19

125 9 0
                                    

Pinagtitinginan kami ngayon ng mga tao habang naglalakad sa loob ng mall. Ako 'yung may dala ng malaking stuffed toy at paper bag habang siya naman ay kumakain dahil gutom na raw siya kaya binilhan ko ng burger.

"Halos tatlong beses ata na mas malaki sa akin ang bear na 'yan." Saad nito habang naglalakad kami.

"Kaya kumain ka ng marami para lumaki ka rin." Saad ko. Pinakita naman nito ang muscles niya kunwari.

"Nakikita mo'to? Ang laki-laki ko na oh." Pagmamalaki pa niya sa buto niya. Natawa na lang ako at pinisil ang pisngi niya.

"Inom ka muna, oh. Mukhang hirap na hirap ka na diyan sa dala mo eh." Saad nito at tinunghay sa akin ang coke float na hawak kaya humigop naman ako saka kumagat din sa burger niya na itinunghay niya din.

Pagkarating sa labas ay agad na kaming pumara ng jeep saka sumakay. Ayon at pinahiga naman naming dalawa ang bear na dala sa hita naming dalawa para hindi masyadong masikip. Napangiti na lang ako ng makitang nakaidlip na ito at nakahiga sa balikat ko ang ulo. Siguro ay napagod. Napatingin ako sa oras at napatingin sa labas. Madilim na...

Inayos ko pa ang buhok nito at nilagay sa likod ng balikat niya. Nagugulo kasi ng hangin. Napangiti na lang ako ng makitang nakahawak pa rin ito sa kamay ko. Nakalimutan na atang bitawan ako.

Nang makitang nakarating malalpit na kami sa bababaan namin ay agad ko naman na siyang ginising. "Rain, wake up. Andito na tayo."

Napamulat naman ito at nagkusot-kusot ng mata. "Sorry. Inaantok kasi ako." Saad nito pero nginitian ko lang naman siya saka nagbayad na at pinauna siyang bumaba at sumunod naman ako.

"Hala! 7:04 P.M. na! Baka pagalitan tayo ni Tito." Gulat na saad nito.

"Hindi 'yan." Sagot ko.

"Salamat pala, ah. Binilhan mo'ko ng bagong sapatos. Tapos may malaking  stuffed toy din ako. Binilhan mo din ako ng masasarap na pagkain." Saad nito pero biglang lumungkot ang mukha niya bigla. "Pero naiisip ko na parang wala na rin akong pinagkaiba sa babaeng kinuwento mo---"

"No, don't think like that Rain." Putol ko sa sinasabi niya at humigpit ang hawak sa kamay niya. "Gusto kung ibigay lahat ng iyan sayo, okay? Iyong sa kaniya ay hiningi niya at ako naman iyong nagpauto at bigay lang ng bigay. Iyong sa iyo ay hindi mo hiningi at parang hindi mo pa nga tatanggapin kung hindi kita pinilit." Nakita ko naman siyang napanguso kaya napangiti na lang ako. "Masaya ka naman ba?" Tanong ko sa kaniya.

"Oo naman. Sobrang saya ko. Ngayon lang ako nakaranas ng mga ganun eh. Basta ang saya-saya ko lang. Salamat sayo." Nakangiting saad nito kaya nginitian ko naman din siya.

"Mabuti naman kung ganun. Masaya ako na masaya ka." Asik ko.

"P-Pero h-hndi ibigsabihin n-nun na bati na tayo, ah? H-Hindi pa rin tayo bati." Saad nito habang nanlalaki ang mata. Nagulat naman ako sandali pero agad ring ngumiti.

"Hm... Okay lang sa'kin. Hihintayin ko na lang na maging magkabati tayo." Sagot ko. "Pero... Pwede ba kitang tanungin kung bakit? Kasi... you're acting like we're fine." Saad ko habang nakatingin sa kaniya.

"A-Ah... A-Ano kasi... N-Nangako kasi ako..." Utal-utal na saad nito kaya napatango naman ako. "N-Nangako ako sa sarili ko na... h-hindi na t-tayo magkakabati... Tapos... T-Tapos ano... S-Sinabi ko na kapag n-nagkabati t-tayo ibigsabihin n-nun b-b-boyfriend na kita. N-Naipanangako ko l-lang naman 'yun sa sarili k-ko kasi...kasi naiinis t-talaga a-ako sayo nun! K-Kaya bawal tayong magkabati...sa ngayon." Pahina ng pahina ang boses nito.

