35

88 5 0
                                    

"Bakit hindi pa kaya umuuwi sila Papa at Patricio? Gabi na, ah? Saan na naman nagsusuot ang dalawang 'yun?" Nakangusong saad ko habang nakadungaw sa bintana ng bahay namin.

Nauna na kaming naghaponan dahil gabi na at wala pa rin silang dalawa. Sinabi ni Mama na baka inaya ni Papa si Pat sa inoman kaya wala pa rin. Lalo na ngayon at bagong ani kami.

Napabuntong-hininga naman ako at napatingin sa oras at mag-aalas otso na.

"Huwag ka ng mag-alala masyado diyan. Manood ka na lang dito ng TV. Mamaya andito na rin ang dalawang iyon." Saad ni Mama kaya napabuntong-hininga naman ako ulit saka tumayo at pumunta sa sofa at niyakap ang unan.

Kahit papaano ay naaliw naman ako sa panonood ng cartoons na pinapanood ng mga kapatid ko. Kumain na rin ako ng chocolate para hindi na mag-alala pa.

Pero panay pa rin ang tingin ko sa orasan habang naghihintay. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako habang nanonood ng palabas. Siguro dahil sa antok na rin.

Basta nagising na lang ako ng biglang may kumatok sa pintuan namin. Agad naman akong napamulat at napatayo dahil baka sila Pat na iyon.

"Saan kayo nagpunta at ginabi... Bakit kayo nandito, Mang Daryo?" Kunot-noong tanong ko ng hindi sila Patricio ang makita. Si Mang Daryo iyon... Isa sa mga tanod dito sa lugar namin. Habol-habol nito ang hininga at pawis na pawis.

"Si Papa mo...muntek ng masaksak." Saad nito dahilan para kumabog naman ng matindi ang puso ko. Parang bigla akong kinabahan kahit na iyon na ang narinig ko.

"S-Si Patricio po? Ano pong nangyari sa kaniya? Ayos lang po ba sila? Ayos lang sila, diba?" Sunod-sunod na tanong ko.

"Sa kasamaang palad ay si Patricio ang nasaksak matapos itulak ang Papa mo para hindi ito ang masaksak. Dinala na siya sa hospital---"

"S-Saang hospital? Saan po? Samahan niyo po ako dun." Saad ko at agad na lumabas sa bahay.

"Saan kayo pupunta? Anong nangyayari? Bakit ka nandidito, Daryo?" Tanong ni Mama at agad akong nilapitan ng makita akong umiiyak.

"S-Si Patricio po daw Ma...nasaksak. Nasa hospital na ngayon sila ni Papa." Umiiyak na saad ko. "Puntahan natin sila, Ma."

"Sige, sige. Tara na." Sagot nito.

Agad kaming nagmadaling lumabas at  naghanap ng pwedeng masakyan papunta sa hospital. Mabuti na lang at agad naming nakita si Mang Esmar. Agad na naming sinabi na dalhin kami nito sa pinakamalapit na ospital kung saan dinala si Patricio.

Hindi na ako natigil sa pag-iyak habang nasa biyahe papunta doon. Dasal ako ng dasal na sana ligtas si Patricio. Sana walang nangyaring masama sa kaniya.

Pero ng makarating sa hospital at nakita ang lagay nito ay napahagulhol na lang ako at nayakap siya.

Puno na ng dugo ang damit nito. Lalo na ang gilid nito. Pero hindi ko rin agad siya nakasama ng matagal dahil pinalabas agad kami ng mga doctor sa O.R.

Napayakap na lang ako kay Mama habang humahagulhol at nakatingin sa pinto kung nasaan ngayon si Patricio at inooperahan na.

Halos ilang oras bago ako tuluyang kumalma. Magang-maga na ang mata ko dahil sa pag-iyak. "A-Ano po bang nangyari... Bakit po siya nasaksak?" Tanong ko kay Papa.

"Papauwi na kaming dalawa nung mga oras na iyon. Nasa may kanto na kami ng bigla na lang may taong tumambang sa amin. Pilit nitong kinukuha ang perang nasa bulsa ko na kita natin sa ani. Nagpumiglas ako at hindi siya hinayaang kunin iyon dahilan para bumunot siya ng patalim. Pero imbis na ako ay si Patricio ang nasaksak matapos akong itulak dahilan para sa kaniya dumeritso ang patalim. Matapos makita ng taong gumawa na duguan na si Patricio ay agad naman itong tumakas pero nahuli rin naman siya ng mga tanod. Bago dalhin si Patricio dito sa ospital ay ibinigay niya ito sa akin. Ibigay ko raw sayo..."

Iniabot sa akin ni Papa ang isang sobre na namantsahan na ng dugo. "Unang sweldo niya iyan." Dagdag pa ni Papa kaya napaiyak na lang ako at nayakap ang sobreng iyon.

"Bakit kailangang mangyari sa kaniya 'to..." Umiiyak na asik ko.

Parang pinipiga ngayon ang puso ko. Lalo na kapag naaalala ko ang itsura niya kanina. Duguan at walang malay. 

Bigla ay naalala ko sila Tito. Kailangan nilang malaman ang nangyari sa anak nila. Iyon rin ang ginawa nila ng ako ang nadisgrasya. Agad nilang pinaalam sa pamilya ko kaya kailangan ko rin silang sabihan ngayon.

Matapos ang tatlong ring ay agad ng sinagot ni Tito ang tawag. "Hello Rain? Bakit ka napatawag? Gabi na, ah."

"S-Si P-Patricio po... N-Nasaksak po siya." Humihikbing saad ko at nanginginig na ang mga labi.

"Ayos na ba siya? Malala ba ang tama niya? Nadala na ba siya sa ospital?" Sunod-sunod na tanong niya.

"Nadala na p-po siya sa ospital pero hindi pa rin po namin alam ang lagay niya. Nasa O.R. na po siya ngayon at inooperahan." Sagot ko.

"Oh sige, sige. Balitaan mo ako agad sa sasabihin ng doctor. Pupunta kami agad diyan ni Patrick. Hintayin niyo kami diyan." Saad pa ni Tita.

"S-Sige po..." Nasagot ko na lang. Nang mamatay ang tawag ay agad naman akong napayakap kay Mama.

"Ayaw ko pong mawala si Pat, Ma. Hindi ko po kaya..." Umiiyak na saad ko. Parang batang walang magawa ang sitwasyon ko ngayon.

Ganito rin kaya ang naramdaman niya nung ako ang nasa hospital? Kung ganoon...ang sakit pala. Hindi lang pala ako ang nasasaktan ng panahong iyon.

"Tama na ang iyak, anak. Malulungkot lalo si Patricio kapag nakita kung umiiyak." Saad ni Papa kaya agad ko namang ipinahid ang luha ko.

"Tama po kayo. Malulungkot 'yun kapag nakita akong umiiyak. Ayaw na ayaw nun na umiiyak ako." Saad ko at agad na tinuyo ang mga natitirang luha saka ikinalma ang sarili.

"Kasalanan ko 'to eh. Kung ibinigay ko na lang sana agad ang pera ay baka hindi na nasaksak pa si Patricio." Pagsisisi ni Papa sa sarili niya.

"Hindi po kayo ang may kasalanan. Iyong taong gumawa nun iyong masama." Saad ko at pinigilang maiyak na naman.

Pat...huwag mo'kong iwan...

ASH SERIES 01: MY ENEMY NAMED PATRICIO [COMPLETED]Where stories live. Discover now