Kabanata 18

12 3 47
                                    


[Kabanata 18]

WHEN you are sad just remember that somewhere in the world, there’s a moron pushing a door that said pull.

I always thought about that, well it's effective though. It can cheer me up. It can make me smile.

Kaleb didn't let me go when I'm not in my normal state. He made me laugh with his corny jokes, that day I was happy enough to be with him. But the next days, I no longer saw him.

Baka busy lang... I always convinced myself with that thought.

When I was in our house's staircase, I overheard my family's conversation.

“Mommy, I think Arra's dating someone,” ani Ate Aela, agaran ko namang naramdaman ang kaba.

My feet stopped walking, I can't take more step. I wanted to eavesdrop more on their conversation. I know, it would eventually stop if they saw me walking towards them.

“Then, we should prohibit her to go outside when there's no valid reason. We'll ask her about it later.” Kalmadong tugon ni Mama, kumakain na sila ng breakfast sa baba.

Kahit gusto kong tawagin nila ako mula sa taas para kumain ng breakfast, hindi na rin ako nagreklamo. Hindi ko gustong mas lumayo pa lalo ang aking pamilya sa 'kin. Ayaw kong hindi ko na sila makakasama.

Hindi ko gustong magalit sila sa 'kin. Hindi ko gustong... muli nila akong sasaktan.

Pagod na akong masaktan. Kahit na... paulit-ulit kong sinasabi na magiging matatag ako. Pero hindi ko kaya... hindi ko kayang maging matatag sa harap ng pamilya ko. Sa harap ng mga taong, importante sa 'kin at mahal ko.

“My, hindi pwedeng mag boyfriend 'yan si Arra. Tell me, ang grades niya ba tumataas ngayon? Parang mas bumaba pa nga. It could be a distraction for her studies.” Dinig kong ani Ate Aisha. I know... bobo ako Ate.

Hindi ko sila kayang pantayan. Pero alam ko naman paano balansehin ang pag-aaral at relationship, kung mayroon man.

“She's still young, so hindi pa nga pwede. I can't imagine having a relationship in that age.” Kita ko ang pagngiwi ni Mommy sa sinabi. Alam ko naman din 'yon.

Actually, paulit-ulit kong sinasabi sa sarili na ayaw kong magkaroon ng boyfriend. It could be a distraction to the things I want to do.

I want to treasure the things I can do with being single. Walang nagbabawal, you can do what you want. For sure... kapag magkakaroon ako ng boyfriend. He'll get tired because of me.

Mahirap akong pakisamahan. Alam ko 'yon, kasi nararamdaman ko 'yon sa mga taong nakapaligid sa 'kin. I know, they secretly hate me. I know that.

“Ang tagal namang makapagbihis no'n. Masyadong pa-special,” naiinip na ani Ate Aisha. That's a cue for me to show up, I pretended that I didn't hear anything.

Na wala akong narinig mula sa kanila. I beamed at them and cheerfully seated. Pero kita ko ang kanilang mga reaksyon. Parang gusto nilang... hindi ako sumabay sa kanila. Parang ayaw nila akong kasama.

“Buti bumaba ka?” Sarkastikong ani Ate Aela, nakataas pa ang kilay nito sa 'kin.

“Pa-special kasi, dapat hindi na sumabay pa sa 'min.” Sabat naman ni Ate Aisha, kita kong napangisi si Daddy sa mga sinasabi ng mga kapatid ko.

Si Mommy naman, wala lang ginagawa at patuloypa rin sa pagkain. Sa halip na sumagot, nginitian ko silang lahat. Alam ko na, alam ko na gan'to ang bubungad sa 'kin.

“Nakuha pang ngumiti,” napailing pa si Mommy. Sabay silang tumayo, iniwan ang mga pinagkainan. Gusto silang pigilan pero hindi ko magawa... baka, baka saktan nila ako. Ayaw ko no'n.

Last Daybreak | ✓Where stories live. Discover now