34

87 5 0
                                    

"Pat, halika ka nga rito sandali." Tawag ni Tito sa akin kaya agad naman akong lumapit.

"Po?" Tanong ko.

"Pakibigay nga 'to ito kay Raol. Ibibigay ko rin ito sa iba." Pakita sa mga sobreng hawak. Sweldo iyon. "Ito pala 'yung sayo." Bigay rin nito ng isang sobre sa akin.

"Huwag na po. Ayos na po ako." Tanggi ko.

"Kunin mo na iyan dahil pinaghirapan mo iyan." Saad niya kaya wala na akong nagawa kung hindi tanggapin iyon.

"Salamat po, Tito. Sandali po, ibubuga ko lang 'to kay Mang Raol." Paalam ko at tumango naman ito. Agad na akong tumalikod at napatingin sa sobreng hawak. Napangiti na lang ako at inilagay iyon sa bulsa ko at dumeritso na kung nasaan si Mang Raol at nakita ko itong nagpapahinga sa ilalim ng kahoy.

"Mang Raol, ito na po 'yung sweldo niyo." Bigay ko sa kaniya ng sobre.

"Salamat, Iho." Tumango naman ako.

"Alis na po ako. Umuwi na rin ho kayo para makapagpahinga na." Nakangiting saad ko saka tumalikod na at umalis.

Bumalik na ulit ako papunta kay Tito at nakita kung patapos na ito sa pagbibigay ng mga sweldo.

"Uuwi na po ba tayo?" Tanong ko.

"Hm... Hindi muna tayo uuwi. Dumaan muna tayo sa bayan. May inoman roon ngayon dahil sa magandang ani." Saad nito at inakbayan ako.

"Baka hanapin po tayo nila Tita at Rain?" Tanong ko.

"Uuwi rin naman tayo kaagad mamaya eh. Ako ang bahala sayo." Saad nito kaya napatango na lang ako.

"Paano po kayo nagkakilala ni Daddy, Tito?" Tanong ko naman sa kaniya habang naglalakad kami.

"Simula pa lang bata kami ay magkaibigan na talaga kami ni Patrick. Hindi hadlang iyong katayuan namin sa buhay para hindi kami magkasundong dalawa. Matigas kasi 'yang ulo ng daddy mo dati. Palagi niyang sinasaway ang ang Tatay niya. Ayaw kasi sa'kin ng Lolo mo dahil nga mahirap ako. Hindi raw kami bagay na maging magkaibigan ni Patrick. Pero wala eh. Masyadong matatag 'yung pagkakaibigan namin kaya nanatili pa rin kaming magkaibigan...hanggang ngayon. Ang daming naitulong sa akin ng Daddy mo at ngayon ay siya na rin ang nagpapa-aral kay Rain na dapat ay ako ang gumagawa."

"Kusa niya naman po iyong ibinigay sa inyo eh. Hindi niyo naman po iyon hiningi sa kaniya. Tsaka ayos lang naman ho 'yun. Wala naman iyon kay Daddy. Tsaka ang talino ho ng anak niyo. Ang bait-bait at napakatalentado. Gustong-gusto po siya ng mga teachers namin." Pagkukwento ko naman.

"Talaga? Mabuti naman kung ganoon." Saad nito habang nakangiti. "Ngayon ko lang nakitang ganoon kasaya ang anak ko habang nagkukwento lalo na pagdating sayo. Ayaw na ayaw niya talaga na sinisigawan kita at pinapatrabaho dahil hindi ka raw sanay dito at baka mapano ka. Palagi siyang nag-aalala sayo. Dati rati naaalala ko pa na palagi 'yang nagsusumbong saakin kapag may dumidikit sa kaniyang lalaki. Ayaw na ayaw niya kasi 'yun. Pero sayo ay ibang-iba siya. Gustong-gusto ka niyang kasama palagi. Minsan sinasabi ko na...ano kayang gayuma ang ibinigay mo sa anak ko at nagkaganoon siya? Pero habang patagal ng patagal ka rito ay nakikita ko kung ano rin ang nakita niya sayo. Masyado kang nag-aalala sa mga taong malapit sayo. Hindi ka sumusuko kahit na hindi ka sanay sa mga bagay-bagay. Sinubukan kung maging malupit sayo dahil akala ko ay susuko ka kaagad kapag nakatamdam ka ng hirap pero iba ang nangyari. Mas gusto mo pa iyong nahihirapan ka dahil natututo ka ng mga bagong bagay. At higit sa lahat ay hindi mo sinukuan ang anak ko. At nakita ko sa mga mata mo na mahal na mahal mo 'yung anak ko." Nakangiting saad nito.

"Sobra po. Kung hindi siya ang dahilan ay baka hindi ko naman po magagawa lahat ng mga nagawa ko na eh. Siya 'yung nagturo sa akin na maging mabait at alagaan kung anong importante sa akin. Siya 'yung nagbigay ng halaga sa araw-araw ko. Alam niyo po 'yun... Makita ko lang 'yung ngiti niya ay nawawala na agad 'yung pagod ko. Tapos kapag dadating sa bahay at may niluto ito sa akin hindi ko maiwasang hindi pahalagahan iyon. Kapag sinusundo niya ako kung nasaan ako dahil nag-aalala ito. Sumasaya po talaga po ako doon." Pagkukwento ko at narinig ko naman itong humalakhak.

"Ganiyang-ganiyan rin ako dati sa asawa ko." Saad nito at pinat ang balikat ko. "Dahil napatunayan mo sa akin sa salita at sa gawa ang totoong hangarin mo sa anak ko...boto na ako sayo. Pinapayagan na kitang pasayahin ang anak ko habang buhay."

Nanlalaki naman ang mga mata ko at agad na ngumiti ng malapad. "Salamat po, Tito." Masayang saad ko.

"Tawagin mo na ako ngayong Papa." Saad nito at itinaas ang kamao.

"Sige po, Papa." Sagot ko at nakipagfist bump sa kaniya.

Tawang-tawa naman kaming pumunta na sa bayan at ng makarating ay agad ng nagsimula ang inoman. Pero hindi ako masyadong uminom dahil mag-aalala na naman si Rain. At kailangan ko ring alalayan mamaya si... Papa dahil medyo mabilis itong tumagay. Kaya siguradong lasing na lasing ito mamaya.

Umiinom rin naman ako pero hindi masyadong marami kesa sa kanila. Nagkwentuhan naman kaming lahat at tinatanong na nila ako kung kailan ba daw ang kasal namin ni Rain. Ayon si Papa naman ang sumagot na malapit na raw. Magpapatumba raw siya ng baka kapag ikinasal na kami ni Rain.

Simula ng makilala ko si Papa ay hindi talaga siya naging masama sa akin. Sinisigawan ako nito at inuutusan parati pero bawat sigaw at utos na iyon ay may natutunan naman ako sa kaniya. Palagi rin nito akong tinatanong kung kaya ko pa ba.

Akala ko nga ay sobrang strikto ng Papa ni Rain. Iyong tipong pagkakita sa akin ay susuntokin na ako dahil sa ginawa ko sa anak niya.

Sinabi ko kasi sa kaniya ang totoo na ako iyong dahilan bakit nadisgrasya si Rain. Sinabi ko lahat-lahat. Pero sinabi lang nitong bumawi ako ng bumawi sa anak niya. Dapat ay hindi ko saktan ang anak niya.

Sobrang saya ko ngayon dahil sa mga nangyayari sa buhay ko...

ASH SERIES 01: MY ENEMY NAMED PATRICIO [COMPLETED]Where stories live. Discover now