KABANATA 23

40 4 15
                                    

🥀im gonna dedicate this chapter to ShammahApaga🥀
Thank you Lab! Mwuahh! Sana magustuhan mo ang chapter na'to. Yiet-

****

Pagkarating namin ni Jake sa garden ay agad ako netong kinunutan ng noo.

"What now?" matamlay na tanong ko sa kanya.

"Tell me Naomi, anong nangyayari?"

"Ano bang pinagsasabi mo dyan? Wala namang nangyayari ah," inosenteng sagot ko sabay iwas ng tingin.

"Tsk! I know you very well Naomi. At alam ko kapag may tinatago ka sakin. You can't look me in the eye. So, anong pinaplano nyo ni Rae?"

Wala na talaga akong ligtas. Haist!

"Humingi ako sa kanya ng favor na sya ang gumawa ng mga dapat ako ang gagawa. Like ipagluto si Asul ng favorite nyang foods. Sya ang pinagbibigay ko. Pinapalabas namin na sya ang nagluto nun pero ako talaga. Tapos yung niyaya nya na manood ng sine si Asul pero ako talaga dapat yun. Yung mga ginagawa ko sya na ang pinapagawa ko. Ayaw kase ni Asul na lumalapit ako sa kanya. Ayaw kong baka mas lalo nya akong layuan kapag ako ang mangungulit sa kanya kaya kay Rae ako humingi ng pabor."

Napabuntong hininga sya dahil sa kweninto ko.

"So, tama ang hinala ko na ikaw ang gumawa ng bakemac na ibinigay nya kay RK? Tama ako diba?"

Tumango ako.

"Haist! Naomi ano ba tong pinasok mo, nyo?"

"Nasimulan na namin kaya itutuloy na namin to. Tsaka nagiging okay naman na kami ni Asul diba. Hindi tulad noon na sobrang cold at sungit nya sakin."

"Eh yung kanina?"

"Tinuturuan ko si Rae kanina para sa susunod maipagluto ka naman nya ng paborito mo. Tapos tumawag si Mom right? So iniwan ko sa kanya ang paghihiwa ng patatas sabi ko naman mag iingat sya. Then pagbalik ko ayun na. She got a wound."

"Tsk! Alam mo namang baguhan pa si Rae sa mga ganyang bagay diba? Alam mong makulit ang babaeng yun kaya palaging nasusugatan hindi marunong mag ingat panu na lang nga kung walang nakakita sa kanya. Pababayaan nyang nagdudugo iyon."

Pareho sila ng iniisip ni Asul. Hahayaan nga ni Rae na nagdudugo ang sugat nya imbes na humingi o kumuha ng ipang gagamot roon.

Pareho silang dalawa na nag aalala kay Rae. Sana lahat!

"Sorry kung nangyari yun kay Rae hindi ko naman kase alam eh. Sorry if nag alala ka sa kanya."

Nakayukong hingi ko ng paumanhin.

"Ano ka ba!"

Hinawakan nya ang dalawa kong balikat saka ako pinaharap sa kanya.

"Syempre kahit sino naman mag aalala kapag nangyari yun katulad sayo pero alam ko na hindi yung mangyayari dahil magaling kana sa kusina."

"Kahit na sorry pa din."

"Bakit ba sorry ka ng sorry? Ikaw kamusta? Kamusta ang puso mo?"

Nagtatakang aapa angat ang tingin ko sa kanya.

"Ohhh! Huwag mo akong tingnan na para bang wala akong alam. Alam ko na hindi kapa nakaka pag move on. At ngayon masakit para sayo na makita silang ganun."

Nag iwas sya ng tingin sakin.

"Kahit ako nainis din kanina hindi ko lang pinahalata sayo. Kaya kong maging cold na para bang wala lang sakin yun pero deep inside naiinis ako."

Sayo Pa Rin Babalik ( On-hold )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon