21

109 8 0
                                    

"Rain, sorry about kanina. Hindi ko sinasadya na pumunta doon sa kwarto mo. Naglalakad kasi ako ng tulog kaya---"

"Don't worry, Kuya Phinn. Nasabi na sa akin ni Patricio. Tsaka ayos lang po 'yun." Nakangiting saad ko.

"Natakot siguro kita, no?" Tanong niya.

"Medyo lalo na sa kalansay." Natatawang saad ko.

"Oh...HAHAHA about that. Iyong jacket ko kasi ay umiilaw kapag nasa dilim at gumagawa na parang kalansay. Panakot ko kasi iyon dati kay Patricio." Sagot niya kaya napatango-tango naman ako. "I have to go na pala. Baka malate na ako." Paalam niya kaya kumaway naman ako sa kaniya.

Maya-maya ay nakita ko naman si Patricio na lumabas na mula sa gate kaya ngumiti naman agad ako.

"Tara." Aya niya kaya tumango naman ako at sumabay sa kaniya sa paglalakad.

"May pinag-usapan ata kayo ni Tito na importante." Saad ko habang nakatingin sa daan.

"Yeah... Sobrang importante at inamin ko na rin sa kanila ang totoo about sa nangyari sayo." Saad niya kaya nanlalaki naman ang mata ko.

"Pinagalitan ka ba?" Gulat na tanong ko.

"Syempre naman. Napahamak ka dahil sa katarantaduhan ko eh. Pero nangako na ako sa kanila na hindi ko na uulitin iyon. Hindi na ulit kita sasaktan. Dapat raw bumawi ako sayo ng matindi kasi ang dami ko raw kasalanan sayo. Nalaman rin kasi nila na ako pala ang tinutukoy mong kaaway mo." Natatawang saad niya.

"Ang baliw mo kasi! Kaya ngayon bumawi ka, ah?" Saad ko naman ba kunyaring seryuso pa.

"Oo naman." Sagot niya at pumara na ng jeep. Pinauna naman ako nitong sumakay at sumunod.

Habang nasa biyahe naman ay napili na muna naming mag-aral. Simula na kasi ngayon ng exam namin dahil nga sem break na sa susunod na linggo.

Nang makarating sa school ay agad na kaming dumeritso sa room at napapansin ko na mas marami atang mata ngayon ang nakatingin sa amin pero hinayaan ko na lang rin naman.

Pagpasok sa loob ng room ay agad kung nakita na nakadistance na ng isang metro ang bawat upuan.

"Do your best." Saad niya pa kaya ngumiti naman ako.

"Ikaw din. Do your best!" Masiglang saad ko saka tuluyan ng pumunta sa upuan ko.

"Nakabagong tali na ang buhok mo, Rain, ah? Bagay sayo. Ang ganda mo lalo." Nakangiting saad ni Duecche.

"Si Patricio nagtali sa'kin nito hehe. Ikaw din, ang ganda mo rin ngayon diyan sa bagong tali mo." Saad ko rin. Humagikhik naman kaming dalawa at nag-usap pa ng ilang sandali at napatigil lang ng dumating ang Teacher na magbibigay ng paunang exam.

Two hours ang ibinigay sa amin para sagutan iyon. Tahimik naman ang buong room at lahat naka focus. Isa kasi ito sa mag-aangat ng grades mo. Kapag mataas ang nakuha mo dito sa exam ay magiging mataas rin kahit papaano ang grades mo. Pero depende rin. Kasi kung mababa 'yung quiz at iba mo pang score at hindi ka palaging nagrerecite ay pwedeng bumaba ang grades mo.

Dapat nakabalance rin.

Mabuti na lang talaga at palagi kaming nag-aaral ni Pat kaya ang kadalasan ng nasa exam ay naaral na namin. Salamat rin doon sa librong ibinigay sa amin dahil kadalasan sa mga sagot ay andodoon.

Bawal lumingon kahit sa anong deriksyon. Dapat nasa papel at test paper lang ang paningin mo. Kapag may tanong ka ay sa teacher ka dapat magtanong at hindi sa katabi.

Lumipas ang mga oras at natapos ako kaya tumayo na ako pero tyempo ring tumayo si Patricio. Nagkatinginan naman kami saka walang ingay na natawa na lang sa isa't-isa.

ASH SERIES 01: MY ENEMY NAMED PATRICIO [COMPLETED]Where stories live. Discover now