Kabanata 6

15 4 44
                                    


[Kabanata 6]

NEVER in my life that I had been humiliated. Hindi ko maatim na dahil lang sa lalaking 'yon, mararanasan ko ito.

Nakakabanas! Nakakainis! Nakakagigil!

Gusto ko siyang tirisin. Gusto ko siyang, arrghh!

I hate him!

“Ah, Arra.” Natatawang tawag ni Yesha. Tingningnan ko ito ng masamang tingin na mas ikinatawa pa niya.

Nakakainis din sa part na, binigyan kami ng sitwork! Pina-drawing kami ng beautiful scenery sa MAPEH namin. Kanina pa ako nag-iisip kung anong pwedeng iguhit, pero I always ended up thinking about that jerk!

Hmm... What if I'll draw him beaten up by me? Killed by me?

Basta 'yong makakaganti ako sa kan'ya. Kumbaga punishment ko para sa kan'ya dahil sa ginawa niya. Marami na siyang atraso sa 'kin, well kahit dalawa pa lang.

Marami na rin 'yon. It's more than one!

Tawa nang tawa na naman si Yesha. Nakakainis talaga 'tong babaeng 'to. Paano ko 'to naging kaibigan?

“Look at the ruler you're holding.” Sabay turo niya pa sa hawak ko na ruler.

Kanina ko pa pala ito hawak, mahigpit ang pagkakahawak. Ano naman kung mahigpit ang pagkakahawak ko sa 12 inch ruler na 'to?

Wait... Ew!

“Ang dugyot mo!” singhal ko sa kanya.

Mas lalong lumakas ang tawa niya at nakuha niya nga ang atensyon ng mga kaklase namin. Eavesdropping. Tsismoso at tsismosa lang?

“Duh! Para hindi ko sinadya na naisip na notch ang hawak mo, plus mahigpit kasi. Kaya natawa ako kasi alam ko ng umiiyak na sa sakit ang lalaking may-ari ng notch dahil sa pagkakahawak mo.” I rolled my eyes at her. This girl!

She's corrupting my innocent mind!

“Pwede ba? Baka paliguan kita ng holy water, e.” Pairap na saad ko. Tumawa na naman ito, wala namang nakakatawa.

“Amen.” Gago!

Baka masunog ako nito dahil sa babaeng 'to. Inusog ko papalayo sa kan'ya ang arm chair ko. Ayaw kong madumihan lalo ang isip ko dahil sa lang sa bunganga ng best friend ko.

“Ang others mo naman. Akala mo naman, innocent.” Great, ang daling mag-iba ng mood ng babaeng 'to. Bumalik na naman sa pagiging mataray.

“Manahimik ka!” Nababanas na singhal ko. How could I stop her from telling those bad words!

“Ano ba kasing dino-drawing mo?” She asked, her eyes went down on my work. Pero no'ng makita ang 1/8 illustration board ko na walang laman ay agad na namang itong tumawa.

Seriously? What's with her?

“Totoo nga ang hinala ko! You were thinking that you're squeezing someone's notch!”

Agad umakyat ang dugo ko sa sinabi ng witch. Like, what the hell? What would I even think of that?

Her mind was already corrupted. And it doesn't mean that she'll corrupt my mind too!

“Ang dugyot mo talaga. Gaga ka, lubayan mo akong witch ka!” Naghihisterya kong sigaw, without minding my classmates presence. Ayaw ko sa pinagsasabi niya.

Wala na nga akong maisip na pwedeng i-drawing, dahil sa jerk na 'yon. Dadagdag pa siya.

Inis akong lumabas ng classroom. Paglabas ko mismo ng classroom, I bumped someone. When I look at... him?

Last Daybreak | ✓Where stories live. Discover now