8 - Hang Out, Hung Up

Start from the beginning
                                    

“Sorry, Nick…if I just knew that there is, hindi na kita pinahiya sa waitress kanina.” Kararating lang ng pasta namin pero parang hindi na ako mapakali at nakokonsensya ako sa inasal ko kanina.

“No, wala kang dapat ihingi ng sorry.” Mga limang segundo bago pa ulit siya magsalita. “I’ll say it fast, so please be attentive.”

Sa bintana siya nakatingin na parang nagkukwento sa mga kotse sa labas. Ang lungkot ng mukha niya, pero sa tono ng pananalita niya, walang emosyong lumalabas.

“A year ago, my mom died,” sh!t, “…in a car accident. Kasama niya si kuya. Si kuya ang nag-dadrive. He was drunk.” Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko sa aking kanang pisngi.

“I’m sorry, Nick.” Hinawakan ko ‘yung kamay niyang parang gusto ng suntukin ang bintana sa gilid namin.

“Masakit, sobra,” sa tono ng boses niya ngayon, ramdam kong sobrang bigat ng pinasan niyang sakit noon, “but I had to move on. By saying ‘move on,’ kinailangan kong kalimutan na may kapatid ako.” Ouch, ganun kasakit kay Nick ang mga nangyari…he had to forget his own brother? Pero bakit parang ayos naman na sila ng kuya niya?

“Hindi sa pagkawala ng isang taong mahal mo dapat matapos ang pag-usad ng buhay mo. Kailangan mo ring bigyan-pansin ang mga taong ikaw mismo ang nagpapaikot ng mundo nila.” Ang lalim, nadadama kong may pinaghuhugutan talaga siya kahit emotionless nga ang mukha niya.

“Just last summer lang kami nagkaayos ni kuya. Sobrang tibay na nga ng samahan namin ngayon. Hehe.” How? Hindi ako makapagsalita, ayaw kong sa isang salita ko lang eh biglang masindihan ko ang malungkot na Dominick Alcantara. I still remember when he came back from a month of absences, almost dead kid siya noon.

Tapos na kaming kumain, tatlumpung minutong rebelasyon ang narinig ko. Hindi ko dapat siya agad-agad binara o kinainisan. “I’m so sorry Nick, I didn’t know.” Tumayo na kami at naglakad palabas ng restaurant.

“Alam ko, and I’ll react the same way kung ako ang nasa posisyon mo. Isang taon ko ba namang itinago sa inyo. Huwag ka na mag-sorry. Nasisira ang beauty ng prinsesa ko.” Napangiti naman ako sa sinabi niya. Ako naman babawi sa inasal ko kanina, kinuha ko ‘yung kamay niya kaya HHWWPSSP kami, holding hands while walking, pasway-sway pa.

“So sabi mo, nag-aaral siya sa ibang bansa? Where exactly?” Eh bakit palabas na kami ng mall? Ang aga pa kaya.

“Sa London, nagtratrabaho na siya and at the same time, kumukha na siya ng masteral. He’s 22.”

“I see, anything else I need to know?” Safe naman siguro ‘yung tanong kong ‘yun di ba.

“Mamaya na lang, feel kong tumambay sa tabi ng ilog.”

“Yang outfit mong ‘yan? Eh mukhang may binyag ka pa ngang aattenan mamaya eh!”

“Wala sa outfit ‘yan. Ikaw nga perpekto sa paningin ko kahit ano pang damit ang isuot mo.”

“Joke ‘yun?” Sumakay kami ng jeep at bumaba malapit sa ilog. Naglakad pa kami ng kaunti kasi banda doon pa talaga ‘yung tambayan.

Umupo kami sa damuhan at nakaharap sa ilog ng Marikina, ‘yung laging exposed sa news kapag malakas ang ulan, eto ‘yun.

Bigla na lang siyang nagsalita, “and it was because of the same incident.” Nag-lean on ako sa balikat niya tapos I wrapped my arm around him.

“Ha?” Wala man lang kasing intro.

