09

140 10 0
                                    

Dumaan ang mga araw sa eskwelahan man o sa bahay ay hindi na talaga natigil ang pang-iinis ng lalaking malas sa akin. Merong papatidan ako. Meron namang ipapalapa sa aso niya. Iiwan sa jeep kapag nakatulog. At kung ano-ano pang kabaliwan na hindi ko na mabilang.

Parang gusto ko na lang umuwi sa bahay sa probinsya at magsumbong dahil sa kasamaan ng ugali nito pero mas pinili ko na lang na manahimik at hindi magsumbong kahit papaano. Nagpapanggap na ayos lang ang lahat.

Tapos may isang babae pa doon kahapon na bigla na lang akong sinampal dahil nilalandi ko raw ang boyfriend niya.

Gusto ko na lang maging hakdog.

Hindi ko nga alam kung sino ang boyfriend niya. Nakakabaliw ang mga tao ngayon.

Mabuti na lang at hindi malakas ang sampal at nakasampal din ako sa kaniya kaya kahit papaano ay hindi masakit para sa akin. Aba, hindi ako papayag na kawawain ako. Basta wala lang akong kasalanan sa kanila. Ipaglalaban ko talaga sarili.

Pero iba pagdating dito sa bahay.

Kapag sinabi ko ang mga pinaggagawa ni Patricio sa akin ay baka magalit si Tito sa kaniya. Baka pagalitan siya. At sisihin na naman ako nito sa huli.

Kaya mananahimik na lang ako.

Tsaka ako naman itong nakikitira lang dito ngayon. Wala akong karapatang magreklamo.

Napabuntong-hininga na lang ako saka ininat ang mukha saka agad na bumangon. Sabado ngayon kaya walang pasok.

Isinuot ko na ang tsinelas ko saka naglakad papunta sa pinto pero laking gulat ko ng pagtapak ko sa labas ng pinto ay bigla na lang akong nadulas. "Arghhh!" Malakas na daing ko ng tumama ang pwet ko sa sahig at humambalos ang ulo ko sa sahig. Parang bigla akong nahilo habang nakahiga.

Nanginig bigla ang kamay ko at parang wala akong lakas para gumalaw. Hindi ako makagalaw...

Sinubukan kung igalaw ang kamay ko at dinama ang ulo ko ng may maramdamang parang may tumutulong kung ano. Nanginig bigla ang kamay ko ng makita ang pulang likido na nasa kamay ko. Naiyak na lang ako at hindi pa rin makatayo. Ang sakit ng buong katawan ko dahil sa paghambalos ko sa sahig. Nahihilo ako. Para akong masusuka habang nakatingin sa kamay ko na puno na ng dugo.

"Rain, anong---shit! Anong nangyari sayo?!" Bigla ay sigaw ni Kuya Phinn at bigla na lang lumapit papunta sa akin at agad akong binuhat. "Dumudugo ang ulo mo---dammit! Dad! Mom! Call the ambulance!" Sigaw ni Kuya Phinn.

Naipikit ko na lang ang mata ko dahil nahihilo na talaga ako at nanlalabo na ang paningin. Ang katawan ko ay halos hindi ko na talaga maigalaw.

"Oh my god! Anong nangyari kay Rain? Bakit ang raming dugo?" Narinig kung tanong ni Tita.

"Nakita ko na lang po siyang nakahiga sa sahig at duguan doon sa labas ng kwarto niya. Tumawag kayo ng ambulance, Mom. Bilis! Baka maubosan ng dugo si Rain. Ang daming dugong nawawala sa kaniya." Tarantang saad ni Kuya Phinn.

Pinilit ko namang imulat ang mga mata ko pero sa sobrang labo ng nakikita ko ay mas lalo lang akong nahihilo. Ipinikit ko na lang ulit ang mata ko pero patuloy pa rin ang luha ko sa pag-agos.

Hindi ko alam pero mas masakit ngayon ang nararamdaman ko sa puso ko kesa sa ibang parte ng katawan ko. Parang may kung anong tumusok sa puso ko ngayon.

Maya-maya ay narinig ko na ang tunog ng ambulance na papalapit sa amin.

"Oh god! Anong nangyari kay Rain, Phinn?" Narinig kung tanong ni Tito.

"Mamaya ko na ipaliwanag, Dad. Dapat madala na agad si Rain sa ospital. Baka ubusan siya ng dugo." Saad ni Kuya Phinn.

Naramdaman ko na lang ang iba pang kamay na humawak sa akin at inihiga ako sa isang bagay. At naramdaman ko na lang na gumagalaw na ang sinasakyan ko. Siguro ay nasa loob na ako ng ambulansya.

May inilagay sila sa aking mga bagay para tulungan akong huminga. Kahit papaano ay nakatulong naman iyon pero hindi ko pa rin maidilat ang mata ko. Nahihilo ako at parang lalabas ang mata ko kapag sinubukan ko.

Unti-unti ko ng nararamdaman ang sakit na nagmumula sa katawan ko. Mula sa paa hanggang sa leeg ko ay sumasakit at kumikirot. Parang hindi na nga ako makalunok ng maayos. Ramdam ko rin na may dugo ng kahalo ang nalulunok ko.

Mamamatay na ba ako...

Ayaw ko pa mamatay. Gusto ko pang tulungan ang pamilya ko. Gusto ko na silang puntahan ngayon. Ayaw ko na dito...

Gusto ko pang tuparin ang mga pangakong binitawan ko sa kanila. Gusto ko pang gawin ang mga gusto ko at mga pangarap ko. Mag-aaral pa akong mabuti para makapagtapos at matulongan sila Mama at Papa.

Bibilhan ko pa sila ng bahay at lupa. Pag-aaralin ko pa ang mga kapatid ko. Kakain pa kaming magkasama. Gagawin pa naming magkasama ang lahat ng iyon.

Ayaw ko pang mamatay...

Hindi ko na marinig ng maayos ang mga sinasabi ng mga nasa paligid ko. Pati pandinig ko ay nanlalabo na rin. Parang mas lalo akong nahirapang huminga kahit na may tubong nakasalpak na sa ilong na nagsusupply ng oxygen sa akin.

Hindi ko na alam ang gagawin ko...

Pero ayaw kung sumuko.

Gusto ko pang mabuhay ng matagal na matagal pa. Dapat kayanin ko 'to. Dapat tatagan ko ang loob ko.

Tuluyang nandilim na ang lahat-lahat sa akin at tuluyang nawalan ng malay at hindi na alam ang sumunod na mga nangyari.

ASH SERIES 01: MY ENEMY NAMED PATRICIO [COMPLETED]Where stories live. Discover now