14

130 9 0
                                    

"Are you okay?" Tanong ko sa kaniya. "Hey, kahit ngayon lang kausapin mo naman ako. Rain, ayos ka lang ba? May masakit ba sayo?"

"May nakita ka ba?" Tanong nito kaya natigilan naman ako saka napangiti na lang.

Halos isang buwan na rin mula ng kausapin niya ako.

"No, wala akong nakita. Don't worry." Sagot ko.

"Siguraduhin mo lang! Tatamaan ka talaga sa akin kapag may nakita ka. Dudukutin ko talaga 'yang mga mata mo." Pagbabanta nito kaya natawa naman ako.

"Promise, I didn't see anything." Sagot ko at inayos ang buhok nito na nagulo matapos humangin ng malakas. "Mabuti at kinausap mo na ako." Saad ko.

"Papansin ka eh. Paanong hindi kita kakausapin. Pero hindi pa rin tayo bati. Bahala ka diyan. Ang dami mong kasalanan sa'kin." Saad niya.

Pero kahit ganoon ang sinabi niya ay sumaya pa rin ang puso ko. Okay na sa akin na kinausap niya na ako.

"Ayos lang. Alam ko namang kasalanan ko eh. But...are you really okay? Wala naman bang masakit sayo?" Tanong ko ulit sa kaniya.

"Yung paa ko medyo masakit. Nadulas ako kaninang umaga sa cr." Nakangusong saad nito kaya tiningnan ko naman ang paa nito at hinubad ang suot niyang sapatos.

"Bakit hindi ka nagsabi agad? Paano kung lumala?" Napanguso naman ito kaya napabuntong-hininga na lang ako.

Tumila na ang ulan kaya agad naman akong naupo sa harapan niya. "Yakap ka sa'kin. Bubuhatin kita. Sa bahay na natin gamutin 'yang paa mo." Saad ko kaya agad naman itong yumakap sa akin at binuhat ko naman siya agad. "Ang bigat mo." Reklamo ko.

"Hoy! Ayan ka na naman. Inaaway mo na naman ako. Tinulungan nga ako pero may kasunod namang panlalait." Saad niya kaya natawa naman ako.

"Hindi na. Hindi na. " Sambit ko naman.

"Hindi mo na ba ako aawayin? Hindi mo na ba ako sasaktan at pagtritripan? Hindi na ba kita kaaway?" Tanong niya habang nakadungaw sa akin.

"Hindi na. Tapos na'ko sa mga walang kwentang bagay na 'yun. Ikaw, galit ka pa ba sa'kin?" Tanong ko at humarap sa gawi niya dahilan para magtama naman ang mga mata naming dalawa.

"Hindi naman ako nagalit sayo eh. Naiinis lang talaga ako sayo. Pero hindi pa rin tayo bati, ah! Dami-dami mong kasalanan sa akin eh." Saad nito kaya tumango naman ako saka nginitian siya.

"Oo naman. Ayos na sa akin na kinakausap mo na ulit ako at hindi iniiwasan." Saad ko naman. Nakita ko namang napatitig ito sa akin. "May dumi ba ako sa mukha?" Tanong ko.

"Wala. Napansin ko lang, gwapo ka pala kapag nakangiti, no?" Sambit nito habang nakatingin sa mukha ko.

Hindi ko naman maiwasang hindi mapangiti ng malapad. Kahit anong pigil ko ay kumakawala talaga. "Bakit pangit ba ako kapag hindi nakangiti?" Tanong ko.

"Palagi ka kasing galit dati eh. Palaging nakakunot 'yang noo mo at salubong ang kilay. Tapos 'yung tingin mo parang sinusunog ako." Saad nito.

"Hindi mo naman sinagot ang tanong ko eh." Natatawang saad ko.

"Gwapo ka naman dati kaso ang sama-sama ng ugali mo kaya pangit ka na para sa akin. Pero ngayon gwapo ka na ulit kasi mabait ka na sa'kin tapos binuhat mo pa ako." Nakangiting sagot naman nito.

