KABANATA 33

35 4 1
                                    

Naomi's P.O.V

Dumating ang araw ng Friday ay wala pa akong naibibigay na sagot kina Dean. Gusto ko namang sabihin kina Jake pero kinakabahan ako. Sinabi ko na iyon kina Mom at Dad at support sila sa magiging pasya ko. Pero mas maganda daw if tanggapin ko ang offer ng E&S.I.U pero nahihirapan ako, mahihirapan akong umalis.

"Ang lalim naman ng iniisip mo besh. Ano ba yan? Or sino ba yan?"

Umiling na lamang ako.

"Wala lamang ito may naalala lang ako."

"Asus! Ahh nga pala may sadabihin ako sayo."

Humarap ako sa kanya saka pumahalumbaba sa harap nya.

"Ano yun? Spill the tea besh."

"Ammm... may pinapasabi sakin si Blue. Kung pwede daw kayong mag dinner this Saturday night. Sa akin na lang pinasabi nahihiya yata sayo."

Napanganga ako sa sinabi nya.

Nahihiya? Jusko dapat ako nga yung mahiya dahil sa ginawa ko sa kanya nung nakaraang araw sa bahay. AAHHHH!

Ahh hindi nga pala nila alam yung nangyari kaya safe pa ako sa kahihiyaan sa buong barkada.

Sa dalawang araw na lumipas umiiwas ako. Nahihiya kase ako sa ginawa kong iyon. At hindi ko din alam kung ano bang sasabihin ko sa kanya. Hihingi ba ako ng paumanhin o anu, kaya wala akong lakas ng loob na kausapin o lapitan man lang sya.

Pero dinner daw sa Saturday? WHHHAAAA! Anong gagawin ko? WHHHAAAAA! Oh my gosh ang init.

Mahigpitna hinawakan ko sya sa kanyang kamay.

"Seryoso ba talaga? Niyayaya nya kong mag dinner sa Saturday?"

Nakangiting tumango sya.

"WHHHAAAAA! Besh panu kumalma? AAHHHH! Ang init aircon please."

"Sira ka talaga bukas naman ang aircon bakit naiinitan ka? Kilig lang yan anukaba ilabas mo lang. AHAHAHA."

"Besh naman kase eh kinikilig talaga ako."

"Kilig well!"

Natawa kami pareho.

At dumating na nga ang araw ng sabado.

Kagabi hindi talaga ako makatulog dahil kinakabahan ako na kinikilig. Jusko kulangna lang uminom na ako ng sleeping pills dahil di talaga ako dalawin ng antok. Magmumukha pa yata akong zombie sa harap ni Asul pero buti na lang bandang 1:30 am nakatulog din ako.

May time pa naman dahil mamaya pang 8:30pm iyon.

Ang ipinagtataka ko lang bakit walang alam si Jake? O baka naman surprise iyon nila sakin. Kaya lalo tuloy akong naiexcite sa isiping iyon.

Buong araw lang akong nasa kwarto para gumawa ng homeworks at pati na rin mag isipng susuotin ko. Mamayang 6 ay pupunta si Rae dito para daw ayusan at samahan ako sa place na sinasabi ni Asul. I do make ups chuchuchuness naman pero she insist na sya na lang. Idunoo kung ano bang sumapi sa kanya kaya pagbigyan na lang.

Natuwa naman ako dahil may kaibigan akong katulad nya.

Okay lang naman lumabas ng gabi dahil wala namang kulto dito samin AHAHAHA charot lang. Nagpaalam naman ako kina Mom kanina bago sila umalis papuntang Batangas. Ang busy nila noh? Well, that's life. Buhay parang life!

Hindi ko namalayan na malapit na palang gumabi. Hindi na ako nag abala pang magluto dahil may dinner nga kami ni Asul diba.

Nakarinig ako ng doorbell habang pababa ako ng hagdan.

Sayo Pa Rin Babalik ( On-hold )Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang