Chapter 12 : Family

Start from the beginning
                                    

Oo nga pala, umuwi kaya si Von? Minsan lang kasi 'yon umuwi dito sa bahay. Minsan nga ay may mga kasama pang mga lalaki. Pero mabait naman 'yon, kahit pa may barkada ay hindi naman niya napapabayaan ang pag-aaral niya. Marami kasi silang ginagawa at hindi pagbibisyo na karaniwang ginagawa ng ibang kalalakihan. Criminology nga pala siya. Sana all haha.



"Ma, sino'ng nagluto ng ulam?" nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang boses ni Von sa baba. Umuwi nga siya.



"Baka si Aya, alam mo na. Maaga namang nagigising 'yon."  si Auntie 'yon. Hala, baka magalit sila sa'kin kasi ang dami kong niluto. Patay!



"Umalis na ba 'yon? Baka hindi na naman kumain."  si Von ulit at narinig kong umupo na siya sa hapag-kainan. Concern 'yan, Von?



"Makulit na bata, eh. Nahihiya siguro 'yon sa'tin sa pakikitira niya. Eh, magkakadugo naman tayo."  si Uncle Simon na ngayon ang nagsalita at umupo na rin. Totoo ba ang mga naririnig ko? O nag-a-assume lang ako na may concern sila sa'kin?



"Bigyan mo ng pagkain doon sa shop kawawa naman, dadaan ka naman do'n mamaya 'di ba?"  napakunot ang noo ko sa sinabi ni Auntie Saly. Concern ba takaga sila sa'kin? Eh, bakit parang hindi naman? Hindi ko naman maramdaman.



"Sige, Ma. Sigurado akong hindi pa 'yon nag-aalmusal."  medyo nakaramdam naman ako ng saya sa loob ko at napangiti. Hindi ko kasi alam na may pakialam pala sila sa'kin. Hindi lang siguro nila pinapahalata sa'kin. Pero, nagpapasalamat ako kasi gano'n sila sa'kin. Pamilya at kadugo pa rin ang turing nila sa'kin.



Pagkatapos kong kumain ay nagpasya akong lumabas at bumaba. Napatingin pa silang lahat sa'kin dahil hindi nila inaasahan na nandito pa rin ako. "Magandang umaga, po Auntie, Uncle, Von."  bati ko sa kanila saka dumiretso sa kusina para ilagay ang pinagkainan ko. Nagkatinginan pa sila at mukhang nabigla talaga.



"Wala ka bang pasok ngayon, hija?"  tanong ni Uncle Simon sa'kin.



"Wala po, Uncle."  tugon ko saka uminom ng tubig. Nakita ko pang nagkatinginan silang tatlo. Ano kayang iniisip nila? Ano'ng meron?



"Aya, baka gusto mong sumama sa'kin? Manonood kami ng sine ng mga kasama ko."  napatingin naman ako kay Von, naglalakad na siya palapit sa'kin bitbit ang pinagkainan niya. Niyaya niya akong sumama para manood ng sine kasama ang mga kaibigan niya? Seryoso ba siya?



"Ah, n-nakakahiya naman. Isa pa, bonding niyo 'yon, eh."  nahihiyang sabi ko sa kaniya. Natawa lang naman siya. Nakakahiya kaya baka pag-trip-an pa ako ng mga barkada niya. And isa pa, wala akong budget.



"Sus! Huwag ka nang mahiya. Mababait naman 'yung mga 'yon at ako na ang bahala sa'yo. Sagot ko na rin ang ticket mo. Ano?"  papayag ba ako? Wala naman sigurong masama kung sumama ako sa kanila 'di ba? Wala rin naman akong ibang gagawin o pupuntahan. Sige na nga! Once in a lifetime, ika nga nila. "S-sige, salamat."



"Oh sige, mag-ayos ka na. Maliligo na rin ako."  sabi niya pa saka umakyat na sa kuwarto niya. Maghuhugas na sana ako ng mga plato pero sumulpot si Auntie.



"Mag-ayos ka na, Aya. Ako na ang bahala riyan."



"Naku, ako na po Auntie. Nakakahiya naman po."  pagpupumilit ko pa sa kaniya pero tumawa lang siya ng bahagya.



"Hija, huwag kang mahiya. Pamilya mo kami, hindi mo kami amo. Sige, umakyat kana ro'n."  wala na akong nagawa pa kaya niyakap at nagpasalamat na lang ako kay Auntie bago umakyat sa akyat.



Ang tanong, ano naman ang isusuot ko?



Binuksan ko ang mini walk-in closet ko para maghanap ng maisusuot. Ano kayang bagay sa'kin? Puro oversized kasi ang mga damit ko. Hindi ako masyadong nagsusuot ng mga maiikling damit tulad ng crop-top at iba pa.



Hinawi-hawi ko ang mga damit kong naka-hanger. Hanggang sa mapahinto ako nang makita ang isang damit. Isang polo stripes na black and white ang kulay. Hindi ko pa 'to nagagamit kaya ito na lang. Kinuha ko na rin ang rip jeans ko na wala naman masyadong butas. At nang makapili ng maisusuot ay dumiretso na ako sa banyo.



Matapos ang halos sampung minutong pag-aayos ay nakuntento na ako sa hitsura ko. Nakatuck-in ang isang bahagi ng polo ko at nakalabas naman ang isa. Inikot-ikot ko lang ang buhok ko sa itaas at hinayaan ang ilang hibla nito. Nagsapatos din ako ng Adidas na black and white rin. Hindi na ako nagmake-up dahil hindi naman talaga ako nagme-make-up. Hindi rin ako nagpupulbo kasi allergic ko iyon. Nagkaka-skin rashes ako kapag gano'n kaya kuntento na ako sa simple lang.



At dahil ayos na ako, lumabas na ako ng kuwarto. Nagdala ako ng isang shoulder bag para sa cellphone, wallet at panyo ko. Hindi ko nadala cellphone ko no'ng nagbakasyon kami at kailangan ko ring magdala ng pera, noh. Hindi naman pwedeng si Von na lang ang bahala sa'kin, nakakahiya.



Natigilan naman silang lahat pagkababa ko. Para silang nakakita ng multo at nakanganga pa. Okay, mukha na siguro akong multo sa hitsura ko.



"You look different, Aya."  namamanghang sabi ni Von. Nagpasalamat at nginitian ko lang siya. Siya rin naman. Bumagay sa kaniya ang itim na long-sleeves, itim na pantalon at puting sapatos. Naka-eyeglasses din siya na lalong nagpa-gwapo sa kaniya. Bigla ko tuloy naalala si Zin sa porma niya.



"Let's go?"  aya ko pa sa kaniya kaya tumango lang siya sa'kin. Baka matunaw pa ako sa katititig nila sa'kin. At kinapalan ko na talaga ang mukha kong ayain na si Von na umalis.



"Mauna na po kami, auntie, uncle."  pagpapaalam ko sa kanilang dalawa. Ngumiti lang sila at tumango.



"Ma, Pa, mauna na kami sa inyo."



Paglabas ay napangiti ako dahil hindi pa rin ako makapaniwalang nangyayari 'to. As in, lalabas ako kasama ang pinsan ko.



Ngayon ko lang makakasama ang pinsan kong si Von at sobrang saya ko rin dahil mali pala ang isipin kong wala silang pakialam sa'kin. Pamilya ko sila at kahit bali-baliktarin man ang mundo, hindi iyon magbabago.

;

AyaWhere stories live. Discover now