KABANATA 34

24 4 0
                                    

Tatlong araw na ang nakalilipas simula nang mangyari ang insidenteng iyon. At tatlong araw na din akong umiiwas sa kanila lalo na kay Asul at Rae. Dahil hanggang ngayon masakit pa rin eh. Ramdam ko pa rin yung sakit sa nalaman ko. Asang asa ako na ako iyon tapos malalaman ko hindi naman pala at ang taong mismong nagsabi sakin niyon ang totoong inaaya nya sa dinner na iyon.

Alam kong napakababaw pero masakit eh. Pakiramdam ko niloko ako, pinaasa ako. Hindi naman na nya kailangan na magsinungaling pa matatanggap ko naman kung yung totoo ang sasabihin nya eh.

Ika nga, telling the truth to make someone cry is better that telling a lie and make someone smile.
Mas okay na yung masaktan ka sa katotohanan kesa pasayahin ka sa kasinungalingan.

Nagtaka lamang ako dahil nakauwi ako sa bahay ng hindi nalalaman nina Rae at Asul. At naalala ko pa ang sinabi ni mommy noong tinanong ko kung paano ako nakauwi.

"May gwapong guy na naghatid sayo dito sa bahay. Nagulat pa nga kami ng Dad mo akala namin kung napanu ka. Pero sabi nya nakatulog ka lang daw. Tinanong pa nga sya ng dad mo if sino sya. Alam mo ba kung anong sagot nya? Hindi sya nagpakilala at isipin na lang daw namin na sya ang anghel mo. Hindi na din namin sya natanong ng iba pa dahil nagmamadali daw sya."

Then yung about naman kay Rae. Nakita ko na lang na may text sya sakin na....

"Besh nasan ka na?"

"Anong nangyari sayo? Naghihintay si Blue."

"Ahh! Sumakit ang tyan mo kaya nagpasundo ka na lang muna sa driver nyo? Ahh okay sige take care ang get well soon. Ako na ang bahalang magpauwi kay Asul mo. <:"

Yan yung mga nabasa ko kinabukasan. Pero hindi naman ako nag text sa kanya ng ganun. Naiisip ko tuloy kung yung lalaking iyon ba ang nagtrxt kay Rae kaya I'm thankful sa kanya dahil marunong syang magpalusot at tinulungan nya pa akong makauwi sa amin kahit hindi nya ako kilala.

Pero, bago ako mawalan ng malay naalala ko pang binanggit nya ang pangalan ko. So, it means he know who I am?

Nakakasakit ng ulo diba?

Habang naglalakad sa hallway papuntang library ay nakasalubong ko si Kyle.

"Uy Naomi! Kamusta?"

(n/a: sya po yung nasa Kabanata 31 na nagcall kay Nami para papuntahin sya sa Office<:)

"Okay lang naman."

"Congrats nga pala."

"Huh? For what?"

Bahagya syang tumawa. Napataas naman ang kilay ko dahil sa pagtataka.

"Nalimutan mo na ba? Ikaw ang napili para maging exchange student ng E.U sa E&S International University diba?"

Napasapo ako sa aking noo. Oo nga pala muntik ko nang malimutan. At isang linggo na lang ang natitira para magdesisyon ako if tatanggapin ko ba o hindi.

"Oo nga pala hehe. Thanks by the way." Nakangiting sagot ko.

"Tatanggapin mo ba?"

"I-I d-don't know. Hindi ko pa alam."

"Sana tanggapin mo yung offer nila. Ang alam ko sobrang astig at galing magturo ng mga prof sa University na iyon, alam kong lahat naman ng mga prof ay magagaling kaya nga naging teachers sila eh but doon lahat lahat malalaman mo at ang advance nila magturo. Kaya sayang naman if palalampasin mo ang magandang opportunity na iyon. Pero ikaw pa rin naman ang masusunod eh. So, goodluck and choose the best ang good for you!"

"Salamat! Na appreciate ko ng sobra."

"No problem! Oh panu mauuna na ako marami pang pinapagawa sakin si Pres eh."

Sayo Pa Rin Babalik ( On-hold )Where stories live. Discover now