Chapter 26 : Trapped

Magsimula sa umpisa
                                    



Nagbaon naman kami kahit papaano ng maiinom at makakain. Sapat na siguro 'yon dahil hindi naman kami magtatagal do'n. At isa pa, hindi naman kami mag-aadventure para magdala ng madami.



Wala pang masyadong tao sa paligid at may nakabukas nang mga tindahan. Hindi na kami nag-aksaya pa ng oras.









Matapos ang halos isang oras na paglalakad ay narating din namin ang Hiraya. Mabuti na lang at walang masyadong tao sa lugar kaya madali kaming nakapasok, kahit na may harang ito. Maliwanag naman na ang paligid pero malamig pa rin ang simoy ng hangin.



Dumiretso kami sa hotel at walang kahit na sinong tao ang naroon. Papasok na sana kami pero naka-lock ang pinto.

"Naka-lock, paano tayo papasok sa loob?" tanong ko sa kanila pero nginitian lang nila ako. Ano'ng meron?



"Baka nakakalimutan mo kung sino tayo, Aya?" doon ko lang naisip na may mga kapangyarihan nga pala kami, I mean sila.



Agad na lumapit si Blanca at walang kahirap-hirap na sinira ang padlock. Nginitian nila ako matapos niyon, umiling na lang ako sa kanila at saka kami pumasok.



Bumungad sa amin ang mga puting tela na nagtatakip sa mga kagamitan dito sa loob. Sobrang linis ng paligid at nakakabingi rin ang katahimikan. Tanging yabag lang namin ang maririnig sa buong lugar.



"Bakit kaya nila ipinasara 'to?" iyon din ang tanong ko. Bakit nga ba? Pakiramdam ko may kakaibang nangyari rito kaya ipinasara nila. Iyon ang isa pang dapat naming alamin.



"Siguro nalugi, char!" biro ni Zay pero agad din namang sumeryoso. Nandito pa rin kami sa main area at inililibot ang mga mata.



"Ano nga palang ginagawa natin dito?" sa wakas, natanong mo rin Zay.



"Naaalala niyo ba nu'ng nagpunta tayo sa mini museum? Pakiramdam ko, may makakatulong sa'tin doon." sabi ko sa kanila. Kakaiba kasi ang naramdaman ko nu'ng magpunta kami rito, at isa pa, kailangan kong makita 'yung matandang ale. Pero hindi ko sinabi sa kanila na isa 'yon sa dahilan kung bakit kami nandito.



"Pero mamaya na tayo pupunta ro'n, gusto kong libutin muna natin ang buong hotel. Baka may mahanap tayong makakatulong sa'tin." tumango lang sila kaya nagsimula na kaming maglibot. Nandito pa rin kami sa main area dahil malawak dito, siguro kailangan naming maghiwa-hiwalay para mas mapabilis.



"Siguro kailangan nating maghiwa-hiwalay, para mas mapabilis. Right?" suhestiyon ko sa kanila.



"Tama, let's go. Pero sigurado ka ba na kaya mong mag-isa?" nginitian ko lang si Zay.



"Oo naman, at saka tayo-tayo lang naman ang nandito kaya wala naman sigurong mangyayaring masama." tumango nalang sila at nagsimula na kaming maghiwa-hiwalay. Magkasama si Zay at Jerome, samantalang si Asion at Blanca naman, ako lang ang mag-isa.

AyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon