Tumango ako saka nag paalam sa kanya. Naisipan ko namang dumiretso muna sa Office para kausapin si Principal.

Kumatok muna ako.

"Come in!"

Dahan dahan kong binuksan ang pinto.

"Good day Princi!"

"Oh ikaw pala iha. Pasok ka. Pasok ka!"

Pumasok naman ako tulad ng sinabi nya.

"Maupo ka. Anong maipaglilingkod ko sayo iha?"

"Ahmm. Kase po hindi ko pa po alam kung tatanggapin ko po ba ang offer o hindi. Ang hirap po kaseng magdesisyon. Napakagandang offer iyon pero marami akong maiiwan dito. Ayokong iwan ang parents at maging ang mga kaibigan ko although may social media naman at pwede naman silang mag bakasyon doon but, mas masaya po kase dito. Hindi po natin alam if hanggang kailan matatapos o magtatagal ang mga bagay bagay."

"Nauunawaan kita iha. Pero minsan kailangan nating mag sacrifice para sa ikabubuti ng lahat. Hindi natin hawak ang mga pangyayari malay mo ito pala ang magiging rason para maging matatag pa tayo para sa mga susunod pang bukas o baka ito rin ang maging dahilang ng pagiging marupok mo. Pero isa lang ang maipapayo ko sayo iha."

Itinuro nya ang dibdib kung nasan ang puso ko at ang noo ko na kung saan naroroon ang utak natin.

"Ibalance mo ang dalawang ito at malalaman mo ang kasagutan sa lahat."

Ngumiti sya sakin.

Para bang may iba pang meaning iyon sinabi niya sa akin o sadyang ako lamang ang nag iisip niyon.

"Sana nakatulong ang mga sinabi ko sa pag dedesisyon mo."

Tumango ako saka ngumiti.

"Maraming salamat po! Mauuna na po muna ako."

Tumango sya. Tumayo na ako pero bago ako makalabas ng office ay muli nya akong tinawag.

"Po?"

Lumapit sya sakin at may inilahad na mga papel.

"Incase na tanggapin mo ang offer namin sayo."

Tinanggap ko naman iyon. Muli akong nagpaalam saka tuluyan ng lumabas para bumalik na sa classroom. Tiningnan ko ang mga papel na binigay sa akin. Mga examinations ito noong nakaraang taon sa E&S International University.

"What the? Meganun? Exchange student ka lang pero kailangan pang sagutan ang mga exam noong isang taon? Ay grabe naman ang school na iyon. So, kailangan ko pa palang halungwatin sa baul ng utak ko yung mga lessons noon? Panu kung magkaiba naman ng tinuturo doon saka dito? Ay very wrong! Very wrong talaga."

Bulalas ko habang naglalakad ako. Agad ko naman iyon itinago baka may makakita pa.

Pagkatapat ko sa room namin ay agad akong nakaramdam ng kaba.

Sht! Eto na nga ba ang sinasabi ko eh.

Papasok pa lamang ako ay agad nang may humila sakin papalayo doon. Narinig ko pang tinawag ako ni Rae.

"Panget!" Mahinang tawag ko sa kanya habang hila hila nya pa rin ako.

"Let's talk!" Ani nya sa seryosong tinig. Napatungo na lamang ako at nagpatianod sa kanya.

Nakarating kami sa soccer field saka nya ako binitawan.

"Talk and explain!"

"Anong ipapaliwanang ko?"

Tiningnan nya ako sa mga mata. Nakakapanghina kaya agad din akong umiwas. Parang alam ko na ang tinutukoy nya. Anak nga pala sya ng may ari ng school na ito kaya pwede nyang malaman ang mga bagay bagay tulad neto. Bakit ba nalimutan ko ang bagay na iyon.

Sayo Pa Rin Babalik ( On-hold )Место, где живут истории. Откройте их для себя