PROLOGUE

603 16 2
                                    

"Is she the transferred student in ABM department?"

"Ang sabi ng mga teachers ay sobrang talino daw niya."

"She's good looking as the Miss described."

Naririnig kung mga bulungan sa gilid ko habang naglalakad ngayon sa pasilyo. Maraming matang nakatingin na hindi naman na bago sa akin.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad habang nakasunod sa Miss na siyang magdadala sa akin sa room ko.

"We are here." Imporma nito kaya tumigil naman ako sa paglalakad at saka ngumiti sa kaniya.

"Thank you for bringing me here, Miss." Pasasalamat ko. Tumango lang naman ito saka iminuwestra ang pinto kaya tumango rin ako saka kumatok muna.

Sana mabait ang mga tao dito. Sana. Sana. Sana. Lord, bigyan mo'ko ng madaming kaibigan huhu.

"Oh, you're here." Biglang bumukas ang pinto at bumungad sa paningin ko ang isang nasa 30's na babae. Nakangiti ito pero mahahalata ang pagka-istrikta nito. Alam ko na iyon dahil sa probinsya halos ng mga guro ay mababait kapag nakangiti pero strikta pala ito. "Come in." Utos nito kaya agad naman akong sumunod at pumasok na.

Agad kung nakita na napako sa akin ang paningin ng mga taong nasa harapan ko ngayon dahilan para sumeryuso naman ako at umayos ng tayo.

"This is our new transferred student in our department." Paunang saad ng guro at tumingin sa akin. "Introduce yourself." Tumango naman ako ulit humarap sa mga kaklae.

"I'm Rain Drops Samonte. Nice to meet you all." Saad ko habang hindi pa rin ngumingiti.

Kinakabahan ako! Waaaaah!

"She's really good looking..."

"I thought she's a probinsyana? Why she's this so white, diba mainit sa province?"

"Shh! Baka makarinig ka niya. Baka mamaya bigla ka na lang bugahan ng apoy."

Gusto ko na lang matawa dahil sa pinagsasabi nito pero nanatali lang akong seryuso.

"You can sit there. The class will start." Turo nito sa isang bakanteng upuan.

Tumango naman ako ulit saka naglakad na papunta doon habang bitbit ang bag ko. Nang tuluyang makarating ay agad akong kumuha ng notebook at ballpen mula sa bag saka inilagay na iyon sa ilalim ng mesa ko at nagsimulang nakinig sa guro.

Alam ko na ang pasikot-sikot dito dahil nabisita ko na ang paaralanng nakaraan salamat sa tulong ni Tito. Siya ang nagbigay ng scholarship ko kaya nakapasok ako sa magarang paaralan na ito.

Hindi ko maiwasang hindi isipin ang pamilya ko sa probinsya. Kamusta na kaya sila? Maayos lang kaya sila? Nakakain ba sila ng tama? Sana naman oo.

Hindi kagaya ng buhay ko dito sa manila. Dahil nakatira ako sa bahay ni Tito ay palagi akong nakakain ng tama. Nakakapagdamit ng maayos. At ang importante ay nakakapag-aral.

Balang araw ay pag-aaralin ko rin kayo...mga kapatid ko.

"A-Ano...hi?"

Napatingin naman ako sa nagsalita at agad nakita ang isang babaeng maganda at naka-ponytail ang buhok. Ngumiti naman ako ng matamis sa kaniya.

"Hi!" Magiliw na bati ko.

Tila nagulat naman ito at napakurap-kurap habang nakatingin sa akin dahilan para magtaka naman ako. "May problema ba?" Pabulong na tanong ko dahil baka marinig kami ng Miss na nagtuturo.

"Akala ko maldita ka eh... Akala ko hindi mo'ko papansinin." Nahihiyang saad nito. Nagulat naman ako sa sinabi nito pero agad ring ngumiti.

"Anong pangalan mo?" Tanong ko sa kaniya.

ASH SERIES 01: MY ENEMY NAMED PATRICIO [COMPLETED]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant