Kabanata 19

15 4 26
                                    


[Kabanata 19]

HINDI kagaya no'ng mga nagdaang mga pangyayari. Kapag gan'to, tatakbo ako. I don't want to look vulnerable. I don't want people to know that I'm weak. I don't want them to take that as advantage.

Pero parang napako ang aking mga paa sa lupa. Wala rin akong nagawa kundi ang mapahigpit ang pagkakayakap kay Kian. Ang sakit na aking nadarama ay mas dumoble pa kaysa sa kanina.

Kahit na alam kong nabigla siya. Posible hindi niya inaasahan. Kahit na... kahit na wala akong karapatan para masaktan. Ngunit hindi ko maiwasan.

Sana... balang-araw, kaya namang mahalin ang taong katulad ko.

Hindi na ako muling tumingin a sa gawing 'yon. “Shh, things will be alright.” Malambing na ani Kian, patuloy pa rin ako sa paghikbi. I also felt guilty.

Hindi alam ni Kian na iniiyakan ko ang ibang lalaki. Hindi niya alam na may iba akong gusto, alam ko naman na gusto niya ako.

Thinking na the person you like can't like you back, it hurts.

“Ang sakit sa puso... parang dumoble ang sakit.” Pabulong kong pagbabahagi ko sa kan'ya. Kinalas niya ang pagkakayakap sa 'kin. Hinarap niya ako.

Kitang-kita ko ang concern sa kan'ya, hindi ko alam kung naawa ba siya sa 'kin. I don't want him to pity me.

“Don't cry. You're just wasting your precious tears for people who treated you bad.” Pang-aalo pa niya, umiling lang ako.

Hindi naman kasi ang pamilya ko, e. Iniiyak ko ang taong hindi ako sigurado kung gusto ba ako. Kung magugustuhan niya ba ako, o gusto niyang magustuhan ako. Kung hindi niya naman ako gusto, sana naman mahal niya ako.

I wanted him to tell me that he loves me, so bad.

“I love you,” it's more like a whisper but it sent shivers down my spine. I'm a bit shocked, hindi inaasahan ang kan'yang sinabi.

How can he say that?

“Mahal mo ba talaga ako?” My voice broked. Kung mahal mo ako... papalayain mo ba ako at hahayaang mapunta sa taong mahal ko?

Gusto kong itanong 'yon sa kan'ya pero alam kong hindi pa ang saktong tyempo para roon. “I love you... I love you that much that I can accept the fact that in emulsion process I can be the detergent and you're the water. You can be with your oil, atleast. I helped you.”

Damn, hindi ko inaasahan ang sinabi niya. Did he just forget that I'm dumb? Kahit na makinig pa ako, lalabas talaga 'yon sa kabilang tainga. Kaya bakit gan'to siya makabanat?

“Hmm,” tanging tugon ko.

“That's how much I love you.”

Agad akong kumalas ng marinig ang tawag ni Kathleen na masayang-masaya. I guess, she's happy with him, huh?

Kaya ko bang... ibalewala ang aking nararamdaman kung siya ang gustong makasama ni Kaleb?

Nakita ko ang pagdaan ng sakit kay Kian. But his expression turned immediately into cold one. His stares, it's different what I saw him earlier. Parang bigla siyang nagbago.

Paano niya nagawa 'yon?

“What are you doing here, Kathleen.” Ang lamig no'ng pagkakasabi niya sa 'kin no'n. Parang nasa four season country ako sa lamig ng pagkakasambit niya.

“Oh! I want to share that Kaleb and I kissed!” Nagulat si Kian ng marinig 'yon at bahagya akong tiningnan pero agad ding siyang bumalik sa pagiging malamig.

“And?” walang ganang tanong n'ya.

“Wala lang, I'm just proud that he kissed me back.”

Napaiwas ako ng tingin sa kanila. Bahagya akong umatras, parang gusto ko nalang tumakbo papalayo. I don't want to hear their conversation. It might hurt me, a lot.

“Oh, then you can go.” Napasinghap si Kathleen sa sinabi at agad akong nginisihan.

“Oh, I bet your girlfriend is affected huh?” Mataray na tanong nito kay Kian at binalingan ako, pinagtaasan pa ako nito ng kilay.

“I'm not his girlfriend.” May diin kong sinabi ang girlfriend na ikinabigla naman ni Kian. Napaiwas siya ng tingin na ikinahalakhak naman ni Kathleen.

“Oh, breaking a Bustamante's heart. Don't you worry, bitch. Once a Bustamante was broken, marupok pa rin. So you can't let him stay away from you.” Iniwan niya kaming dalawa ni Kian sa burol, katahimikan ang tanging maririnig.

Hinayaan ko nalang muna 'yon at naglakad patungo sa puno. Umupo ako roon at sinandal ang aking ulo sa katawan ng puno. I glanced at Kian one more time, do'n pa rin siya nakatayo.

Nakita kong tila pinahiran niya ang kan'yang mukha gamit ang kan'yang mga kamay. Posibleng napuwing siya kaya ginawa niya 'yon.

“Uh... tabi ka sa 'kin.” But he ignored me, well okay. I'll just give him time.

“Was that true?” His voice broked, napatingin ako sa gawi niya at nakaharap na pala ito sa 'kin.

This time, his expression changed. Malambot na naman ang tingin niya sa 'kin. Parang sa akin lang n'ya pinakita ang gan'yang ekpresyon. Parang ako ang dahilan kung bakit naging gan'yan siya. Parang ako ang dahilan kung bakit siya nagbago.

“The what?” pagmaang-maangan ko sa tanong niya.

“Arra...” when he called my name, I saw how a tear fell from his eyes. “I haven't been broken, like this...”

Nagulat ako sa sinabi niya. Ang kaninang tumulong luha ay nasundan pa ng marami. Napaluhod siya bigla sa lupa kaya nag-panic ako. Agad ko siyang dinaluhan.

He looked vulnerable. I didn't know na grabe pala ang epekto ng mga ginagawa ko sa kan'ya. Hindi ko alam na ako pala ang magiging dahilan kung bakit siya magiging mahina.

“Can you... can you stay with me? Hmm..” I know, he just said that. Pero para siyang nagmamakaawa. Parang sinasabi niyang siya muna.

I don't know what to answer. Hindi ko alam kung ano ang itutugon. I'm confused. Hindi ko kayang makita siyang nasasaktan, hindi ko kayang isipan na ako ang magiging dahilan kung bakit siya nasasaktan.

Without thinking the consequences. I answered, “I won't leave your side. I won't leave you alone, I'll stay by your side.”

He smiled at me, cheerfully. He even hugged me tightly, yinakap ko rin siya pabalik. I smiled... too.

I guess, I did the right thing?

Pero I didn't expect that Kaleb heard our conversation. Nagulat ako ng makita siya sa likuran ni Kian.

Parang gusto ko siyang yakapin. Parang gusto ko nalang bawiin lahat ng mga sinabi ko kay Kian. Parang gusto ko na lang piliin na siya ang masaktan.

Kaysa makita...

na nasasaktan ang taong mahal ko.

Last Daybreak | ✓Where stories live. Discover now