Chapter 31 : Too Much

Bắt đầu từ đầu
                                    

"Ngayon na tayo na lang ang nandito, patutumbahin na natin ang dalawang bantay sa labas kaya maghanda kayo." sabi ko pa sa kanila.



"Ako na po ang bahala sa dalawang iyon." napalingon kami kay Thead. Oo nga pala, kaya niyang pumatay ng kahit na sino sa isang hawak lang. Kaya pala siya naka-gloves na ngayon ko lang din napansin.



"Sige, pero mag-iingat ka. Tara na." nagpauna na akong maglakad paakyat sa hagdan at tulad ng napag-usapan ay si Thead ang unang lumabas para itumba ang mga bantay.



"Ayos na po." senyas niya pa kaya nagmadali na kaming umakyat. Nang makaakyat na kaming lahat ay saka kami tumakbo palabas.



Hindi ko alam kung nando'n na ba sila Inang Hiyas at Selene dahil hindi ko nakitang umilaw ang kuwintas na suot namin.



Hanggang sa marating na namin ang puwesto namin kanina bago magkahiwalay. Pero wala pa rin sina Inang Hiyas at Selene.



"Nasaan na sila?" tanong ko kay Vino at siya ay hindi rin mapakali dahil wala pa ang lola at kapatid niya.



"I'll go find them." turan ni Vino pero mabilis ko siyang pinigilan.



"Hindi pwedeng mag-isa ka lang. Sasama ako. Kailangan ko ring hanapin si Zin." sambit ko kaya umiling siya pero kalauna'y napahinga ng malalim.




"Fine. Pero pauunahin na ba natin sila?" tanong niya at itinuro ang mga kasama namin. Magsasalita na sana ako pero napatigil kaming lahat ng may magsalita sa isang lugar.




Ang boses na iyon...




"I didn't know you are that smart, Aya. You're impressive. I like it. Pero, sila ba ang hinahanap niyo?" mabilis kaming napalingon sa kinatatayuan ni Zino at naroon ay hawak niya si Inang Hiyas at Selene na sugatan. Walang malay si Inang Hiyas habang umiiyak naman si Selene. Nasaan si Zin?



"F*ck you! Ano'ng ginawa mo sa kanila?!" susugod na sana si Vino pero mabilis ko siyang pinigilan.



"Ano bang ginagawa sa mga taong pakialamero? Hindi ba ganito?" sarkastikong sabi niya saka itinuro sina Selene at Inang Hiyas.



"Napakawalang hiya mo talaga! Papatayin kita! Hayop ka!" galit na galit na sigaw ni Vino pero pinipigilan ko siya sa pagpupumiglas niya.



"Calm down, bata. Pinatay ko lang naman ang lola mo dahil masyado na siyang maraming nalalaman." ang kapal ng mukha niyang sabihin 'yon! Hayop talaga siya! Wala siyang sinasanto!



"Hayop ka, Zino! Bakit mo ba 'to ginagawa?!" ako na ngayon ang sumigaw. Umalingawngaw iyon sa buong lugar. Tinawanan niya lang ako.



"Sinabi ko na sa'yo, Aya. Pero matigas ang ulo mo kaya maraming nadadamay. Sorry." wika niya pa sa nang-iinis na tono kaya may lalong uminit ang ulo ko. Wala siyang puso!



"Kung nakinig ka lang sana sa'kin, edi sana walang nangyaring ganito." patuloy niya pa.



"Tama na! Pakawalan mo sila at sasama ako sa'yo ng maayos." alam kong hindi madali ang gagawin ko pero kailangan kong mailigtas si Inang Hiyas at Selene.



"Sandali lang, ang bilis naman yata? Ayaw mo bang makipaglaro muna sa'kin?" takte! Akala ko ba gusto na niya akong makuha agad?! Eh, bakit may ganito pa siyang nalalaman?!



"Pakawalan mo na sila! Ako lang naman ang kailangan mo kaya pakiusap, pakawalan mo na sila." naluluhang sambit ko at saka lumuhod. Ayoko man 'tong ginagawa ko pero wala akong ibang choice.



AyaNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