KABANATA 17

40 4 0
                                    

Kanina ay sobrang ingay ng mga estudyante dito sa loob ng gym pero mas lalong umingay ngayon dahil nanalo na naman ang school namin laban sa labilang school.

"Wwhhhhaaaaaa! PANALO ANG TEAM! Kyyyyaaahhh!"

Nagtatatalon sa tuwa si Rae sa tabi ko katulad ng iba. Nakangiti naman ako ng malawak dahil I'm so proud of them. Ipinakita talaga nila na nababagay sila sa team. Syempre si Asul ang MVP!

Sabay kaming bumaba ni Rae papunta sa nagkakasiyahang team saka sila kinung gratulate.

"Congrats E.U Tigers!!" masayang bati namin sa kanila pagkalapit namin.

"Yooowwnn! Thank you girls!" nakangiting tugon ni Dave.

"Anong say nyo? Galing ko sa court no?" pagmamayabang ni Joshua.

"Psh! Mas magaling si Jake no," pang asar ni Rae. Napasimangot naman si Joshua dahil dito.

"Kahit konting compliment lang naman ang damot mong babae ka."

"Kadamot damot ka kase. Dyan kana nga!" Pagtataray pa ni Rae saka magiliw na lumapit sa pinsan ko. Napakamot naman sa batok si Joshua at hindi na lang ito pinatulan pa. Napailing naman ako.

Luminga linga ako sa paligid para hanapin si Asul. Pero wala sya. Hindi ko sya makita. Humarap ako kay Dave para itanong kung nasaan ang kaibigan.

"Si Asul?"

"Huh? Asul? Ah! Si RK ba? Nandoon sa locker room ng gym magliligo yata. Bakit?"

"Ahhmm! Gusto ko lang sana syang icongratulate."

Tumango tango ito na para bang hindi sya satisfied sa sagot ko. Nakataas pa ang isang kilay habang pinagmamasdan ako.

"Sige! Puntahan ko lang sya."

Kailangan kong makaalis agad dahil baka magtanong pa sya ng magtanong. Baka mabuko pa ako at sabihin sa pinsan ko.

Hindi pa ako nakakalayo ng sumigaw sya na ikinapula at ikinainit ng mukha ko.

"Huwag masyadong wild ah baka marinig namin kayong dalawa dito sa labas. Ang daming makakarinig oh!" sabi neto na sinabayan pa ng pang asar na tawa.

Greenminded ang nyemas!!!

Dali-dali naman akong pumasok sa locker dahil sa kahihiyan. Bwesit talaga ang Dave na yun. Tsk!

Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng room saka sumilip sa loob.

Wala namang tao dito ahh!

Binuksan ko ng malawak ang pinto saka ako pumasok.

"Asul? Yoohhooo! Nandito ka ba? Asuuulll! Asaan kab-- Oh my gosh!"

Nagulat ako nang biglang bumukas ang nasa likod kong pinto at iniluwa neto ang lalaking kanina ko pa hinahanap. Nagpupunas ito ng kanyang buhok na halatang katatapos lang maligo dahil tumutulo pa. Naka pants ito at walang pang itaas.

Oh my golly wow! Ang yummy ng six packs abs...

Napatulala ako sa magandang view na nasa aking harapan. Hindi pa nya ako napapansin na nandito at patuloy lang syang nagpupunas ng kanyang basang buhok habang nakapikit pa. May tumulong munting butil ng tubig mula sa kanyang buhok pababa sa kanyang leeg hanggang sa kanyang abs. Pinaypayan ko ang aking mukha dahil sa sobrang init ng nararamdaman. Akala ko ba malamig dito? Bakit parang uminit yata bigla?

Nanlaki ang aking mata nang bigla syang mag angat ng tingin kaya agad akong tumalikod.

"S-Sorry! Hindi ko sinasadya na pumasok dito."

Sayo Pa Rin Babalik ( On-hold )Where stories live. Discover now