38

138 4 0
                                    

Nakauwi na kami ngayon sa Manila pero dama-dama ko pa rin ang pisngi ko. Kahit ilaw araw na mula nun ay ramdam na ramdam ko pa rin ang malambot na labi niya sa pisngi ko.

Shit!

Nagpaikot-ikot naman ako sa higaan ko at napahalaklak na lang dahil sa kilig na nararamdaman. Feeling ko nakadikit pa rin ang labi niya ngayon sa pisngi ko.

Nailing na lang ako saka tumayo na lang at napagdesiyonan na bumaba para kumuha ng soda sa ref.

"Mukhang masaya, ah?" Bigla ay tanong ni Kuya Phinn.

"Inlove." Sagot ko at umalis at dumeritso sa sofa at nanonood ng TV at napili ko iyong spongebob.

Nawili naman ako sa kakapanood ng biglang dumungaw sa harapan ko si Rain. "Boo!" Saad pa nito kaya natawa naman ako.

"Wala kang matatakot kapag ganiyan ka kacute manggulat." Saad ko. Napanguso naman ito at naupo sa tabi ko.

"Ano ba dapat?" Tanong niya.

Bumangon naman ako at agad na hinawakan siya magkabilang kamay at basta na lang inihiga sa sofa. "Boo!"

"Waaah!" Tili nito kaya natawa naman ako at bumangon. Binato naman ako nito ng unan habang masama ang tingin.

"Ganun manggulat." Saad ko.

"Nakakainis 'to." Saad pa niya habang masama pa rin ang tingin.

"Ikaw nagtatanong paano ba dapat tapos ng tinuruan ka eh galit ka pa sa'kin." Saad ko naman.

"Nanggugulat ka eh!"

"Tinuruan lang kita." Natatawang saad ko.

"Sana sinabi mo muna."

"Edi hindi ka na nagulat, nun. Tsaka paano 'yun? Rain, gugulatin kita kaya dapat sumigaw ka, ah?"

"Nyenye! Hindi tayo bati." Saad nito at niyakap na lang ang unan.

Agad naman akong lumapit sa kaniya saka hinawakan ang magkabilang pisngi niya at binilog-bilog. "Huwag ka ng magalit. Nagbibiro lang naman ako eh." Saad ko at kinuha ang soda. "Inom ka na lang nito. Sabi nila mawawala raw ang tampo mo kaoag uminom ka nito eh."

"Inuuto mo naman ako eh."

"Inom ka na lang kasi. Gusto mo'to, diba?" Tumango naman siya kaya ibinigay ko naman iyon sa kaniya. "Huwag ka na magalit. Hindi ko na uulitin." Dagdag ko pa.

"Parang lalabas 'yung ko dahil sa ginawa mo." Saad pa nito.

"Edi ibabalik natin." Saad ko at kunyari namang hunili ang puso niya saka ibinalik ulit sa dibdib niya. "Bumalik na."

"Ang dami talagang alam." Natatawang saad nito.

"Ayan nakangiti na ulit ang ulan ko. Bati na kami." Saad ko naman.

"Ano ba 'yang pinapanood mo?" Tanong niya at nahiga sa balikat ko.

"SpongeBob." Sagot ko naman.

"Maganda 'yan. Minsan ang bobo nga lang ng mga characters. Kagaya niyan. Nakakulong 'yang maliit na 'yan. Ang liit-liit niya pero hindi niya pa naisapang lumabas sa kulungan. Tapos 'yung posas na sobrang laki tapos 'yung kamay niya na halos nasa kayarom lang sa laki." Saad nito habang nakaturo sa TV.

"Nung bata ako hindi din ako nanonood ng ganito eh." Saad ko.

"Yung mga kapatid ko hindi ko pinapayagan manood. Baka mabawasan 'yung talino nila." Saad niya kaya natawa naman ako.

Nagpatuloy lang kami sa panonood hanggang sa mabagot kaya pumunta na lang kami ng kusina at naisipang magluto ng pancake.

Ang dali lang namang gawin iyon kaya mabilis rin kaming natapos. Ang dami ng niluto namin kaya kain lang naman kami ng kain. Biglang pumasok si Ate Phana at Kuya Phinn at sinabayan kaming kumain kaya naging maingay naman ang kusina.

Nang matapos ay wala naman kaming gagawin na dalawa kaya nag-aya na lang ako na pumunta sa kwarto.

Nagkantahan naman kaming dalawa dahil may gitara ako. Hindi ko pa rin maiwasang hindi mapahanga sa tuweng naririnig ang boses niya. Ang ganda talaga.

"Sandali...may ipapakita ako sayo." Saad ko at binuksan ang computer.

"Ano 'yan?" Curious na tanong naman nito.

"Ikaw." Sagot ko at plinay ang video.

Iyon ang oras na ibinigay ko sa kaniya ang singsing. Kuha iyon ng drone mula sa taas kaya mas lalong gumandang tingnan.

"Ang ganda..."

"Nagustuhan mo?" Tanong ko.

"Oo. Ang ganda ng kuha nating dalawa dun. Play mo nga ulit." Sinunod ko naman ang sinabi nito habang nakatingin lang sa reaksiyon niya. Napangiti na lang ako dahil kumikinang talaga ang mata niya habang tinitingnan iyon.

At pinaulit-ulit niya talagang panuurin iyon na para bang hindi nagsasawa. Hinayaan ko lang naman siya dahil hindi rin akong nagsasawang tingnan ang bawat reaksiyon na dumadaan sa mukha niya.

Bumaba naman ang tingin ko sa daliri niya at nakangiti dahil bagay na bagay  iyong singsing sa kaniya. Lahat naman ata ng isuot sa kaniya ay bumabagay eh. Hindi ko na kailangang magtaka at humanga pero hindi ko talaga maiwasan.

"Rain, sayaw tayo." Aya ko at nagpatugtog ng kanta at tumayo at hinawakan siya sa bewang at pinagsiklop ang kamay namin.

"So you can dance too..." Saad ko naman habang isinasayaw siya.

"Oo naman. Lalo na ikaw 'yung kasayaw ko. Gumagaling ako lalo." Sagot niya naman kaya hindi ko naman maiwasang hindi mapangiti.

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko at parang nag-uumapaw 'yung kasiyahan na nararamdaman ko. Na-enjoy ko masyado ang sayaw naming dalawa. Ang galing at palaging nasa tyempo ang bawat galaw naming dalawa na para bang ginagalingan talaga naming dalawa na kung sa tutuusin ay sadyang masaya lang talaga kami.

Inikot-ikot ko naman ito at siya naman ay natatawa na. Nahilo naman kaming dalawa kaya napahiga na lang kaming dalawa sa kama habang natatawa pareho.

"Sana hindi na matapos ang araw na 'to... Ang saya-saya lang." Saad niya habang nakatingin sa singsing na nasa kamay.

"Bakit hindi ba pwedeng gawing masaya ang araw-araw natin, hm? Ako kasi...makasama ka lang ay sumasaya na." Saad ko naman at ipinagsiklop ang kamay naming dalawa.

"Pwede ba 'yun?" Tanong niya naman.

"Oo naman. Bakit naman hindi? Wala namang batas na nagsasabing dapat isang araw ka lang na masaya, ah?"

Natawa naman ito dahil sa sinabi ko kaya nagawa na rin ako. "What? Totoo naman, diba?" Tanong ko pa.

"Oo na. Oo na. Ang dami-dami mong alam eh." Saad naman niya at saka yumakap sa akin.

ASH SERIES 01: MY ENEMY NAMED PATRICIO [COMPLETED]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