Chapter 13 : That Guy

Magsimula sa umpisa
                                    



"Ayos ka lang? Huwag kang mahiya sa kanila, mukha lang silang loko-loko pero mababait 'yang mga 'yan."  sabi pa ni Von sa akin kaya ngumiti na lang ako saka siya tinanguan. Makikisakay na lang ako sa kanila since, sinama lang naman ako ni Von. Sila dapat ang mag-eenjoy kaya hindi ko 'yon pwedeng sirain. Paalala : sabit lang ako dito haha.



Matapos ang halos ilang minutong paghihintay ay napuno na rin ang jeep at handa nang umalis. Nginitian pa ako ni Von saka nagsimula nang umandar ang jeep.



Kahit papaano ay hindi na rin naman na masyadong nag-iingay ang mga kaibigan ng pinsan ko. Pero ramdam kong gustong-gusto nilang tumawa ng malakas kaya lang pinipigilan lang nila dahil maraming tao ngayon dito sa loob.



At dahil wala naman akong magawa ay inilabas ko na lang ang cellphone ko para magbasa ng Wattpad. Hindi kasi ako nakapagdala ng libro na babasahin kaya mabuti na lang at may app pa ako ng Wattpad dito sa cellphone na dinala ko.



"Loyal na loyal ka talaga sa pagbabasa, ha?"  narinig kong sabi ni Von. Nakatingin siya ngayon sa cellphone ko saka bumaling sa'kin at ngumiti.



"Oo, dito na lang kasi ako nakakaramdam ng pahinga, sa pagbabasa. Kahit sobrang pagod ako galing sa trabaho, hindi pa rin mawawala sa isip ko ang magbasa bago matulog o magpahinga. Kahit sa ganoong paraan ay nakakapagpahinga ako mula sa sobrang pagod."  paliwanag ko sa kaniya at tumango-tango lang naman siya.



"Bakit hindi mo subukang magsulat din? Sigurado naman akong kaya mong magsulat. Why don't you try?" napalingon ulit ako sa kaniya sa sinabi niya. Ugm, wala sa isip ko 'yon.



"Ah, wala kasi sa isip ko 'yon, eh. At isa pa, mas nafe-feel ko 'yung saya sa pagbabasa. Siguro someday, susubukan ko. And if maging maganda ang kalabasan, edi itutuloy-tuloy ko na rin."  sambit ko saka ngumiti at muling ibinalik ang tuon sa cellphone ko.



"Well, sa bagay. Basta kung ano man ang magiging desisyon mo, suportado kita."  ngiti at tango na lang ang isinagot ko sa kaniya at wala na ulit nagsalita pa amin.



×××



"HAHAHAHA"



Umalingawngaw ang malakas na tawanan nina Kevin at Leo sa buong sulok ng fast food restaurant na kinaroroonan namin. Nasa amin na ang buong atensyon ng mga taong nandito rin sa loob. Nahihiyang napayuko na lamang silang dalawa at saka palihim pang tumawa. Mga loko-loko talaga.



Paano kasi, nagkukuwentuhan kami ng mga nakakatawang bagay tapos bigla na lang silang tumawa nang sobrang lakas. Maging kami nina Von at Wen ay natatawa na lang din sa kanilang dalawa. Kung makatawa kasi sila, wagas at parang hindi sila mga lalaki. Isa pa, Criminology ang kinukuha nila. Nakakabakla kaya 'yon. Pero masaya naman kaya ayos lang.



Hindi pa kami kumakain dahil hinihintay pa namin ang order namin. Kakatapos lang namin maglibot dito sa Robinson's at dahil napagod at nagutom na kami, nagpasya muna kaming kumain. Mabuti na lang talaga at nagdala ako ng pocket money ko. Ayokong magpalibre sa kanila, nakakahiya. Okay na sa'kin na sinagot na ni Von ang para sa sine.



AyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon