Wala nang duda roon. Kung si Lea ang nag request ay papayag ang buong banda, lalo na sina Ricci. At dahil siya si 'Azalea' na isang sikat na socialite at ilang buwan lang mula ngayon ay magiging pinaka batang babaeng CEO sa Asia, ay siguradong walang makakatanggi sa kaniya.



Pero wala roon ang atensiyon ko.


Napakurap ako dahil binanggit ang kuya ni Lea. Bigla ko kasing naalala ang ginawa ko noon sa kaniya. Naaalala niya pa kaya na sinabunutan ko siya noon para sa DNA test nila ni Lea? I shrugged my shoulders. Matagal na iyon, hindi na siguro.


Hindi ko na rin maalala ang maid of honor ni ate Celine dahil limang taon na ang nakararaan at hindi ko naman pinagtuonan ng pansin ang mga tao noong isinama ako ni Gavin sa El Nido— natigil ako sa pag-iisip nang may maalala.


Nanliit ang mga mata ko kay kuya Sage na pasulyap-sulyap sa cellphone niya. He licked his lower lip so it became redder. I arched my eyebrow when he caught my stare and eventually stared back at me.


"Problema mo?" he asked in a defensive tone.


"By El Nido, you mean.." I traced. I saw his adams apple moved ang he immediately dragged his eyes away from me. "Isn't your ex living there—"


"Ipapaayos ko na 'yung kuwarto ni Cohen, bahala ka diyan." he quickly turned his back on me and hurriedly went up the staircase. I laughed and called to tease him but he didn't came back. Nangingiti akong umakyat at pumasok na sa kuwarto ko para magbihis.









"Hey, it's getting late, parating na rin si kuya kaya umahon na kayo.." Sabi ko dala-dala ang dalawang itim na bath robe. Ang isa ay malaki at ang isa naman ay maliit, tama lang para sa bata.

Kanina pang tanghali inihatid nina ate Celine at kuya Loren si Cohen para manatili rito. For the mean time, dito muna siya at hindi pa naman ako nagsisimula sa residency. Madalas ring wala si kuya Sage dahil busy ang schedule nila, minsan, ay puro rehearsals naman ang inaatupag niya kaya ako talaga ang magbabantay kay Cohen.


Darating din si kuya Loren mamaya para dalhin ang iba pang mga naiwang gamit ni Cohen at para dito na dinner.


Inilapag ko sa lounge chair ang dalawang towel nang pareho silang lumangoy papunta sa banda ko. Gabi na kasi at ilang oras na raw silang nagsu-swimming na dalawa ayon sa mga maids. Nag-text pa naman si kuya Loren na bawal siyang mag swimming dahil sinisipon na, pero dahil makulit ang bata at makulit din ang tito, ay lagot kaming lahat mamaya.


Mabilis na tumakbo si Cohen at ako na ang naglagay ng robe niya. "We should dry up your hair, your dad might ask why did you shower this late." sabi ko. Tahimik nalang tumango ang bata.

Nang makalapit si kuya ay sinamaan ko siya ng tingin. "Bakit mo pa kasi siya pinag-swimming, e sinisipon na nga,"


Itinuro niya ang sarili habang nagtatanong ang mga mata sa akin. "Ako lang ba? Hindi mo nga kami pinigilan, e." sumbat niya kaya napabuga ako ng sarkastikong hangin.


Tignan mo ang hibang na 'to.


"Ano'ng hindi? Natutulog ako nang maligo kayo! pa'no ko kayo pipigilan?" asik ko. Kagigising ko lang at kung hindi pa ako tinext ni kuya para kamustahin si Cohen at ipaalala na sinisipon ang bata ay hindi ko pa malalamang nagsu-swimming na sila!


"At least, hindi ka kumontra—"



"Dahil tulog nga ako!"


"Whatever, kasalanan nating pareho 'to,"


La Cuevas #3: Beautiful ScarsWhere stories live. Discover now