Kabanata 12

13 4 30
                                    


[Kabanata 12]

WEEKS HAD PASSED, naging mailap na ng tuluyan si Yesha sa 'kin. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko rin kayang alamin.

What if I will be broken if I will know the reason?

For all of the years, hindi naging gano'n si Yesha. So it's like a puzzle for me to solve. Who's that guy she's dating with?

Bakit kailangan pa sa 'kin ilihim?

Sa family ko naman. Still, gano'n pa rin ang trato nila sa 'kin. But I choose to ignore all of the knife-like words. Kailangan kong masanay na do'n. I want to be used to it.

“Arra, ikaw na ang magdala ng projects ng mga Ate mo. Kawawa naman sila para magdala no'n. Bagay naman sa mga bobo ang magdala ng mga gan'to.” I smiled at my Father though it hurts, but I already said na kailangan kong masanay.

“Opo, sasabay ba ako sa kanila?” Tanong ko matapos makuha ang kanilang mga miniature. Kahit na nahihirapan, hindi na ako umangal. I don't want to be scolded early this morning.

“Huwag na, baka pandirian pa sila. Mag commute ka nalang, ihahatid ko lang sila gamit ang sasakyan.” Tumango na lang ako, kahit na gusto ko ring sumabay sa kanila.

Nahihirapan man, hindi ko na lang 'yon pinagtuonan ng pansin. Yes, hindi ko siguro nabanggit na may sasakyan kami. Hindi naman 'yon dapat banggitin pa kasi hindi naman ako nakakasakay do'n.

Para lang sa kanila 'yon. Pamilya nga sila 'di ba?

Nakita ko si Mama na nakataas ang kilay sa 'kin na nasa kusina, naramdaman niya palang nakatitig ako sa mga kapatid kong buong galak na sumakay sa aming sasakyan.

“You should go, huwag mo nang asahan na isasabay ka pa nila.” Pati rin ba si Mama may sama ng loob sa 'kin?

Ano ba kasi ang kasalanan ko?

Yumuko lang ako at nilagpasan ang sasakyan namin. Dumeretso na ako sa terminal ng mga tricycle.

Bago pa ako makaabot sa tricycle ay dumaan na sila Papa, nagtatawanan loob sa sasakyan. Pabiro pa nga silang nagsasakitan, agad akong umiling.

Why am I too soft when it comes to my family?

Agad akong nagmadali sa paglalakad. Ayaw kong maiyak dito. Sa pagmamadali ko sa paglalakad ay may nabangga ako. Agad naman nabuhayan ang mundo ko ng makita ang kaibigan ko.

Si Kirvy.

Ngunit tumingin lang ito ng walang buhay sa 'kin. Hindi ko makita ang dating Kirvy sa kan'ya. Anong nangyari?

Babatiin ko na sana siya ngunit nilagpasan niya lang ako. Nagulat ako sa inakto niya. Akala ko pa naman, may karamay ako ngayon. Nagkamali pala ako.

Napayuko ako matapos maisip 'yon. Ngayon... ngayon lang ako naiiyak dahil lang sa mga kaibigan.

Kahit na bago ko lang siya nakilala. Magaan na rin ang pakiramdam ko kasama siya. Ngunit bakit nagbago?

Bakit pati si Yesha, lumalayo na sa 'kin?

May mali ba sa 'kin para mangyari 'to lahat?

Matamlay na naman akong naglalakad sa pathway ng campus. May ilang nakakakabangga sa 'kin hindi ko na sila magawang tarayan. Nawawalan na ako ng gana... nawawalan na ako ng gana sa lahat.

“Uy, Destiny!” Hindi ko alam bakit ang sarsap pakinggan sa tainga ang pagkakatawag niya sa 'kin.

Hindi ko alam bakit tila ito ay isang musika sa aking pandinig.

Dahan-dahan akong lumingon sa aking likuran kung saan siya naroroon. “Good Morning,” I forced a smile but in an instant his forehead creased.

“May nangyari na naman ba?” Akala ko, bibiruin niya pa ako. Pero hindi naman pala nangyari.

