Kabanata 5

19 4 15
                                    


[Kabanata 5]

IT'S our break time at patungo na ako sa school canteen. Thank God, wala si Ayesha. Feel ko lang nag-co-confess na naman 'yon sa iba pa niyang mga crush tapos iiyak 'pag na-re-reject. Seriously? Sa dinami-rami ng crush niya sa crush list wala pa ring nag crushback sa kanya?

Well, kanina nga. Tinitigan ko lagi si Kian. Hindi nga rin ako naka-take down notes sa mga sinasabi ni Ma'am kasi busy ako katitig sa crush — what the heck? Hindi ko nga siya crush. Bakit parang pinipilit ako ng puso ko. Hibang na ba ako?

Iwinaglit ko 'yon sa aking isipan at agad pumunta sa tindera. Sinabi ko sa kanya ang gusto kong bilhin, pagkatapos humanap muna ako ng mauupuan. Nang makakita ng bakante, ay agad akong dumeretso roon.

Ngunit bago pa ako makaupo, may nauna ng umupo sa uupuan ko sana. Agad umakyat ang dugo ko ng makita kung sino ito.

“Oh, well my destiny. We met again.” Sumilay na naman ang nakakaloko niyang ngisi, nakakairita talaga ang presensya niya. Parang nangangati na ang mga kamay kong sampalin siya ng ilang ulit.

“Mukha mo, Destiny.” Pinandilitan ko siya ng mata at pinatid ang inuupuan niya. Hindi naman 'yon malakas, pero natumba ang silya kaya nahulog siya rito mula sa pagkakaupo.

Agad nagbulungan ang mga students sa school canteen. Well, I don't care. Mas maganda nga na makikita nila kung paano ko siya parusahan.

“Pucha naman. Bakit mo 'yon ginawa?” Kita ko ang pagdaan ng inis sa kanyang mukha ng umayos ito sa pagkakatayo.

“Well, you deserve it.” Pinagkrus ko ang aking mga braso at pinagtaasan siya ng kaliwang kilay.

“Kung hindi ako makapagtimpi, aahitan ko talaga kilay mo.” Natatawa nitong aniya na ikinataas pa lalo ng dugo ko. Baka atakihin na ako ng altapresyon dahil lang sa lalaking ito.

“Huh, nakakatawa.” Sarkastiko kong saad. “Syempre, ako pa.”

Hindi niya nakuha ang sarcasm. Nag-aaral ba 'to? Well, kawawa naman siya.

“Tabi nga, ako ang nakauna rito.” Saad ko at diniinan ang huling mga sinabi.

“Kung ayaw ko?” Nakakalokong tanong niya na ikinataas ng kilay ko. Anong ayaw niya?

“May atraso ka sa 'kin, so shoo!” I shoo him away, pero he didn't move. Aba matigas!

“Kailangan ko pa bang sisigaw na niri-rape mo ako, huh?” Sarkastiko kung saad pero agad din itong natawa.

“Hindi ko gagawin 'yan sa 'yo. I lost my appetite.” Iniwan niya ang pagkain sa niya sa table, nakapamulsa pa itong naglakad papalayo. Anong trip n'ya?

“By the way, hindi pa 'yan bayad. So, bye!” Napatingin ako sa tindera sa Canteen at kanina pala ito nakatitig sa 'kin. For sure, narinig niya ang sinabi ng loko-lokong 'yon.

Hindi ko na sana papansinin ang food na nasa table pero nakaramdam ako ng presensya sa aking likuran. Nang hinarap ko ito ay ang tindera ng Canteen.

“Ah, ikaw ba magbabayad nito?” Malaki ang ngiti na ginawad ng tindera sa 'kin, how dare she walk near me and ask me this?!

Hello? Hindi ko kilala ang lalaking 'yon! Bakit ko 'to babayaran?

“Ah, no. Actually hindi ko siya kilala. Naunahan niya lang akong umupo rito.” Pagpapaliwanag ko pa pero parang hindi siya convinced sa sinabi ko. My gosh, para naman akong mage-explain ng math problem nito.

“Narinig ko ang usapan ninyo.” Mapang-usisang tanong nito, I felt like she's accusing me something that I didn't commit.

“And hindi naman 'yon basehan kung kilala ko nga siya.” Gosh, natarayan ko na tuloy siya. Inirapan ko ito at gusto ko na lang umalis rito pero no'ng tingnan ko ang kabuuan ng canteen ay sa 'kin na pala nakatuon ang pansin ng lahat na narito.

“Eh, ikaw na talaga magbabayad. Rinig na rinig ko — ” Hindi ko na talaga matiis ang iristasyon.

“How many times I would tell you that I don't know him!” Binangga ko pa ito at iniwan ang food ko sa table kung saan din naroroon ang food no'ng jerk na 'yon! How dare he could do this to me!

It's humiliation! I'm humiliated!

Binagtas ko ang buong campus para lang mahanap siya without minding the time. Well, pagbabayaran niya talaga ang ginawa niya sa 'kin. Hindi ako makakapayag na isang jerk lang ang makakagawa ng gan'to sa 'kin. No one in my life messed up with me, never in my life!

Nagpupuyos na ako sa galit ngayon, minsan nga ay push the students that blocked my way. I don't mind if they'll get hurt as long as I can find that jerk!

I don't care of people's opinions, they can't meddle with my decisions. Well, if they judge or criticize what I want, might as well they'll look at themselves at the mirror first.

To my horror, nakasalubong ko ang teacher namin for the next subject. My gosh, may oras talaga siya sa 'kin. For excuse kinuha ko ang libro ng teacher pa as if na tinulungan ko nga siya, pero labag 'yon sa loob ko.

Never akong tumulong sa isang guro na hirap na hirap sa pagdala ng kanyang mga gamit. Wala ba silang common sense kung gano'n?

Kung alam pala nilang mahihirapan lang pala sila, bakit ipinipilit pa rin nila at pinipili itong subukan?

Hindi ba pwedeng hindi sumugal, para hindi ka na mahirapan?

Napangiwi ako sa mga naisip. Parang double meaning na lahat ng mga 'yon, ah. Well, I'm not broken and didn't fall inlove yet. Maybe this is not the right time for me to meet him.

Siguro, walang nakatadhana para sa 'kin.

Well they think of me that I'm a bitch, without minding what I've been through. All of us, we must respect of what we are.

Hindi natin alam kung anong nangyari kung bakit siya nagkagano'n. Gan'to pa naman sa panahon ngayon.

“Thank you, Arra.” The teacher smiled at me and I smiled back, a forced one or full of plasticity.

“No problem, Ma'am.” Tugon ko sa kanya.

Pagkatapos ng klase, nawalan na rin ako ng time para hanapin ang lalaki. Nagkaroon kasi ng group activity at kailngan, ipasa kinabukasan. Kaya kailangan na agaran iyong aksiyonan.

Mas mabuti na rin kasi 'yong tapos ka na sa mga gawain, hindi 'yong magpo-procrastinate lagi. Wala naman 'yong patutungan, know your limits bago magpaanod sa katamaran.

Author's Note :

A very short update for now, since I'm kinda busy. I'll have my schedule when to update, and I decided to publish updates Monday, Saturday, and Sunday. Take note of that!  Keep safe everyone.

I know votes and comments aren't that important, but can you tap the star and leave a comment? Thanks in advance!

Last Daybreak | ✓Donde viven las historias. Descúbrelo ahora