Foreword

537 32 31
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, places, events or incidents are fictional. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

© All Rights Reserved 2023.

Ang kwentong ito ay pawang kathang-isip lamang. Ang mga pangalan, tauhan, lugar at pangyayari ay bahagi lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakahawig sa totoong buhay ay hindi sinasadya at nagkataon lamang. Muli, ang inyong mababasa ay walang katotohanan. Maraming Salamat!

×××

Simple lang ang buhay ko. Maagang naulila kaya mag-isa na lang sa buhay.

Ang gusto ko lang naman ay magkaroon ng tahimik at maayos na buhay. 'Yong malayo sa gulo, malayo sa tunay na nangyayari sa mundo.

Nagsimula ang lahat sa isang panaginip.

Isang gabi, isang masamang panaginip. Maingay, mga sirang sasakyan na nagkalat sa paligid, kaguluhan, at dalawang taong duguan. Malabo ang paligid hanggang sa mapagtanto kong ang mga taong iyon ay ang mga magulang ko.

Umiiyak sila at humihingi ng tulong. Gustuhin ko man silang lapitan pero hindi ako makagalaw. Tila napako ako sa kinatatayuan ko habang umiiyak na pinapanood sila na nahihirapan. At kasabay ng isang malakas na pagsabog ay nagising akong pawis na pawis at sobrang lakas ng tibok ng puso.

Hanggang sa nalaman ko na lang na wala na pala sina Mama at Papa. Naaksidente sila habang pauwi sa amin. Hindi ko alam pero sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari sa kanila. Sana nailigtas ko sila. Pero wala akong nagawa.

Lumipas ang ilang taon, maraming nagbago. Ang pagbabagong hindi nanaiisin ng kahit na sino. Sino'ng mag-aakala na ang isang katulad ko ay mabibiyayaan ng ganoong kakayahan?





















































Ang kakayahang makita ang hinaharap.

;

AyaWhere stories live. Discover now