11

137 10 0
                                    

"Bakit hindi mo sinabi sa kanila ang totoo?"  Narinig kung tanong ng nasa tabi ko. Gabi na kaya madilim na sa labas at tulog na ang iba. Hindi ako nagsalita at nakinig lang sa sasabihin niya. "Alam mo naman na ako lang ang pwedeng gumawa sayo nun. Pero bakit kailangan mo pa akong pagtakpan..." Dagdag pa nito.

"Nakokonsensiya ka na ba sa mga ginawa mo?" Mahinang tanong ko at nagmulat ng mata at tumingin ng deritso sa kaniya. "Dahil sa ginawa mo pwede kang makapatay ng tao, Patricio. Pwede kang makasira ng pangarap ng iba. Lahat pwedeng mawala sa kanila dahil sa ginawa mo." Dagdag ko pa.

Nakita ako ang pagkaguilty sa mata nito habang nakatingin sa akin ngayon.

"Lalo na at wala naman akong ginawang masama sayo. Alam mo 'yun simula pa ng una, diba? Gusto kitang gantihan. Gusto kitang isumbong. Gusto kung umiyak at magmukmok dahil sa pinaggagagawa mo sa akin. Pero sa tuweng maiisip kung pwede kang pagalitan ng pamilya mo at magkakasira kayo...natatakot na ako. Hindi ko kasi kakayaning makita ang ibang taong nahihirapan dahil lang nahihirapan din ako. Kung may malaking galit ka man sa ibang probinsyanang nakilala mo noon. Sana huwag mo akong idamay. Dahil bawat salitang lumalabas diyan sa bibig mo ay tumatatak sa isipan ko. Lahat ng pang-aaping ginawa mo sa akin ay pinagsawalang bahala ko kasi alam kung may dinadamdan ka lang kaya mo naibubunton sa akin ang galit mo. Pero sana maisip mo rin naman...Nakakasakit ka na." 

"Ngayong nandito na ako sa ospital. Halos hindi na makagalaw. Halos pabulong na lang para lang makapagsalita. Nabagok ang ulo. Bali-bali ang buto. At muntek ng mamatay dahil sa pangtitrip na ginawa mo. Sana marealize mo na ibang tao 'yung nasasaktan mo, Patrcio. Ibang tao 'yung ginagantihan mo." Dagdag ko pa habang nakatingin pa rin ng deritso sa kaniya.

"Pumunta ako dito dahil gusto kung makapagtapos. Tinanggap ko ang tulong na alok ni Tito dahil desperado na akong makapagtapos at makapagtrabaho para mabigyan ng maayos na buhay ang pamilya. Tiniis kung mawalay sa pamilya ko para lang makapag-aral. Pero hindi inaakala na muntek ng mawala ang lahat dahil lang sa ginawa mo. Hindi ko 'to sinasabi para konsensiyahin ka. Sinasabi ko 'to para maliwanagan ka na hindi ako ang kaaway mo. Hindi mo'ko kailangang saktan kasi nasaktan ka rin. Dahil hindi mabubura nun ang nararamdaman mong sakit." Napabuntong-hininga na lang ako at naipikit ang mata ng maramdamang nag-iinit iyon pero wala namang luha na lumalabas.

Nasimot na siguro lahat. Wala ng natira. Wala na akong may maiiyak pa. Pagod na rin naman akong umiyak. Akalain mong nakakapagod rin pala 'yun.

"Sorry..."

Narinig kung saad nito pero hindi ko magawang magsaya o malungkot. Pakiramdam ko ngayon ay wala na akong pakiramdam.

"Hindi na maibabalik pa ng sorry mo ang mga nagawa mo na. Hindi mo na maayos pa ang mga nasira mo na. Pero sana baguhin mo 'yung mga paniniwala mo. Sana gumawa ka ng paraan para maayos ang mga bagay-bagay na andito na ngayon at nangyayari. Huwag mong hintayin na mawala pa sayo ang lahat-lahat bago mo marealize." Saad ko pa.

"Sa dami ng ginawa ko sayo...bakit pinagtakpan mo pa rin ako?" Tanong niya kaya napamulat naman ako at napatingin sa kaniya.

"Hindi ko kasi kayang makita ang iba na nagdudusa. Alam kung ganoon ka rin. Sadyang natatabonan lang ng galit 'yung tunay na nararamdaman mo." Sagot ko saka  napabuntong hininga ng makitang may gusto itong sabihin. "Huwag kang mag-alala. Hindi ko ipagsasabi kahit kanino at hindi rin ako magsusumbong tungkol sa lahat ng ginawa mo kung 'yun ang inaalala mo." Saad ko pa.

"H-Hindi 'yun..." Saad niya kaya bumalik naman ang tingin ko sa kaniya. "U-Uuwi ka ba talaga?" Tanong nito kaya napabuntong-hininga naman ako.

"Hindi ako pinayagan ni Tito kaya mananatili pa rin ako dito. Mag-aaral at sa inyo pa rin titira. Pero kung hindi mo naman gustong makasama ako sa bahay niyo ay lilipat na lang ako at maghahanap ng condo kapag gumaling ako at makalabas ng ospital---"

"Ayos lang sa akin. Doon ka na lang sa bahay..." Saad niya kaya tumango naman ako.

"Sa susunod na buwan ay uuwi ako sa amin at mananatili ako doon habang sem break kaya may panahon ka na wala ako doon sa bahay niyo. Hindi ka na maiinis dahil wala ng probinsyanang umaaligid sayo." Dagdag ko pa.

Wala na kasing panggastos si Mama at Papa para sa pag-aaral ko kaya patitigilin na nila sana ako sa pag-aaral. Pero biglang dumating si Tito at sinabing sayang dahil kalahating taon na lang at makakagraduate na ako ng senior high. Kaya sinuhestiyon nito na pag-aralin ako. Hanggang college ay siya na rin ang bahala sa pagpapaaral sa akin kaya napapayag ako.

Natahimik naman ito habang nakayuko kaya napabuntong-hininga naman ako ulit. "Sana sa natitirang pamamalagi ko sa bahay niyo... Sana sa school... Sana magpanggap ka na lang na hindi tayo magkakilala o hindi natin nakikita ang isa't-isa. Ayaw ko na kasing masaktan pa lalo kaya iyon na lang ang naiisip ko. Sana pumayag ka dahil ayaw kung makita ng pamilya ko na puro pasa at sugat na umuwi sa amin. Mag-aalala kasi sila sa akin kapag nagkataon at pwedeng hindi na nila ako pabalikin pa dito. Ibigsabihin nun ay hindi na rin ako makakapag-aral pa. Kaya sana... Pagbigyan mo ang hinihiling ko." Hiling ko habang nakatingin sa mga kamay ko.

Nang hindi ito sumagot o nagsalita ay ipinikit ko na lang ang mata ko saka inilagay sa tiyan ko ang dalawa kung kamay. Napabuntong-hininga pa ako na walang ingay saka hindi na muling pang nagsalita dahilan para maging tahimik ang buong paligid.

Hindi ko na inabala pang silipin ang ginagawa niya o nakaalis na ba siya. Basta hinintay ko na lang ang antok na kunin ako at dalhin sa pagtulog. Maya-maya ay tuluyan na nga akong nakatulog kaya kahit papaano ay napayapa na rin ako.

ASH SERIES 01: MY ENEMY NAMED PATRICIO [COMPLETED]Where stories live. Discover now