Binasa ko rin ang naka sulat. Unregistered number. Kunot noo ko iyong sinagot. "Hello.." at kaagad na nagsisi dahil halos paos ang boses ko. Luke chuckled and crouched to kiss my nape loudly. I slapped his hand.




"Good morning, this call is for Doctor Eleanor?"




Tumango ako kasabay ng paglakbay ng labi ni Luke sa mga balikat ko. Marahan ko siyang itinulak pero tinignan niya lang ako bago muling nagpatuloy.




"Yes, speaking." I answered weakly when Luke's hand swiftly encircled my waist. His large hand caressed my stomach.




"I'm a registrar from LCDH, we just want to follow up your forms needed tomorrow since you haven't emailed us back, yet. We're looking forward to work smoothly with you, if you have more questions, please refer to the email we've sent. Thank you."




Hindi na ako nakasagot. Namatay ang tawag na nanlalaki ang mga mata ko. Bukas? At nag-email sila?! Mabilis kong ni-log in ang email ko sa aking cellphone dahil hindi ko dala ang laptop ko.




Umakyat naman ang kamay ni luke sa dibdib ko at hinuli ang isa habang hinahalikan ang likod ko. His other hand is still holding my stomach. Ngayon, ang magkabilang paa niya ay nasa gilid ko na, ikinukulong ako.




"Luke, stop it, may ginagawa ako." Sabi ko at kaagad na hinanap ang email nila sa akin. Meron nga!




"Hm? Who called? Do you know him?"




Nilingon ko siya. "Anong 'him'? Babae ang kausap ko, registrar iyon sa hospital at may ipinapapasa sa akin bukas." sabi ko.




Kusa naman siyang natigilan sa paglalaro at dinungaw ako. Ipinatong niya ang baba sa kanang balikat ko at sinilip ang email sa cellphone ko.




"Tomorrow?"




Tumango ako. Binabasa ang mga kailangang dalhin at gawin.




"Maaga?"




Tumango ako ulit, nakikiliti na sa mainit niyang hininga at kaunting balbas sa baba. Damn hot. Ipinilig ko ang aking ulo dahil nalulunod na naman ako sa sensasyon.




"Sasama na ako sa'yo kung ganoon," sabi niya kaya nilingon ko siya.




"You still have until the next day here, you can stay."




Umiling naman siya. "I won't have anything to do here, anyway." Katuriwan niya.




"Then just be with your band mates until you all go home, para hindi sila magtaka—" Doon na kumunot ang noo niya. Kinabahan ako. "I.. I m-mean, it would be awkward if they see us leave together—"




"They already saw you suck my neck, Sadie." May diin ang tono niya. Natutop ko naman ang bibig ko at nahihiyang nag-iwas ng tingin.




I just.. don't know how will I explain to them that I'm here, giving myself back again to the person whom I tried to ran away before. Parang ang weird naman kung makikita nila kaming.. maayos na.. ulit? Pagkatapos ng limang taon, alam nilang naka move on na ako, and besides.. I don't know. Ano pa bang puwedeng i-dahilan?




"Ayaw mo bang malaman nila ang tungkol sa 'tin?" Biglang tanong niya.




Napalunok ako pero hindi ko siya nilingon.




"Sadie," hindi ko kaya. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko.




Narinig ko ang pag-buntong hininga niya, dahilan para mapalingon ako. I saw him in disbelief and undefined sadness. I opened my mouth to speak and explain, or even take back what I've said just so I could get rid of his disappointed expression, but I was surprised when nothing came out from my mouth.




La Cuevas #3: Beautiful ScarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon