04

168 8 0
                                    

"Huwag mo ng isipin ang sinabi ni Patricio. Wala iyon." Saad ni Kuya Phinn na sumunod pala sa akin at ngayon ay nakaakbay na.

"Hindi ko naman iniisip, Kuya, eh. Imbento ka." Sagot ko.

"Eh, bakit bagsak 'yang balikat mo? Nasaan na 'yung ngiti ni Ulan na kilala ko, hm? Kapag nakita ka ni Phana tiyak na mapapansin niya din 'yon. Ngiti ka na. May dala ako para sa'yo." Bigla ay lumitaw sa paningin ko ang ice cream kaya napanguso naman ako saka basta na lang naupo sa sahig.

"Alam mo talaga ang kahinaan ko, Kuya Phinn. Hindi ko lang kasi maintindihan iyong si Patricio... Bakit siya galit na galit sa akin eh hindi naman ako ang kay kasalanan sa kaniya. Wala naman akong kasalanan sa kaniya." Saad ko.

Naupo naman ito sa harap ko saka binuksan rin ang isa pang ice cream na dala niya. "Ganoon talaga siya. Galit siya sa mga taga-probinsya. Huwag mo na lang kasing pansinin 'yon. Ngiti ka na lang." Pinisil nito ang pisngi ko at pinangiti kaya napanguso naman ako. Humagalpak naman ito ng tawa habang nakaturo sa akin kaya hindi ko naman maiwasang hindi matawa at hinampas siya.

"Tama na nga, Kuya Phinn! Pinagtatawanan mo na talaga ako, eh."

"Okay. Okay. Kainin mo na 'yang ice cream then go to your room na." Tumango naman ako at sinimulan ng kainin ang ice cream na hawak.

Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdaman ko dahil sa ice cream na kinakain ko ngayon. Ito ang palaging nagpapagaan ng loob ko.

"Salamat sa pagsama sa'kin, Kuya Phinn. Dahil sa'yo nawala na ang lungkot ko." Nakangiti asik ko. Ginulo lang naman nito ang buhok ko saka nginitian.

Nang matapos na naming kainin ang ice cream ay agad na kaming tumayo. "Mauuna na ako, kuya. Goodnight." Paalam ko.

"Hm. Goodnight. Sweetdreams." Nakangiting asik nito kaya tumango naman ako.

Tumango naman ako saka pumasok na sa kuwarto ko saka agad na sinarado ang pinto. Dumeritso ako sa desk ko at nagsimula ng magreview.

Hindi dapat ako magpabaya sa pag-aaral ko.

Nagbasa ako ng ilang pahina sa libro na ibinigay sa amin kanina saka sa mga note ko na isinulat.

Nang matapos gawin iyon ay agad ko namang inilabas ang cellphone ko at tinawagan sila Mama. Makaraan ang tatlong ring ay sinagot na nila iyon.

"Hello Rain! Kamusta ka na diyan? Maayos ka lang ba diyan? Namiss ka namin. Kanina pa namin hinihintay ang tawag mo." Boses ni Mama ang unang narinig ko.

"Maayos lang po ako rito. Na-miss ko rin po kayo. Pasensiya na at ngayon lang po ako nakatawag.  Gumawa pa kasi ako ng mga assignments ko at nagbasa. Ngayon lang ako natapos."

"Ayos lang iyon, anak. Basta kagaya ng palagi kung sinasabi...huwag mong papabayaan ang sarili mo diyan, maliwanag? Aral ng mabuti."

"Opo..."

"Mukhang malungkot ang boses ng Ulan namin, ah?" Si Papa.

Agad naman akong natawa. "Hindi po, ah. Medyo inaantok lang po ako kaya ganiyan 'yung boses ko." Pagdadahilan ko.

"May nang-away ba sayo riyan, anak?" Tanong niya kaya natigilan naman ako pero agad ring natawa.

Masyado talagang mabilis makabasa si Papa..

"Syempre... wala. HAHAHA. Takot lang nila sa akin. Tsaka kaibigan po ang nahanap ko. Oh diba, first day may kaibigan na agad ako. Galing ng anak niyo, diba?"

"Syempre. Mana sa akin, eh." Saad naman nito kaya natawa naman ako ulit.

"Kayo po... kamusta kayo riyan sa probinsya?" Tanong ko naman.

"Maayos kami rito. Maayos ang ani kaya sinimulan ko ng ipaayos ang bahay natin. Paunti-unti lang. At may pinapadala ka namang pera."

"Mabuti naman po. Sa susunod na linggo ay magpapadala ulit ako. Maraming sobra sa baon ko ngayon, eh." Saad ko.

"Huwag mong tipirin ang sarili mo, anak. Ayos lang kami rito. Para sa'yo ang perang binigay sa'yo..."

"Ayos lang po 'yon. Hindi ko naman po magagamit, eh. Tsaka alam niyo naman pong hindi ako mahilig bumili ng kung ano-ano. Kaya mas mabuti ng napapadala ko sa inyo. At least natutulungan ko kayo."

"Basta ang sinabi ko... Tandaan mong mabuti. Alagaan ang sarili. At mag-aral ng mabuti."

"Opo. Ilang ulit niyo ng sinabi 'yan eh. Sige na po.  Gabi na rin. Matulog na po kayo. Matutulog na rin po ako."

"Oh sige. Goodnight!" Sigaw nila. Rinig ko pa ang boses ng mga kapatid ko. Nakangiti na lang ako.

"Goodnight." Sagot ko saka pinatay na rin ang tawag saka napabuntong-hininga na lang at napatingin sa larawan naming lahat na nasa isang frame. Dinala ko iyon dahil iyon ang tinitingnan ko tuweng nalulungkot ako.

Miss na miss ko na sila...

Kompleto kaming lahat na nasa litrato at lahat ay nakangiti ng matamis. Ganoon kami kasaya kahit ba mahirap ang buhay.

Pero kailangang magtiis muna ako na mawalay sa kanila. Andito naman ako para tulungan sila eh.

Magiging maayos rin ang lahat.

Bigla ay pumasok sa isipan ko si Patricio. Ang tingin niya ay para akong sinusunog. Bawat salita niya ay nasasaktan ako.

Napatingin ako sa kamay ko. Hinawakan niya iyon kanina...ng sobrang higpit. Nung nasa jeep kami. Sobrang lamig ng kamay niya...

Bakit sobra ang galit mo sa akin...

Napabuntong-hininga na lang ako at naihiga ang ulo sa braso habang nakatingin pa rin sa kamay ko. "Wala naman akong kasalanan sa'yo para kamuhian mo ako ng ganito." Saad ko.

Siguro dahil probinsyana ako. Sabi ni Duecche ay ayaw daw ni malas sa mga probinsyana.

Eh, kasalanan ko bang probinsyana ako?

Hayy. Ang gulo lang. Bakit napunta sa ganito ang mga pangyayari. Binangga niya lang ako kanina. Tapos naging magkaaway kaming dalawa. Tapos malalaman ko na lang na anak pala siya  ni Tito Patrick.

Hay naku!

Tumayo na lang ako saka pumunta sa kama ko at nahiga at napatitig sa kisame. Pero agad kung naipikit ang mata ko ng makita ang mukha nung malas na bigla na lamang lumitaw sa paningin ko. Pero agad rin akong napamulat ulit ng makita pa rin ang mukha niya kahit naipikit ko na ang mga mata ko.

What the fudge?!

Pati sa panaginip ba naman ay susundan pa ako ng malas?

ASH SERIES 01: MY ENEMY NAMED PATRICIO [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon