KABANATA 13

50 7 2
                                    

After two dyas na pagiwas kay Asul ay nagpasya na ulit akong ituloy ang nasimulan. Hindi ko susundin kung anong gusto nya at ang gusto at nararamdaman ko lang ang susundin ko.

Nakangiting pumasok ako sa room namin.

"Wow! Blooming!" nakangiting puna ni Rae pagkaupo ko.

"Syempre! Dapat lang na always blooming para iwas negative vibes sa katawan no."

"Yan! Tama yan."

Tumingin ako sa seat nung tatlo pero wala pa sila doon.

"Nasan yung tatlo?"

"Umalis may pag uusapan daw silang mahalaga. Hindi ko nga alam kung ano bang meron at ang wiweird ng tatlong itlog na yun."

"Tsk! Hayaan mo na nga sila. Malalaki na sila at kaya na nila ang kanilang mga sarili.

"Maiba nga tayo. Nakapag isip isip ka na ba about kay Blue? Anong gagawin mo this time? Sa dalawang araw na dumaan napapansin kong umiiwas ka."

Napasimangot ako saka nag cross arms.

"Tama na yung dalawang araw na pag iwas. Malamig na ang ulo ko at wala na ang inis ko sa pagiging pakipot nya. This time i will make him mine by hook or by crook."

Desididong sagot ko saka ngumisi.

Pumalakpak naman si Rae. "Ang fierce beshy. I like it!"

Nagsipasukan na ang iba pa naming classmate kasama na doon yung tatlo na animo'y may ginawang masama dahil sa mga nakangisi ito.

Binati kami ni Rae nung dalawa maliban kay Asul na seryoso lang nang dumaan sila sa gilid namin. Napasimangot naman ako.

Tahimik ang lahat. Ni walang gumagawa ng ingay na para bang kasalanan kapag nagsalita o makagawa ka ng ingay. Kakaiba ang atmosphere ngayon sa loob ng klase. Ano bang meron? May naglilista ba ng maingay tsaka pagbabayadin ng twenty pesos? Ano 'to highschool days?

Napatingin sila lalo na ako sa pintuan nang may pumasok. Nanlaki ang aking mga mata saka ako napatingin kay Rae na ganun din ang expression.

Sya yung guy sa Restau na anak ng may ari ng school na ito. John Dave, right? Classmate namin sya?

Ngumiti ito saka nagpakilala.

"Hi guys! John Dave Mckinley Easton is finally back. Namiss nyo ba ako?"

Walang umimik. Walang nangahas na magsalita.

"Paano kita mamimiss? Eh hindi naman kita kilala?"

Napatingin ang lahat sa akin dahil sa sinabi ko. Kahit si Rae eh pinaningkitan ako ng mata.

What?

"Owwww!! Its you! Tingnan mo nga naman classmates pala ta----"

Hindi na neto natuloy ang dapat na sasabihin dahil sa biglaang pagtama ng kamao sa mukha na ikinatumba nito. Napakabilis ng pangyayari. Nakita na lang namin na sinuntok ng pinsan ko si John Dave.

Napasinghap ang lahat sa nasaksihan. Napaawang naman ang bibig ko sa nakita. Bakit yun ginawa ni Jake? Talagang nakakabigla.

Pinagpagan ni Jake ang kamay. "Welcome back Bro!"

Napakagandang pa welcome naman nun? At saka Bro? Ano ba talaga ang nangyayari? Wala akong maintindihan? Anong bro? Magkakakilala sila?

May sumilay na ngisi sa mga labi ni Dave. "Yeah! Welcome back to me! Buddy!"

Agad itong tumayo at binigyan ng isang suntok sa panga si Jake na ikinasinghap ko. WHAT THE???!

Lalapit na sana ako nang makita kong tumawa si Jake habang nakahawak sa panga neto.

Sayo Pa Rin Babalik ( On-hold )Where stories live. Discover now