06

150 13 0
                                    

Napabuntong-hininga na lang ako saka naupo sa upuan ko ng tuluyang makarating sa room.

"Good morning." Bati ni Duecche kaya ngumiti naman agad ako.

"Good morning din!" Bati ko pabalik sa kaniya.

"Bati na ba kayo ni Patricio? Nakita ko kasing magkasama kayong pumasok, eh." Tanong niya kaya napabuntong-hininga naman ako.

"Hindi, ah. Sa taas ng pride chicken ng taong 'yon... ewan ko na lang. Huwag na nga natin siyang pag-usapan. Nakakasama ng araw ang mukha niya at maski ang pangalan niya." Saad ko.

"Sige. Sabi mo, eh. Naikuwento ko nga pala sa Daddy at Mommy ko na may nakilala akong bagong kaibigan. Ayon at natuwa naman sila dahil nay nakasundo ako kahit papaano." Masayang kuwento nito.

"Sinabi mo bang probinsyana ako?" Tanong ko.

"Oo. Wala namang problema dun eh. Hindi naman sila bumabase sa katayuan ng tao. Ang gusto nila ay 'yung mabait iyong magiging kaibigan ko." Nakangiting saad pa nito kaya napangiti naman ako.

"Mabuti na lang. Ayaw ko mawalan ng kaibigan, eh. Wala pa naman akong masyadong kilala rito." Nakangusong saad ko.

"Ang dami kayang gustong makipagkilala sa'yo. Kaso nahihiya sila dahil baka hindi mo sila pansinin. Famous ka kaya dito sa school." Natatawang saad nito kaya nanlaki naman ang mata ko.

"P-Paanong nangyari 'yon?" Tanong ko.

"Syempre una dahil maganda ka. Tapos matalino ka pa. Ikaw daw bukang bibig ng mga teachers ngayon, eh. Bumilib ata sayo kahapon dahil lahat ng quiz nila ay naperfect mo. Tapos may nakapagsabi din na sumali ka raw ng banda rito?"

Tumango naman ako saka napabuntong-hininga. "Dati akong vocalist sa isang banda doon sa amin. Grabi, paano nilang nalaman lahat ng 'yon?"

"Ganoon talaga dito sa Andromeda." Natatawang saad nito.

Napangiti naman akong napatitig sa kaniya kaya bigla naman itong napatigil sa pagtawa."May dumi ba sa mukha ko?" Tanong niya.

Umiling naman ako saka ngumiti ng malapad. "Wala. Napansin ko lang kasing komportable at hindi ka nauutal ngayon." Saad ko.

"Nahihiya talaga kasi ako sayo kahapon. Tinapangan ko na nga ang loob ko para kausapin ka, eh. Gusto ko rin kasing magkaroon ng kaibigan."

"At may kaibigan ka na ngayon. Alam ko kahapon kahit na kalmado ako sa loob-loob ko ay kinakabahan rin ako. Like, diba? Bago lang tayo sa ganitong klase ng lugar."

"Hm. Hala, andiyan na si Miss." Biglang saad nito kaya agad naman kaming umayos na ng upo at natahimik na.

Agad naming binati ang dumating na Miss. Nakinig na rin kami at hindi na nagkuwentuhan pa ng magsimula na itong magturo. 

Hindi ko na rin pinansin ang masamang tingin na alam ko kung sino ang nagmamay-ari. Magiging bad mood na naman ako kapag pinansin ko siya. Bahala siya diyan.

Naiinis pa rin ako sa kaniya.

Ang sakit pa ng puwit ko tapos iyong kamay ko naman ngayon. Hayy. Malas talaga siya, eh.

Kapag recitation naman ay palagi akong sumasagot. Kagaya ng sinabi ni Papa ay dapat mag-aral akong mabuti. Nakikinig ako kaya may naisasagot ako sa bawat tanong. Lalo na nang magpaquiz na naman ulit ang Miss. At masaya naman ako ng makakuha ng perfect score sa kaniya pero may isa pa akong kasama nakaperfect. Iyong malas... sino ba pa. Pft.

Perfect scorer din, eh. Ayaw magpatalo. At hindi rin ako magpapatalo. Tsk. Neknek niya. Bahala siya diyan. Para 'to sa pamilya ko.

