¨Yeah, sure.¨ Sagot ko sa pamamagitan ng salamin sa harapan ko. Ngumiti ako sa kanya at siya naman ay tumalikod na para lumabas. Hindi ko na tinawag ang make up artist ko. Tinignan kong maigi ang kabuuang itsura ko sa salamin. Hinagod ko ang mga buhok na tumakas sa pagkakabraid ng buhok ko pagkatapos non ay lumabas na ako ng kwarto.


Medyo malayo-layo ang kwarto mula sa reception ng kasal namin. Kokonti lang ang tao ngayon dahil hindi pa naman summer.Habang naglalakad ako ay pinagmasdan ko ang kapaligiran ng beach kaya lang nagkasalubong ang dalawang kilay ko ng may mamukhaan akong isang tao na papalapit sa akin. Bumilis ang tahip ng didbdib ko ng ilang hakbang nalang ay magkakabanggan na kami. 


Hindi nakatingin sa akin ang mahabang buhok na babaing nakadress na puti kaya malamang na sa malamang ay hindi pa niya ako nakikita. Ako ba ang hinahanap niya? manggugulo na naman ba siya? Huminga ako ng malalin bago itinaas ang dalawang palad ko para harangan siya at hindi ako mabangga. ¨Oops!¨ maarteng sabi ng babae. Ang seryoso niyang mukha ay napalitan ng isang malaking ngisi. ¨Oh, Hi, Jasmin!¨ Maarteng bati pa rin niya sa akin. Pinigilan ko ang sarili ko na pakita ang takot at kaba ng nararamdaman ko ngayon at pinaltan ng isang walang emosyon at deretsong tingin sa kanya.


¨Anong ginagawa mo dito?¨ matapang na tanong ko sa kanya. Naglinga-linga ako baka sakaling may makakita sa aming dalawa dito o kahit man lang si Al. Hindi ko alam ang tinatakbo ng utak ng babaeng ito; kaya hindi ko alam kung ligtas ba ako sa kanya.


¨H'wag kang mag-alala- Wala na akong pakelam sa inyo ni Al. Kaya makakahinga ka na ng maluwag.¨


¨Alam ko! Kahit makeelam ka din naman sa amin wala ring mangyayari sayo. Uuwi ka pa ring luhaan. And seriously you're not invited here.¨


¨Hindi naman ikaw ang ipinunta ko dito. At hindi buong beach na ito ang binayaran ng asawa mo.¨


¨What are you doing here, Inday?¨ Umirap si Inday sa akin ng magsalita si Al mula sa likuran niya.Naglakad papunta sa akin si Al bago niya ipinadausdos ang kamay sa bewang ko. ¨ She's my wife now. So pwede ba, kung ayaw mong masaktan tantanan mo na kami.¨


¨'Wag kayong feeling na dalawa, hind kayo ang pinuntahan ko.¨ Pagkasabi nia non ay tinalikuran na niya kami.


Bumaling sa akin si Al  ¨Are you okay, Baby?¨ Tanong niya bago hinalikan ang tuktok ng ulo ko. Tahimik akong tumango sa kanya. Hinanap ng mga mata ko si Inday pero wala akong makita miski anino niya. Ang bilis niyang nakaalis hindi man lang nahagip ng mga mata ko kung saan iya nagtungo.


Hindi siya pupunta dito ng walang dahilan. Kung hindi ako ang gusto niyang makita? Sino? Anong gusto na naman niyang mangyari? Nakahinga na ako ng maluwag dahil alam ko at sigurado na akong hindi niay guguluhin kami ni Al pero meron pa ring pangamba sa puso ko hanggat hindi ko nalalaman kung anong pakay niya sa pagpunta dito? ¨Don't worry about her. Papacheck ko nalang sa security kung nasaan siya at agad na paalisin. Wag kang magpakastress baka mapaano ka pa.¨ utas ni Al sa tabi ko.


Hinila niya ang kamay ko at iginiya pabalik ng recption. Nang makita kami ni Ann ay agad niyang inianunsyo sa lahat. ¨ Nandito na pala ang newly wed, couple. Arrieh Lyde?¨ Tanong nito kay Al. Napakunot ang noo ko habang hinihla pa rin ni Al ang kamay ko papunta sa gitna ng stage. Naglakad papunta sa amin si Emman na kumindat pa bago pumunta sa harapan ng Piano. Iniabot kay Al ni Ann ang Microphone habang ako ay nanunuod at naguguluhan sa mga nangyayari. Nilingon ko ang mga bisita namin na natigil sa mga ginagawa at tahimik na nakaupo at nanunuod sa amin.

Sharap (Baka Girls #1)-CompletedWhere stories live. Discover now