Umiling lang ako at nagpilit ng ngiti at nagsimula na naman sa paglalakad. Maaga pa naman ngayon, pwede muna akong maglibot sa buong campus.

“Kunwari, naniwala ako.” Sa simple niyang sabi no'n alam kong nagpapatawa siya, hindi ko rin bakit ako ngumiti ng mabilisan.

“Tss,” sabay irap sa kan'ya.

Kanina wala akong gana, pero dahil lang sa presensya niya parang nabuhayan ang diwa ko ngunit hindi ko alam bakit.

“Ayan, gusto ko 'yang panay irap ka.” Well, I don't care. Parang gusto ko nalang magtaray.

“Why do you care if matamlay ako?” Umirap na naman ako at nagpatuloy pa rin sa paglalakad.

“'Di ba sabi ko, ako na ang rainbow mo?” Huh, kailan niya sinabi 'yon? Wala akong maalala.

“When mo sinabi?” I asked confusedly.

“Luh, makakalimutin ka na pala.” Nagkunwari pa siyang nagulat kaya napairap na nama ako, tumalikod agad ako dahil napangiti ako.

Gosh, what's happening to me?

“Well, sabihin mo na lang kailan mo sinabi.” Nakatalikod pa ring sabi ko, shet! Bakit hindi mawala ang ngiti ko?

“Noong nagcollapse ka.” Wala sa sarili akong napatango. Pinigilan ko pa ang sarili kong mangiti.

Anong rainbow? Ano naman ang naisip niya.

“Bakit rainbow?” I asked, natahimik siya at tumikhim.

“Para kasing wala kang buhay no'n. Kaya naisipan kong pwede akong maging rainbow mo, magbibigay kulay sa buhay mo.” Seryoso niya iyong sinambit kaya napaharap ako sa kan'ya.

Ang transparent talaga niya. Kitang-kita ko ang pamumula niya. He even scratched his nape at rerouted his gaze when we accidentally made an eye contact.

Bakit parang nahihiya siya?

“Oh, grabe naman ang sinabi mo. Gusto mo bang maging si Iris?” Pagbibiro ko sa kan'ya, kahit hindi pa rin ako makapaniwala sa mga sinabi niya.

Dinadaan ko na lang siya sa biro. Well, maloko siya so for sure nagbibiro lang siya. I won't fall for his trap!

“Iris?” Naguguluhan niyang tanong kaya natawa ako. Hindi man ako gano'n ka maalam sa academic, nagbabasa naman ako ng mga kung anu-anong mga libro.

“Hermes' sister, the messenger god. Nag-iiwan kasi nang rainbow si Iris onced lumilipad na siya paalis.” Tumatango-tango naman siya at nagtanong, “So, kung God si Hermes, edi Goddess si Iris.”

“Well, exactly.” I agreed. “Ayaw kong maging Iris, gusto kong maging rainbow mo talaga.”

“Gusto mo bang ipatapon kita sa Tartarus?” Pagbibiro ko sa kan'ya na ikinagulo na naman ng isipan niya.

So, maganda pala kapag binibiro siya tungkol sa Greek Myth. Wala siyang masasabi. Agad naman akong tumawa.

“Do'n tinatapon ang mga bad na Greek gods or creature.” Tumango naman siya.

“Tigilan mo nga 'yan, hindi naman ako matalino.” He rolled his eyes in a manly way that caught my attention.

Ang attractive no'n, gusto ko pang Umirap siya.

“Hindi rin naman ako matalino.” Pag-aamin ko, totoo naman kasi 'yon.

“Edi samahan ng mga bobo. The BOBO couple, yie.” Panunukso niya pa sa 'kin, bakit naman ako nakaramdam ng init.

Agad akong naglakad ng mabilis papalayo sa kan'ya dahil ang init ng mukha ko at siya naman panay ang tawa.

That day, I realized that I let him enter my life and I let him know me.

Hindi pa 'yon nangyari sa iba. Sa kan'ya lang. Hindi ko rin alam bakit gano'n ang epekto niya sa 'kin.

Ramdam na ramdam ko na naman ang ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

Does the lyrics of my heart's every beat, is his name?

Last Daybreak | ✓Où les histoires vivent. Découvrez maintenant