Kabanata 9

16 4 48
                                    


Trigger Warning : Self-harm, Domestic Violence

[Kabanata 9]

BUSANGOT ang aking mukha ng pumasok sa classroom. Napadako ang tingin ko kay Kian na as usual, nagbabasa naman ng libro. My blood boiled in anger!

I hate him!

How can he be this mean?

Crop that! Bakit nga ba ako umaasa sa gan'yang mga lalaki?

I thought he's that nerd type na mabait. Classmates namin kami since elementary, pero bakit hindi ko siya kilala?

Hindi ko nga pala siya pinapansin. Wait, hindi ko nga maalala na classmates kami. I'm just basing on my classmates stories. When they keep on talking about our previous events or even embrassing moments.

Well I don't care. Hindi ko na talaga siya iisipin. Madali lang sa kan'ya na ipahiya ako, though kami lang naman dalawa. Hindi kagaya no'ng jerk na sa canteen pa talaga.

Speaking of that jerk. Hindi siya nagpaparamdam sa 'kin. May nangyari ba? Pake ko.

I don't care of his whereabouts. Hindi ko naman siya close. Hindi rin kami magkaiban. So, what for?

Bumuntonghininga na naman ako. After that whole day, bumungad sa 'kin ang tahimik na bahay. Walang tao sa sala, sa kitchen o dining area at hindi pa rin naka-turn on ang switch ng ilaw — na siyang pinindot ko upang magkaroon ng liwanag ang buong bahay.

I went to the kitchen, where our fridge was. Checked if there's something to cook to. I know how to cook, tinuruan kami ni Mama. Should I say, ako lang pala.

She always tell me that I need to learn how to cook so that my sisters, when they're already professional would let me live in their houses. Para raw hindi ako palamunin, kailangan, ako ang gagawa ng mga household chores.

Parang sinasabi na niya na, wala akong mararating. Wala akong future. It hurts, it hurts so good that I can even think that I want to rest...

endlessly — in peace.

I saw some of my favourite vegies, so I decided to cook ginisang kalabasa. Also, it's my favourite dish, so why not. My family also liked this so I don't have a problem with it.

I prepared all of the kitchen utensils that I would use. Pagkatapos, ang kalabasa naman. Nang matapos naman ako sa pag-prepare ng kalabasa, ginisa ko na ito.

Habang naggigisa, I opened my Facebook account. To scroll, habang naghihintay sa niluluto. Minsan, I would laddle it.

Habang nag-scroll, dumaan sa newsfeed ko ang post ni Mama.

With my family #HappyFamily

It's a picture of my fam, eating in a restaurant — without me. I smiled, bitterly as I tap the pictures so I could see it clearly. Ni-zoom ko pa ang name ng restaurant dahil makikita ito sa likuran nila.

Señoricha.

Malapit lang ito sa bahay namin. Napatingin ako sa messages, Wala akong nakitang message galing sa mga kapatid ko even my parents. Pinalis ko ang mga luhang nagbabadyang tumulo.

I can eat naman, without them. Tiningnan ko ang ginisa ko. Nang luto na ito ay isinalin ko ito sa isang bowl. Mayroon ng kanin. Hinanda ko na rin ang aking plato, Fletcher at isang glass.

I ate that night silently without my family's presence. Sino ba naman ako 'di ba?

I'm no one. Hindi siguro nila ako ka-pamilya. Siguro, ampon lang ako. Paano nila nagawa sa 'kin 'to?

Last Daybreak | ✓Where stories live. Discover now