"Masyado akong nadala ng galit ko eh. Hindi ko na namalayan na mali na pala ang ginagawa ko." Nasabi ko saka napabuntong-hininga.

"Bakit ka ba kasi nagkaganiyan? Sabi kasi ni Kuya Phinn sa akin ay mabait ka naman raw dati. Pwede mo bang ikuwento sa'kin?" Tanong nito habang nakadungaw pa rin sa akin.

"Hm. Sige ba." Saad ko naman saka ibinalik ang tingin sa daan. "Bumisita kami ng oras na iyon ni Daddy sa probinsya. Walang gustong may kumausap sa akin dahil anak mayaman raw ako. Kaya ayon at palagi akong nag-iisa sa bahay. Tapos nang isang araw habang naglilibot sa bayan ay may nakilala akong babae. Maganda, katamtaman ang kulay at mabait. Siya ang unang kumausap sa akin simula ng dumating kami sa lugar na iyon. Sa una ay hindi ko siya pinansin pero masyado siyang makulit. Palagi ako nitong pinupuntahan ng palihim sa bahay namin. Simula nun naging masaya na 'yung mga araw ko kapag kasama siya. Palagi akong nakangiti habang tinitingnan siya. Pero sa una lang talaga lahat 'yung saya eh. Hindi man lang nagtagal. Masyadong nahulog agad nag loob ko sa kaniya. Hindi ko na namalayan na ginagamit lang pala ako nito. Hindi ko na napansin iyon kasi akala ko ako 'yung nagpapasaya sa kaniya iyon pala eh pero ko. Pera ko lang ang habol niya kaya niya ako kinausap at kinaibigan. At ang mas masakit kasi nanggaling pa 'yun sa mismong bibig niya. Simula nun ay hindi na niya ulit ako pinuntahan o kinausap. Wala na raw akong silbi para sa kaniya kaya ayaw niya na sa'kin. Kaya ayon...masyado akong nasaktan kasi ang unang babaeng nagustuhan ko eh ginamit at niloko lang pala ako. Simula nun ay itinatak ko na sa isip ko na lahat ng probinsyana ay manggamit at masasama. Hindi na ulit ako nagtiwala sa ibang tao. Natatakot na kasi akong maulit na naman iyon. Na baka maloko na naman ulit ako at maiwan na mag-isa. Kaya nung makita kita... Nakita ko siya---sayo kaya sayo natuon ang galit ko na dapat para sa kaniya. Kaya nagawa ko ang mga masasamang bagay na 'yun kasi kapag nakikita kita ay hindi ko maiwasang hindi maalala ang mga ginawa niya. Natatakot kasi akong baka gawin mo rin iyon sa akin kapag naging malapit ako sayo..." Kwento ko saka tumingin sa kaniya.

Nagulat naman ako ng makitang umiiyak siya. Agad ko namang pinahiran ang luha nito. "Ayos ka lang?"

"Nakakaiyak naman pala ang pinagdaanan mo. Parang 'yung napapanood ko sa TV at nababasa sa mga pocket books. Ngayon alam ko na bakit ganiyan ang naging ugali mo. Kung saakin din 'yun nangyari siguro nakatikim na ng suntok 'yung taong 'yun. Tsaka pangako sayo, hindi ako kagaya niya. Kahit na pinapaaral ako ni Tito...babawi naman ako kapag nagkatrabaho na ako eh."

"Malayong-malayo ka sa kaniya, Rain. Wala siya sa kalahati ng kabaitan mo." Saad ko kaya binigyan naman ako nito ng hindi makapaniwalang tingin.

"We?" Saad pa nito kaya natawa naman ako.

"Oo nga. Huwag ka na lang kumontra kasi pinuri na kita." Saad ko pa.

"Wow, ah?" Natatawang saad nito. Hindi ko naman mapigilang maptitig sa tawa nito.

Nakakahawa masyado...

ASH SERIES 01: MY ENEMY NAMED PATRICIO [COMPLETED]Where stories live. Discover now