KABANATA 1

100 9 6
                                    

"Mommy, Daddy papasok na po ako," paalam ko kina Mom and Dad.

"Take care Darling!" sagot ni Daddy saka ako hinalikan sa noo. Napangiti naman ako.

"I will Dad. I love you both!"

"We love you more Baby!" Mom said bago ako tuluyang makalabad ng bahay.

"Mang Karding tayo na po sa school," sabi ko sa driver namin.

"Sige iha!"

Tahimik lang ako sa byahe habang may nakasaksak na earphone sa tenga.

Teka nga muna. Nagpakilala na ba ako? By the way, ako nga pala si Faith Naomi Montero. 2nd year college at kumukuha ng kursong Business Management. Nag aaral ako sa Easton University.

Dalawang buwan matapos kung grumaduate ng highschool ay lumipat kami ng bahay dito sa Quezon City dahil napalipat si Dad ng work dito. Si Mom naman ay nagpatayo ng Boutique at Cafe nya dito sa QC para daw kahit papano ay may ginagawa sya at hindi bored sa bahay. Pinadala kase nya ang mga bulaklak at mga halaman na tanim nya at inaalagaan sa probinsya nina Lola dahil hindi namin yun madadala lahat dito sa aming bagong lilipatan.

At sya nga pala, five years na din simula nung umalis sya at hindi pa bumabalik.

Babalik pa kaya sya? Ahhhh! Ewan!

"Nandito na tayo iha."

Ngumiti ako saka bumaba ng kotse at nagpaalam.

Tumigil muna ako saglit at nakangiting pinagmasdan ang buong campus. Marami nang mga students ang nagkalat dahil first day palang ng first semester. At syempre may mga new students na naman.

"Hi Naomi!"

Nakangiting bati sakin ng dumaan na dalawang students. Siguro fourth year na sila.

"Hello!" ngiting bati ko pabalik sabay bow. Yun bang mannerism ng mga koreans kapag bumabati, ganern.

Ganyan lagi sila kapag nakikita ako. Siguro may friendly aura ako kaya ganyan sila lagi sakin. Noh?
Hindi naman masamang maging friendly pero syempre kapag naghanap ka ng kaibigan dun sa totoo na. Diba?

At speaking of totoong kaibigan.

"BAKLAAAAAAA! I MISS YOU BAKLAAAAA!"

Rinig kong sigaw ng matinis na boses mula sa di kalayuan.

Kilalang kilala ko kung kanino ang boses na iyon. Nakangisi akong humarap sa babaeng tumatakbo papunta sakin.

That is Rae Shannelle Jimenez, my bestfriend. Nagkakilala kami nung first day ko dito bilang freshmen. Wala pa akong kakilala tapos bigla na lang syang lumapit sakin at nakipagkaibigan. Napakamahinhin nya nung una at hindi mo aakalaing ganyang sya makasigaw. Sobrang daldal, straightforward at wild ng babaeng yan at dahil doon nagkasundo kaming dalawa dahil she's real to her self.

Nang makalapit ay agad ako netong niyakap ng mahigpit na muntik na naming ikatumba.

"Bruha namiss din kita," bulalas ko.

Mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakayakap sakin.

"Accckkkk! R-Rae h-hindi ak-ak-ako makahinga."

Agad ako nitong binitawan.

"Ayyyy! Sorry naman namiss lang talaga kita bakla. How's vacation ba?"

Kinawit nya ang kamay nya sa isang braso ko bago kami lumakad paputa sa room namin.

So clingy talaga ng bruhang ito.

"Bruha ka talaga. Ayun nagpunta ang family sa probinsya nina Mommy para dalawin sina Lolo at Lola."

Sayo Pa Rin Babalik ( On-hold )Where stories live. Discover now