"Oh..." Natigilan naman ako sandali at napatingin na lang sa kalsada na nilalakaran namin. Nang tuluyang marealize ang sinabi nito ay agad naman akong nagulat at ngiting-ngiti tumingin sa kaniya. "So...kapag nagkabati tayo ay parang sinasagot mo na rin... ako?" Tanong ko. Mahina naman itong tumango kaya mas lalo akong napangiti at napatango-tango.

Dammit!

"Sana sinabi mo kaagad para naligawan kita simula pa ng nakaraan." Saad ko pero napatigil ako sa paglalakad ng tumigil ito. Magkahawak pa rin ang mga kamay naming dalawa at higpit pala ng pagkakahawak ko sa kaniya.

"M-May balak kang ligawan ako?" Gulat na tanong niya.

"Oo naman. Gusto kita kaya liligawan kita." Sagot ko.

"Gusto mo'ko?" Tanong pa niya ulit.

Humarap naman ako sa kaniya saka itinaas ang magkahawak na kamay namin at agad na hinalikan ang likod ng palad niya. "Yes, I like you." Sagot ko habang deritsong nakatingin sa mga mata niya.

"A-Ano.."

"Andito lang pala kayong dalawa. Anong ginagawa niyo diyan? Pumasok na kayong dalawa dito sa loob." Bigla ay sigaw ni Mommy. Bigla na lang bumitaw si Rain at naunang tumakbo papunta sa bahay. Napakurap-kurap naman ako saka nailing at natawa na lang rin saka sumunod na.

Gagawin ko ang lahat para magkabati tayo, Rain. Pangako.

Pagpasok sa loob ay nakatayo na si Rain sa may harapan ng pinto kaya napatingin naman ako sa harapan at andoon si Daddy.

"Saan kayo nanggaling na dalawa?" Tanong nito.

"Ipinasyal ko lang si Rain sa mall, Dad.  Gusto kung maranasan niya naman iyon bago siya bumalik sa probinsya nila." Sagot ko.

Ngumiti naman si Daddy at pinat ang balikat ko. "Mabuti at ginawa mo 'yun, anak. Masaya ako na nagkasundo na kayong dalawa. Pero sa susunod ay tumawag kayo kung nasaan kayo, maliwanag? Nag-aalala kasi kami sa inyo." Tunango naman ako.

"Para ba iyan kay Rain, Anak?" Tanong ni Mom habang nakatingin sa dala-dala kung paper bag at stuffed toy.

"Opo. Ako na nagdala dahil baka mahirapan siya." Sagot ko. Ngumiti naman si Mommy ng makahulugan sa akin at nagthumbs up pa kaya napangiti naman ako.

"Oh siya at umakyat na kayong dalawa at magbihis. Kumain na rin kayo pagkatapos. Mauuna na kami sa taas dahil medyo pagod kami ngayong araw." Saad ni Dad at inakay na si Mom at umakyat na silang dalawa.

"Hindi na ako kakain dahil busog pa ako sa kinain natin kanina. Dederitso na lang ako sa kwarto." Sambit ni Rain na nakangiti na ulit.

"Hm. Ako din. Sabay na tayo. Mabigat 'to baka malaglag ka pa mamaya sa hagdan kapag ikaw 'yung nagdala." Pagtukoy ko sa teddy bear. Ngumiti naman ito saka tumango.

"Sige. Sabay na tayo." Saad naman niya. Nagsimula na kaming umakyat sa hagdan hanggang sa makarating na sa kwarto niya. Ipinasok ko pa at inilagay sa taas ng kama niya ang stuffed toy na iyon saka humarap sa kaniya. "Goodnight."

"Goodnight rin." Sagot ko saka umalis na sa kwarto niya at dumeritso sa kwarto ko habang may masayang ngiting nakaukit sa labi ko.

ASH SERIES 01: MY ENEMY NAMED PATRICIO [COMPLETED]Where stories live. Discover now