Kabanata 3

22 5 19
                                    


[Kabanata 3]

KUNG malalaman ng iba na mahina ka. Lagi ka na lang nilang papahirapan. Lagi ka na lang nilang sasaktan. Kasi, hindi mo kaya ang sarili mo. Hindi mo kayang ipagtanggol ang iyong sarili.

People nowadays are more fragile than glass.

Pero we can't criticize directly. We don't know what they've been through. What's the main reason why are they like that?

Society.

The toxic society.

“Arra! Pumunta ka nga rito sa kusina. Ang Mama mo lang ang nagluluto, busy ang mga kapatid mo sa pag-aaral. Wala ka na mang ginagawa 'di ba? Hindi ka naman mag-aaral kasi hindi ka matalino.” Nanatili akong tahimik sa mga sinasambit ni papa pero ang mga salita niya, parang sinasaksak ng ilang ulit ang dibdib ko.

I may look strong in our school, but I'm that weak in our house.

“Pababa na po!” Sigaw ko sa aking kwarto at pumanaog na papunta sa baba kung nasaan ang kusina.

“Ano bang ginagawa mo sa kwarto mo ha?” Bungad ni Papa nang makababa ako. I run out of words, kapag si Papa na talaga ang kumakausap. Hindi ako makapagsalita, natatakot ako.

“A-ah, nagca-c-calligra-p-phy po.” I even stuttered. Hindi rin ako makatingin kay Papa ng diretso kasi alam kong galit na galit ang mukha niya ngayon.

“Calligraphy!” Sigaw ni Papa kaya napatungo ako, nanginginig na nga ang mga kamay ko. Pinagpapawisan na rin ako.

“O-opo.”

“Tang*na, anong makukuha mo riyan? Hindi nga kagandahan mga calligraphy mo, proud na proud ka pang ipinapakita sa 'min. Hindi ka ba pwedeng maging matalino na lang?”

Pa... gusto kong sabihin sa kanya na nasasaktan ako. Hindi ba pwedeng huwag muna ngayon? Na, tutulungan ko muna si Mama?

“Kaya nga po pina-practice ko. Sabi nga nila, trust the proce—,” hindi ko natuloy ang sasabihin ng biglang tinapon ni Papa ang baso na hawak-hawak niya kanina pa. Nabasag ito, malapit sa kinaroroonan ko.

Napatingin ako kay Papa at nanlilisik ang mga mata itong nakatitig sa 'kin. Kahit na gano'n siya makatitig. Nilabanan ko pa rin. Kahit na tutulo na ang aking mga luha, nanatili pa rin ako sa gano'n.

“Sana hindi ka na lang nabuhay, Arra. Wala kang silbi.” Napapailing nitong aniya at umakyat na patungo sa kwarto nila. Napatingin ako kay Mama na dismayado ang mukha sa 'kin.

When is the time that they would see my worth?

When is the time that they would appreciate me?

Kailan pa... kung susuko na ako? Ilang ulit na akong nagtangkang magpakamatay pero naiisip ko sila. Nagi-guilty ako, kasi ayaw kong umiyak sang pamilya ko. Pero, iiyak nga ba sila?

Kung magpapakamatay ako, hindi ko kaya ang mga consequences nito. Pero kung may sasakyan mang paparating sa kinaroroonan ko. Hindi na ako mag-aatubiling umiwas. Atleast, I can rest... in peace.

I'm just a dissapointment to my family.

Pero, I need to be strong. I know one day, there's someone who would accept me for who I am. I know there's someone who can love me endlessly, I know there's someone who will.

But, I partly don't believe in love.

How can I even think of it if my own family doesn't love me? They're the one who witnessed my ups and downs, they raised me. But how can they hurt me like this?

I locked up myself inside my room, filled with darkness. It became my comfort zone. Noon, takot ako sa dilim pero hindi na ngayon. Saksi ito sa lahat ng paghihirap ko, saksi ito paano ako umiyak.

