Kabanata 2

43 5 34
                                    


[Kabanata 2]

KAIRITANG araw 'to, parang daming nangyari. Una, nainis agad ako kay Ayesha dahil sa kaharutan niya. Tapos ngayon, itong si Kian. Si Kian, na hindi ko alam kung crush ko ba talaga, o ewan.

“Arra, samahan mo nga ako papuntang cr.” Kahit pa ako sumagot o tumugon man lang agad niyang hinigit ang braso ko at dinala papunta cr. Ang higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko, parang anytime mawawala ako.

“Luwagan mo nga ang pagkakahawak mo.” Kahit na rito, dala ko pa rin ang pagtataray ko. Well, kung mataray naman ang pamilya ko, kanino ako magmamana?

Our family is known as matataray. May maraming group of friends ang pamilya ko, pero known din kami as backstabber. Pero, kung tatarayan ko ang pamilya ko for sure WW3 'yan.

It's impossible to win a fight against my family, I'll probably lose. I'm not able to defeat their thoughts, I always ended up doing and following what they want 'cause I can't even fight or voice out my thoughts towards them. It's useless.

“Arra, ayusin mo ang mga kilay mo. Para na kasing 'yong ibon na ginuguhit ng mga bata. Magkasalubong.” Natatawang sambit ni Ayesha. Kahit na naiirita ako sa presensya niya, hindi ko na lang 'yon pinagtuonan ng pansin. She's my best friend at all.

“Pumunta ka na nga, do'n lang ako sa sink.” Pumasok kami sa Cr at naghugas ako ng kamay, siya naman pumunta sa isa sa mga cubicle.

Ilang minuto ang makalipas, nag-ayos na rin siya habang ako nabuburyo niya. Ang tagal kasi niyang mag-ayos. Parang kailangan niya ng ilang oras para matapos. Pero gano'n naman din ako, pero hindi lagi.

“Tara na!” Hinila na naman niya ako agad pagkalabas at hindi ko alam saan niya ako dadalhin. Nagpatianod na lang ako sa kanyang paghila.

Kalaunan, hingal-hingal siyang umupo sa bench ng field. Bakit naman niya napili rito?

“What are we doing here?” Kahit na ayaw kong maging tunog mataray 'yon, pero hindi ko talaga maiwasan.

“Wait lang kasi, huwag kang KJ!” Heto na naman, para na naman siyang bulateng binudburan ng asin. Bakit na naman ba 'to kinikilig?

Labag sa loob akong umupo sa bench katabi si Ayesha. Parang may hinihintay ang gaga, sino na naman siguro?

Dagdag sa crush list niya ba 'to?

“Bigay mo nga sa 'kin 'yang notebook mo na listahan ng mga crush mo. Susunugin ko lang.” Naiinis na saad ko pero hindi ako nito narinig. Busy kasi sa pagtili, sabay turo sa kung saang direksyon. Gusto ko na talaga 'tong busalan.

“Pasensya na sa aso ko ha! Ang kalat!” Sigaw ko bigla kaya lahat ng mata ay nakatuon na sa 'kin. Oh, f*ck. I didn't expect that.

“Arra!” Inis na singhal niya sa 'kin. Nag-peace sign naman ako, hindi ko naman kasi alam na makukuha ko ang atensyon nila. “Pa epal naman oh, chance na 'yon, e!” Pagmamaktol niya na parang bata.

May kung anong pumutok sa utak ko at gustong-gusto ko na siyang sumbatan.

“Ano ba kasi 'yang ginagawa mo, ha? Sana naman may ambag ka sa Research Paper natin! Hello, anong makukuha mo sa mga crush mo na 'yan!” Galit na panunumbat ko, pero ang gaga tinawanan lang ako.

“Por que, wala kang crush. Gan'yan na lang ang ikinikilos mo. Wake up, Arra. We need a crush for inspiration, para na rin 'to sa future. Ikaw na bahala sa Research Paper. Bye!” Napa-face palm na lang ako sa inasal ng gaga. Hindi man lang ako tinulungan.

Kahit na abstract na lang siya! O, 'di kaya siya gagawa ng PPT!

Iniwan ba naman ako, time na ba 'to para mag-drama?

Last Daybreak | ✓Where stories live. Discover now