I kiss her in the cheeks. Tumayo na ako pero bago ako umalis ay may sulat akong iniwan sa ibabaw ng table. Muli ko syang sinulyapan bago ako tuluyan lumabas at umalis ng kwartong iyon.

Dumaan muna ako sa comfort room para mag ayos ng sarili. Puno ng luha ang buong mukha ko dahil sa pag iyak. Medyo namumugto din ang mata ko at namumula pa ang mga ito. Marahan kong pinalis ang mga luhang nagbabadya na namang umalpas mula saking mga mata at inayos na ang aking sarili. Nakakahiya namang maglakad sa labas if ganito ang itsura ko diba.

Jake's P.O.V

(a/n: yiiieeee may pov na sya AHAHAHAHAHAHA)

Two days nang hindi pumapasok si Naomi. Gustuhin ko mang dumalaw sa kanila ngunit ang dami kong inaasikasong projects. Si Raepots naman nasa ospital pa at sa isang araw or bukas pa sya makakalabas. Hindi pa rin kase sya nagigising until now. Si RK ang palaging nagbabantay sa kanya doon. Pinakiusapan ako ng Dad nya na bantayan sya pero hinayaan ko na lang na ang kaibigan ko ang nandoon. Wala naman kase akong magagawa eh kaya hahayaan ko na lang. Ayaw kong makipag away kay RK.

Nagkukwentuhan kaming tatlo ng makita ko sina Tita Fatima napatungong office. Hindi naman iyon napansin ng dalawa.

"Just a second. May kakausapin lang ako."

Tumango lang sila. Nagtungo ako sa office kakatok na sana ako ng bukas iyon kaya sumilip na lamang ako para makinig sa pag uusapan nila.

"Good day Mr. and Mrs. Montero. Maupo po kayo. Ano pong maipag lilingkod ko sa inyo?"

"Mrs. Principal about sa exchange student. May sakit kase si Naomi kaya hindi sya makapasok. Kaya kami na lang ng Dad nya ang pumarito."

"Hindi po ba nya tinanggap?"

"She accept it. Nandito nga kami para ayusin ang mga kakailanganin nya sa pag alis."

"Great! Well ------"

Hindi ko na inintindi ang iba pa nilang pinag uusapan dahil sa nalaman ko.

Exchange student? Aalis? Sino si Naomi? Bakit hindi namin ito alam?

Hinintay kong lumabas ang mga magulang ni Naomi para kausapin sila.

"Oh Jake iho anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Tita pagkalabas nila sa office.

"Nandito po ako para kausapin kayo."

Nagkatinginan silang mag asawa.

"Halika doon tayo sa may pavilion."

Nagtungo kami doon dahil walang masyadong taong nagpupunta sa lugar na iyon.

"Tungkol ba ito sa pinsan mo?" Tanong ni Tito kaya tumango naman ako.

"Hindi ba nya sinabi sa iyo? Sa inyo? Ang tungkol sa offer ng school?"

"Hindi po. Wala po syang sinasabi sa amin na kahit anu," sagot ko.

"Nung una wala talaga syang balak na tanggapin ang offer na iyon. But yesterday bigla na lang syang lumapit samin dalawa ng Tito mo at sinabi nyang tatanggapin na nya ang offer. Ang sabi pang nya maganda iyon na panimula para sa kanya. At kami namang parents nya ay hindi na nagtanong pa. Basta para sa kanya support kami ng daddy nya."

Paliwanag ni Tita.

Parang alam ko na kung bakit sya aalis, kung bakit tinanggap nya ang offer. Kung ako lang gugustuhin ko pang lumayo muna sya dito para na rin maghilom ang sugat. Para din naman sa kanya iyon eh.

Haaayyyy! Naomi my cousin kelan ka kaya mawawalan ng mabigat na problema sa lovelife mo?

Eto na yata ang kapalaran nating dalawa, ang magparaya para sa ikakasaya ng taong mahal natin.

Sayo Pa Rin Babalik ( On-hold )Where stories live. Discover now