rin ba ngayon? Magiging masaya rin ba ako ngayon pero babawiin lang kung sakaling bumalik ang babaeng tunay niyang mahal?

Maingat pero sabik na sabik niya akong inangkin.  Ilang beses ba? Hindi ko matandaan.  Ang alam ko, ginusto ko rin ‘to.

Nahulog nanaman ako sayo, Stuart,’ hindi ko mapigilang lumuha habang iniisip ko yun, ‘sana ngayon, saluhin mo naman ako.’

Halimaw siya sa kama at walang sinasayang na oras.  Sinusulit niya ang bayad niya hanggang sa pagod na pagod na ako. Nararamdaman ko na ang antok kaya hinayaan ko na lang siya.

Akin ka, Patricia. You are mine,” napangiti ako sa isip ko dahil ang sarap pakinggan na pag-aari niya ako, pero sana may karapatan din akong sabihin na pag-aari ko siya. Hindi ko alam kung ano pa ang sunod na nangyari pero ang pinakamaganda sa lahat ay yung napaginipan ko siyang humalik sa noo ko saka sinabing, ”Mahal na mahal kita, Patricia. Pwede bang akin na lang muli ang puso mo?”

Sana totoo na lang itong panaginip ko. Sobrang saya ko kahit alam kong panaginip lang ang lahat. ”Sayo ako, Stuart.  Kahit kailan, hindi ako naging pagmamay-ari ng iba,” sagot ko sa kanya.

*Stuart’s POV*

Akin ka, Patricia, you are mine,” bulong ko sa kanya. Bahagya kong inilayo ang mukha ko sa kanya para matignan ko ang maamo niyang mukha.  

Nakapikit na siya at alam kong inaantok na siya.  Hindi ko maintindihan kung bakit buhay na buhay pa rin ang buong katawan ko. Para siyang bawal na gamot na nakakaadik.  Ayoko pa sanang tumigil pero hindi naman masarap kung matutulog lang siya kaya hinalikan ko siya sa noo at bumulong, ”Mahal na mahal kita, Patricia. Pwede bang akin na lang muli ang puso mo?”

Hindi ko naman maipaliwanag ang sayang nadarama ko nang marinig ko,  ”Sayo ako, Stuart.  Kahit kailan, hindi ako naging pagmamay-ari ng iba.”

Alam kong wala na sa sarili siyang nagsalita pero sabi nga nila, people’s subconsciousness tells the truth. ’Umaasa ako, Patricia,’ bulong ko sa sarili.

 ____________________

NOT EDITED… NOT REVIEWED

Sold to My Ex-Husband (Adonis Series 2)-Published under PSICOMWhere stories live. Discover now