Sa sumunod na subject ay lalo kaming nagkainitan na dalawa. Bawat recitation ay palagi kaming naglalaban kung sino ang sasagot. Tapos ang sama-sama pa ng tingin sa akin. Para bang may lazer na lalabas sa mata niya bigla.

Kaya natapos ang second sub namin na halos kaming dalawa lang ang sumasagot sa mga question.

Napabuntong-hininga na lang ako ng tuluyang makalabas sa kuwarto dahil recess na namin. 15 minutes break para magsnacks.

"Ang galing mo kanina, Rain. Halos kayong dalawa na ni Patricio iyong nakasagot sa mga tanong ng teacher." Humahangang saad ni Duecche.

"Nakasagot ka rin ah at puro tama pa. Tiyak matalino ka rin, no?" Tanong ko.

"Hindi naman masyado. Mas matalino ka pa rin. Idol na talaga kita." Natawa na lang ako sa sinabi nito.

"Hindi mo idol si Malas--este si Patricio? Matalino rin 'yon, diba?" Tanong ko naman ulit.

"Kaibigan kita, eh. Syempre sa'yo ako." Natatawang saad nito kaya natawa na lang rin ako.

Pagkarating sa caféteria ay agad na kaming pumila para makakain na. Nagutom ako sa pagsagot ng mga tanong eh.

Pero...ayos lang kaya ang malas na 'yun? Lasing pa siya kanina. Baka anong mangyari dun. Bahala na nga! Kaya niya naman siguro ang sarili niya. Tsaka malaki na siya. Hindi ko na kailangang bantayan pa siya. Tsaka ayaw ko din madikit dun. Baka manaya saktan na naman ulit ako nun. Sama-sama ng ugali.

Guwapo naman at matalino pero dahil ang sama ng ugali niya ay naging pangit na siya para sa akin.

Kumain at nagkwentuhan na lang kaming dalawa ni Duecche. Ayon at masiglang-masigla naman akong nagkwento tungkol sa pamilya ko.

Hindi ako nagsasawang nagkwento at siya naman ay hindi nagsasawang makinig sa mga kwento ko. Kaya mas ginaganahan akong magkwento lalo.

Pero sa gitna ng kwentuhan namin ay bigla na lang may naupong lalaki sa tabi ko kaya napatingin naman ako dito.

"Hi." Nakangiting asik nito.

Napatingin naman ako sa damit niya at nakitang pareho kami. Nasa ABM din siya.

"I'm Lenard. Kaklase mo ako, Rain. I just want to meet you. Humahanga ako sayo dahil ang talino mo." Nakangiting saad nito.

"Okay. Nice to meet you, Lenard." Nakangiting saad ko.

"Would you mind if I join you with my friend? Wala na kasi kaming maupuan." Saad nito.

Napatingin naman ako kay Duecche saka nagkibit-balikat. "Oo naman. Ayos lang." Sagot ko saka nagpatuloy sa pagkain.

"Hi Dutchmilk!" Biglang bati ng kasamang lalaki ng Lenard at inakbayan si Duecche.

"Huwag mo nga akong tawaging ganiyan, Damiene. Nakakahiya kaya." Sita sa kaniya ni Duecche at siniko ang lalaki sa gilid.

"Magkakilala kayo?" Tanong ko.

"Magpinsan kaming dalawa." Sagot ni Duecche kaya napatango-tango naman ako at napatitig sa kanilang dalawa. Magkahawig nga sila ng bahagya. Lalo na sa mga mata.

"Alam mo, kahapon ka pa namin gustong makilala. Kaso nahihiya kaming lumapit dahil baka hindi mo kami pansinin." Saad ni Lenard bigla kaya natawa naman ako.

"Bakit kayo mahihiya? Ayos lang naman saakin eh." Sagot ko naman at uminom ng juice.

Nagpatuloy lang usapan namin. Mabait naman silang dalawa kaya nagkasundo naman kami agad. Iyong si Damiene ay medyo maingay at palabiro kaya natatawa naman ako sa kaniya. Habang si Lenard naman ay palaging nakangiti at palaging nag-eenglish pero hindi naman malaswang pakinggan. Maayos pa nga eh.

ASH SERIES 01: MY ENEMY NAMED PATRICIO [COMPLETED]Where stories live. Discover now