KABANATA 19

43 3 0
                                    

Third Person's POV

Kinabukasan ay masakit ang katawan at ulong bumangon si Blue mula sa pagkakahiga sa kanyang kama. Napasapo sya sa sariling ulo nang makaramdam ng pagkahilo dahil sa sobrang kalasingan kagabi. Naglasing sya sa hindi malamang kadahilanan basta ang alam lang nya ay naiinis sya. Inis na inis sya sa Captain ng nakalaban nilang team na bigla na lang sumulpot sa kung saan at nakielam sa usapan nila ni Naomi. Naiinis sya sa ginawang pagtanggol neto sa dalaga na hindi naman neto kilala.

"Fcksht! Fck this fcking head. And fck that asshole!"

Mahinang bulalas nya sa sarili.

Hindi pa rin nawawala ang kanyang pagkahilo kaya saglit muna syang sumandal sa headboard ng kama at pumikit. Sa kanyang pagmulat ay napatingin sya sa beside table nya. May nakalagay doong soup at gamot para sa headache at hangover nya. May nakalaang tubig din doon. Dahil gusto na nyang matanggal ang nararamdaman ay hindi na sya nag isip pa at kinuha na ang soup at dahan dahang hinigop.

Napatigil sya dahil sa biglang naisip.

"Ganito din ang pinahigop sakin ni Naomi noong nalasing ako at nilagnat. Hindi! Bakit naman yun pupunta dito? Alam kong nasaktan ko sya ng husto kahapon kaya di na yun maglalakas ng loob na puntahan ako. Nagkataon lang siguro. Nagluto siguro si Jake ng soup dahil lasing din sila kagabi. Ganun nga yun. Huwag kang mag isip ng kung ano ano Blue!"

Tinapos na nya ang hinihigop na soup tsaka ininom ang gamot. Nagpasya na syang bumangon para makapag ayos ng sarili. Hindi sya pwedeng maghapon na lang na nakahiga sa kama nya. Nang makatayo ay nahalata nyang iba na din ang kanyang damit. Meron ding towel sa kanyang gilid. May biglang nagpop din sa kanyang isipan na isang scene ka kung saan pinupunasan sya sa mukha ng basang towel nang isang babae. He can't recognize it if its just a dream o totoo ba talagang nangyari.

"No! Its not just a coincidence. Hindi gawain ng tatlong tukmol na mag alaga ng may sakit. Its not in their vocabulary. Hindi kaya? Nagpunta nga dito si Naomi?"

Dahil sa naisip ay mabilis pa sa alas kwatrong lumabas sya ng kwarto. Naabutan nya sa sala si Joshua at Jake na naglalaro ng psp. Si Dave naman ay busy sa pagkain samantalang may sarili naman itong rep sa sarili netong condo sa ibaba. Dumadayo pa talaga ito ng pagkain sa kanila.

Napatingin sa kanya ang tatlo at nagulat dahil sa kanyang biglang pagsulpot na akala mo'y may hinahabol.

"Where is she?" agad nyang tanong.

Nagkatinginan naman ang tatlo na para bang naguguluhan sa tanong ng kaibigan.

"Nakadrugs ka ba bro? Ang alam ko alak lang ang tinira mo kagabi, drugs din pala. Ang high mo eh!" pabirong sagot ni Dave.

"Shut up! Nakikikain ka lang dito. Bumalik ka nga sa sarili mong unit," singhal nya na ikinakibit balikat lang ng kaibigan.

Tumigil sa paglalaro si Jake at taas kilay na tumingin sa kanya.

"Who's SHE? Do you expect someone to come here today?" takang tanong neto sa kanya.

Nagtaka naman sya dahil parang wala itong alam na nagpunta dito kagabi ang pinsan. O baka sya lamang itong nagha hallucinate na nagpunta nga talaga si Naomi para alagaan sya.

"May babae ka RK? Sino?"

Napairap naman sya sa tanong na iyon ni Joshua.

"Nevermind! Tulog pa siguro ang diwa ko kaya kung ano ano ang sinasabi ko. Sige ipagpatuloy nyo na lang yan matutulog na lang ulit ako."

Bago pa man sya makaalis ay napansin nya ang munting ngisi na namutawi sa labi ni Jake.

Wala ka nga ba talagang alam Zackary Jake Parker? O tinatago mo lang?

Sayo Pa Rin Babalik ( On-hold )Where stories live. Discover now