33

85 8 0
                                    

Makaraan ang isang linggo ay halos hindi na mapaghiwalay sila Papa at Patricio. Umaga pa lang ay umaalis na silang dalawa para magtanim ng palay sa bukid.

Pag-uwi naman ay dederitso naman sila sa gulayan para magharvest doon ng mga gulay. Pagkatapos nun ay magpapahinga muna sila dito sa bahay sandali at babalik ulit sa bukid para magtanim ng palay kasama iyong mga trabahador na kinuha ni Papa para magtanim.

Masyadong maayos si Pat sa sitwasyon. Sanay na sanay na siya kaagad sa gawaing bukid. Parang hindi nga nakakaramdam ng pagod eh. Ang saya-saya nito kapag nagkukwento sa akin kapag umuwi ng bahay. Kinukwento niya kung ano ang bagong itinuro sa kaniya ni Papa. Kung saan sila nagpunta at anong ginawa nila.

Dahil wala namang gagawin sa bahay ay napagdesiyonan ko na lang na pumunta sa gulayan kung nasaan sila Papa.

"Ma, punta po muna ako kila Patricio." Paalam ko at saka lumabas na ng bahay.

Itinali ko ang panyo sa ulo ko para hindi tumabon sa mata ko ang mata ko. Naglakad naman ako papunta sa gulayan na hindi naman din kalayuan sa bahay.

Napapangiti naman akong namimitas ng mga bulaklak sa daan at pakanta-kanta pa.

Ang ganda ng panahon ngayon. Hindi masyadong mainit at hindi rin malamig.

Nang makarating sa gulayan ay agad ko namang hinanap sila Papa at Pat. Ang lapad kasi mg gulayan namin. Kumuha na rin si Papa ng mga tao para tumulong sa pag-aani.

Nakita ko naman si Papa sa may anihan ng pinya kaya agad naman akong lumapit. "Papa!" Masayang tawag ko. Agad naman itong ngumiti ng makita ako. "Ang rami na nating gulat prutas lalo. Yayaman na tayo niyan, Pa." Natatawang saad ko pa.

"Kapag nagpatuloy ang magandang ani natin ay marami tayong makukuhang pera dito. At pwede na nating dagdagan ng isang ektarya ang gulayan natin para mas marami lalo ang maani natin."

"Magandang ideya po 'yan. Mabuti nga po at bumili po kayo ng bagong kalabaw. Ngayon dalawa na kayo ni Pat na mag-aararo habang andito pa kami." Natatawang saad ko. "Nasaan po pala siya?" Tanong ko at nagpalinga-linga sa paligid.

"Andodoon siya sa kabilang parte. Nag-aani siya ng mga sili doon." Sagot naman niya kaya napatango-tango naman ako.

"Sige po, Pa. Puntahan ko muna siya." Nakangiting paalam ko saka kumaway pa bago tuluyang umalis doon at pumunta na sa may silihan banda.

Pero agad namang napakunot ang noo ko ng may makitang babae na panay ang hampas sa balikat ng manliligaw ko.

Tusukin ko ng sili ang mata nito?

Si Pat naman ay patuloy lang sa pag-aani ng mga sili pero sinasagot pa rin ang tanong ng babae.

Agad na akong naglakad palapit doon habang hawak-hawak ang mga bulaklak. "Pat!" Tawag ko saka agad na ngumiti.

Napatingin naman ito saakin at agad ring ngumiti. Humawak naman agad ako sa braso niya saka ipinakita ang mga bulaklak. "Ang ganda, diba?"

"Hm. Yeah, they look nice but you look nicer." Nakangiting saad nito.

Napatingin naman ako sa babae pero nagulat ako ng irapan ako nito kaya binilitan ko naman siya.

"Sama ng ugali." Bulong ko saka ngumuso. "Bakit ka nagpahawak sa kaniya?" Nakapamewang na tanong ko sa kaniya na natatawa.

"Alangan naman itulak at karatehin ko 'yung tao. Nagtanong lang naman 'yun kaya sinasagot ko na lang." Sagot naman niya.

"Eh nilalandi ka nun eh! May pahampas-hampas pa sa balikat mo. May nagtatanong ba na ganoon?" Nakangusong tanong ko pa rin.

Hinubad naman nito ang suot ng gloves saka hinawakan ang pisngi ko at binilog-bilog.

"Kahit anong landi niya sa akin ay hindi niya ako makukuha sayo, okay? Huwag ka ng magselos dun. Mas maganda ka naman dun eh. Lalo na ngayon. Ang ganda-ganda mo sa suot mo." Nakangiting saad nito.

"Talaga?" Tanong ko pa.

"Oo naman. Ikaw kaya ang pinakamagandang babae para sa'kin. Huwag ka ng magtampo, okay?"

"Totoo 'yan, ah?" Paninigurado ko pa.

"Oo nga. Sandali... Mang Kalim!" Tawag nito sa isa sa mga trabahador na nag-aani rin dito sa gulayan.

"Ano iyon Patricio?" Tanong naman nito.

"Diba po ang ganda-ganda ni Rain?" Tanong pa nito. Agad namang ngumiti si Mang Kalim at tumango.

"Oo naman. Siya kaya ang palaging nananalo sa mga beauty contest dito sa lugar namin dati." Sagot naman nu Mang Kalim kaya nanlaki naman ang mata ko.

"Salamat po sa pagsagot, Mang Kalim." Pasasalamat naman ni Pat kaya nagpaalam naman ito na babalik na sa trabaho ulit. "Wow naman, reyna ng beauty contest pala ang nililigawan ko, oh." Ngiting-ngiti saad naman nito kaya napanguso naman ako.

"Dati naman 'yun eh." Saad ko.

"Iyon nga. Dati ka ng maganda tapos ngayon lalo ka lang gumanda. Tara na nga doon ke Tito. Baka hinahanap na tayo nun." Saad niya at inakay na ako habahg dala-dala ang basket kung saan nakalagay ang mga sili na inani niya.

"Kapag may nakita akong umaaligid at lumalandi sayo siguradong tutusukin ko talaga ng sili ang mata niya." Saad ko kaya tinawanan naman ako nito.

"Dapat ka na pala nilang katakotan ngayon. Ano ba 'yan ang cute naman ng Rain ko." Saad nito at pinisil ng bahagya ang pisngi ko.

"Bakit kasi ang gwapo-gwapo mo. Ayan tuloy at masyado kang agaw atensiyon." Saad ko pa.

"At sayo lang nanliligaw ang gwapong-gwapo na lalaking 'to. Ngiti ka na ulit, hm? Sayo lang ako." Saad nito.

"Basta buhatin mo'ko mamaya?" Tanong ko.

"Sige ba. Ngayon, ngiti ka na ulit. Miss ko na 'yun eh. Nawawala agad 'yung pagod ko kapag nakikita ko 'yun." Saad niya kaya agad naman akong ngumiti at masaya ng kumapit sa braso niya.

"Andito na pala kayong dalawa. Tara at umuwi na tayo." Saad ni Papa at kinuha iyong basket mula kay Patricio at inilagay na iyon doon sa sako-sakong mga sili na nasa jeep na iyong iba.

Habang papauwi ay binuhat nga ako ni Pat. Nakayakap ako sa likod niya habang tinuturo ang mga bulaklak na magaganda sa gilid ng daan. Kinukuha niya naman iyon at ibinibigay sa akin.


ASH SERIES 01: MY ENEMY NAMED PATRICIO [COMPLETED]Where stories live. Discover now