SIMULA

146 15 12
                                    

May isang batang babae na laging nakaupo at nagiisa sa lilim ng puno malapit sa kanilang eskwelahan. Lagi syang nandoon pagkatapos ng kanilang klase. Wala syang kaibigan kahit isa. Ni walang gustong makipaglaro sa kanya.

Tahimik na nakatanaw lamang ito sa mga batang masayang naglalaro at nagtatawanan.

"Hoy bata! Bakit ka nandito? Ayaw mo bang makipaglaro sa kanila?"

Nagulat sya ng isang araw may batang lalaki na nagtangkang kausapin at lapitan sya.

Tiningnan nya lamang ito ng may pagtataka. Matangkad at halatang maganda ang pangangatawan neto kahit bata pa at maputi rin ito.

"Bakit nya ako kinakausap? Bago lamang ba sya dito? Ngayon ko lamang sya nakita," sabi ng kanyang batang isipan.

"Hoy bata kinakausap kita? Are you deaf or mute? Bakit hindi ka nagsasalita?" tanong neto sa kanya.

"H-Ha?"

"I'm asking you why you're here. Why don't you join them?" tanong ulit neto sabay turo sa ibang batang naglalaro.

Napatungo sya. Naramdaman nyang umupo ang batang lalaki sa kanyang tabi.

"Inaaway ka ba nila?"

Umiling sya saka tumunghay. Doon nya malayang nasilayan ang itsura ng bata.

Pogi ito at totoo talaga iyon. Matangos ang ilong at napakaganda ng kulay asul na mga mata. Kahit ang pilik nitong malantik din, talo pa nga sya. Makinis ang balat at nasidigurado nyang may lahi ito dahil na rin sa tuwirang pag ienglish.

"Hindi naman sa ganun. Sadyang ayaw lang talaga nilang makipaglaro sakin. Wala naman akong sakit na nakakahawa pero ayaw nila ang lapitan. Maganda naman ako at mabait pero ayaw nila akong maging kaibigan."

Narinig nyang tumawa ito ng mahina na ikinasimangot nya.

"Anong nakakatawa sa aking sinabi?"

Umiling ito bago tumingin sa kanya ng may pagkamangha saka ngumiti.

"Kung ayaw ka nilang maging kaibigan, ako gusto ko. Kaya simula ngayon I'm your friend na. Kaya hindi ka na mag iisa."

Ngumiti ito ng pagkalawak bago tumayo sa harap nya at inilahad ang kamay.

Hindi agad sya nakapagsalita dahil sa narinig.

"Baliw ba sya?" sabi ng kanyang isip.

Gulat pa rin sya dahil sa loob ng dalawang taon nya sa elementarya ay wala pang bata ang nagtangkang lumapit at makipagkaibigan sa kanya. Maliban ngayon at maliban sa batang lalaking nakatayo habang nakangiti sa harap nya.

Its the first time na may nagsabi sa kanyang magkaibigan na sila at hindi na sya mag iisa.

"Hindi mo ba tatanggapin? Nakakangawit kaya."

Napangiti naman sya sa asal nito.

Tinanggap nya ang kamay ng batang lalaki. Muli itong umupo pero sa harap na nya.

"Ayan! Mas cute ka kapag nakangiti," puri neto sa kanya na ikinapula nya.

"Ano nga palang name mo?" pagtatanong nya kahit nahihiya pa.

Hindi pa kase ito nagpapakilala kahit na magkaibigan na sila.

"Ay oo nga pala," kumamot ito sa batok saka nag shy smile.

"Cute!" bulong ng kanyang mumunting tinig.

"I'm Blue."

"Ha? Hindi naman favorite color mo ang tinatanong ko ah. Ang sabi ko anong pangalan mo."

Sayo Pa Rin Babalik ( On-hold )Where stories live. Discover now