Then tell me, paano ako hindi magiging maldita sa iba kung minsan naiinggit ako sa kanila?

It feels like, I can't experience what they have. Like nagagalit ako, kaya minsan nagiging mataray na ako. Parang sa lahat ng tao naiinggit ako. Kasi bakit ako gan'to?

Why am I experiencing these shits?!

Agad akong lumundag sa aking kama at nagtalukbong ng kumot. Nakatihaya ako. Sunod-sunod na rin sa pagtulo ang aking mga luha. Bakit ang unfair ng mundo?

“Arra!” Tili ni Ayesha ng makita ako sa hallway. Dumeretso agad ako sa school matapos kumain ng breakfast, hindi ko na rin matandaan kung anong nangyari kagabi at paano ako nakatulog.

“Umagang-umaga, nakakarindi ang boses mo.” Pagtataray ko sa kanya pero as usual, tinarayan din ako nito. Pinulupot niya ang kanyang braso sa 'kin at dinala na naman ako sa kung saan.

“Sa'n ba tayo pupunta?” Kanina pa ako tanong nang tanong sa kanya pero tinatakpan niya lang ang bibig ko. “Can you just shut up for a while? I really can't withstand you for a day.” Aniya habang palinga-linga sa kung saan.

She can't withstand being with me, then same vibes. I can't see myself being with her for a day. We can't get along though, but we're still friends — best friend to be exact.

“Oh my gosh! Nandirito na siya!” Nakakarinding tili niya kaya napatakip ako sa dalawa kong tainga. How can I shut her mouth from screaming?

“Sino ba kasi 'yan? Malapit na ang first class natin. Morning session pa naman.” Kailangan kong makakuha ng good grades this grading. Hindi pwedeng lagi nalang akong papagalitan ni Papa. I need to do something so I could get good grades.

Pero thinking being with Ayesha, I think I can't have good grades. I'm not saying that she's BI. Pero parang gano'n na talaga ang dating sa 'kin.

“You look at Kaleb!” Sabay turo sa kung saang banda ng campus. Nilingon ko naman ang tinuro niya pero wala naman akong nakita.

“Wala naman.”

“Meron, bulag ka lang talaga.” She rolled her eyes at me then drag me again. “Basta kailangan mo siyang makita, para ma judge mo kung bagay ba kami. Auto-pass sa hindi mo approve!”

Pake ko naman. “Siguro akong pangit 'yan kaya bagay kayo.” Pairap na ani ko at ramdam ko ang paghigpit ng hawak niya sa braso ko. Ang sakit ah!

“Oo na! Titingnan ko kung sinong gago 'yan. Bakit patay na patay ka!” Dinala na niya ako kung saan daw lagi niyang nakikita 'yong Kaleb na sinasabi niya.

Hindi ko naman gustong makilala ang Kaleb na sinasabi niya. Sino ba naman 'to para makilala ko?

Basta, kay Kian lang ako.

Wait, the heck?!

No, hindi ko siya crush. Hindi ko rin siya magugustuhan. Hindi ko na siya feel, akala ko kasi mabait hindi naman pala.

“Ayun!” Tili niya at halos pasukan na ang aking baba ng makita kung sino 'yon. Parang umakyat ang dugo ko at agad akong pumunta sa direksyon na 'yon.

No need to search for him. Nakita ko na siya, kailngan niyang pagbayaran ang ginawa niya sa 'kin!

Author's Note :

Ito muna ang may update, short update lang kaya ko for now. Since tambak ang modules ko. 6 chapters na lang din naman 'yong LR kaya kapag may time akong magsulat, tatapusin ko agad 'yon. Keep safe everyone!

Addition, may update ang Last Requiescence! Kaya you can check for it also! Thanks.

I know votes and comments aren't that important but can you tap the star and leave a comment? Thanks you in advance!

Last Daybreak | ✓Där berättelser lever. Upptäck nu