Kabanata 1

65 6 32
                                    


[Kabanata 1]

Months Earlier...

MAAGA akong nagising ngayong araw at maaga naman akong pumasok sa school. Mabuti na lang talaga at wala sina Mama at Papa, mga kapatid ko lang ang meron kanina sa hapag-kainan kaya walang ring imikan.

Sumakay na rin ako ng tricyle papuntang school, hindi naman kasi gano'n kalayo ito mula sa bahay namin. Hindi rin kami nagsasabay ng mga kapatid ko. Usually, sa mga friends nila sila sumasabay. I think, ate Aisha and Aela ay nasa iisang grupo lang. Mga mataray pero matatalino, sanaol na lang ako.

Napatingala ako sa malaking pangalan ng school. Hays, naririto na naman ako sa school na 'to. 'Yong feeling na kakapasok mo pa lang, ang dudugyot na ng mga mukha ng mga schoolmates mo. Para bang nasa elementary pa.

Pagpasok ko sa main gate, nakita ko naman ang burol sa likuran mismo ng school. Napatitig ako sa may puno kasi parang may babae? Baka hallucinations lang 'to. Hindi ko na lang 'yon pinansin.

Pero no'ng saktong pag-apak ko pa sa main gate papasok, humarang agad ang guard namin na malaki ang tiyan na bilugan pa. 'Yong guard na feeling principal, grabe ang strikto.

"Student ID?" Kanina pa pala ito nakatingin sa bandang dibdib ko, pero hindi ko maiwasang mapaisip na baga sinisilipan na ako nito. Kaya pa simple kong hinawi ang buhok ko papunta sa harap para matakpan ang dibdib ko at kinuha ang ID ko sa backpack.

"Hindi ko lang po nasuot." Pinakita ko sa kanya ang Student ID ko with pink chord. Color coding din kasi ang chord namin depende sa grade level or department mo.

"Dapat kasing isuot lagi ang ID. Ilang ulit na kayong pinaalahanan ng School Staff at kapwa security guards ko. Itatak niyo 'yan sa kokote niyo, pasok ka na." Napairap lang ako sa mga sinasabi niya. See? Ang strikto, panot naman.

May oras ka sa 'kin, mamang security guard.

Naiirita talaga ako sa guard na 'yon pati mga kasamahan niya. Ano 'yon, Him and friends? Company?

While I'm on the hallway, I saw a girl waving her hand at... me?

Napatingin ako sa kanya at no'ng nakalapit siya sa 'kin ay kitang-kita ko ang malaking ngisi niya. "You're too early, Arra!" She beamed in excitement as she hugged me tightly.

"You know what? May bago akong crush!" Aniya na kinikilig pa, para diyang bulate na binuhusan ng asin. Napairap lang ako sa mga sinasabi niya.

"For Pete's sake, Ayesha? Pang-ilan na ang crush mong 'yan sa crush list mo? Pang one thousand?" Iritable kong sabi sa kanya at hinawi ang bangs kong nakakatabon sa mga mata ko.

She's wearing our school uniform, and holding her books and her mini backpack at her back. Hindi ko lang siya ma-gets kung bakit niya pinipiling dalhin ang mga libro niya kung may backpack naman siya.

"Hello? Ano naman sa 'yo kung marami akong crush. Hindi naman din ako naka-crushback ng mga ito." Umirap din ito sa 'kin at tumingin sa likuran niya at biglang tumili, napatakip naman ako sa tenga ko at binatukan ito.

"Ano ba? Umagang-umaga, ang ingay-ingay mo nakakairita!" Naiiritang singhal ko sa kanya pero hindi ako nito pinansin at sigaw pa rin ng sigaw, ako naman ay hablot ng hablot sa buhok niya para tumahimik pero ang tigas ng ulo.

Iniwan ko na lang siya do'n at dumeretso sa may hagdanan patungo sa classroom namin sa second floor. Hindi ko na rin pinansin ang ingay do'n, sa pinanggalingan ko at kung saan ko iniwan si Ayesha. For sure, crush niya 'yon.

Pero kung pinagtitilian ito ng mga students sa campus, baka famous. Tsk, feeling pogi naman lahat ng mga students dito.

Sa kakaisip ko, hindi ko namalayan na may nabangga ako. Nahulong ang mga libro niya kaya tinulungan ko na lang din siya, tutal parang ako naman ang may kasalanan. Nasa hallway na pala ako ng second floor.

Last Daybreak | ✓Where stories live. Discover now