“Nung April, kakabreak lang ni kuya at ng four-year-girlfriend niya via phone kaya napauwi si kuya ng Pilipinas after 2 days para ayusin ang break up nila. The night he arrived, nalaman ni kuya na almost isang taon na palang may ibang boyfriend si ate Nikka. Nalaman niya nung maaksidente si ate nung gabing ‘yun. The new guy was driving the car, pareho silang nakainom ni ate. Wala ng naabutan si kuya sa ospital, none of them survived.” Napaderetso ako ng upo at tinignan ko siya, ang layo ng tingin niya.

“Around 3 am that morning, bumangon ako at uminom ng tubig. I saw my brother lying on the floor, blood was dripping out of his left arm.” Sh!t. Nanlalaki ‘yung mata ko sa bawat sinasabi ni Nick, teary eyed na siya pero nakikita kong pinipigilan lang niya. Samantalang ako, tumutulo na ang luha ko sa magkabilang pisngi.

“Nabagsak ko pa nga ata ‘yung baso ko nun. Heh.” Napaka-fake ng ngiting tawa niya.

“Nag-sink in sa akin lahat nung sinabi niyang ‘Now I know how you felt, hindi kita masisisi kung hindi mo ako mapapatawad sa nangyari. But I will forever beg for your forgiveness Dominick, sana mapatawad mo pa ako sa pagkawala ni mommy.’” I can feel the pain sa mga mata niya.

“At that very moment, biglang nawala lahat ng galit ko sa kanya. All I can think of is sana dumating na ‘yung ambulance at hindi ko na kakayanin pa kung pati siya mawawala sa akin.” Napatingin siya sa akin, ang dami ko na atang luha kaya pinunasan niya ng panyo niya. “Huwag ka ngang umiyak! Tsk.”

“Pwede mo namang iiyak ‘yan Nick…andito ako.”

“Hmm. Hindi na, atapang atao na ako. Awala ka, atakbo ako…” Eh! Bakit ikaw pa ‘tong nakapagpapangiti sa akin, ikaw nga ang dapat pinapangiti ko eh. “Kaya dito ka lang sa akin ha!” Hinila niya ako bigla at inihiga sa hita niya sabay hinawi niya ‘yung buhok ko, “huwag mo akong iiwan ah.” Hindi ko masasabing fake ‘yung ngiti niya, pero sa sandaling iyon, naramdaman kong mahalaga ako sa kanya. Nginitian ko na lang siya at tumango ako.

Awkward silence kaya niyaya ka na lang siya humiga, “higa ka rin, ang ganda tignan ng mga bituin sa langit.” Buti na lang hindi maulap, ang tagal ko na ring hindi nakakapag-star gazing.

“Sus! Mas maganda naman ‘yung tinitignan ko eh.” Napatingin tuloy ako sa kanya. Eh? Nakatingin siya sa akin, saan siya nakatingin kanina?

“Pag-uwi mo, harap ka sa salamin, makikita mo sinasabi ko…” Napaupo tuloy ako, nararamdaman kong namumula na ‘yung pisngi ko. Eh kasi naman, kanina pa nakakatunaw ‘yung ngiti niya.

“7:15 na, tara na…” Palusot ba.

“Maaga pa, mamayang 7:30 na lang.” Lagot ka kay papa kapag na-late ka ng hatid sa akin, ikaw rin!

*phone ringing: what’s gonna make you fall……*

WAAAAA!!!! Nakalimutan kong pinalitan ko nga pala ang ringtone ko. Ayan tuloy, napapangiti siya na may kasamang onting tawa. Ehhh, nakakahiyaaaaaaaaaaa!

“Hi?” Unique ako noh, hindi ako sumasagot ng hello sa phone.

“Good evening ma’am, may I speak with ms. Reyes please?”

“Speaking.” Sino ba ‘to?

“Your dad can’t call you right now since he’s speaking with the doctor. Nasa kapitbahay raw po ang susi ng bahay niyo, then may iniwan daw po siyang note sa may refrigerator niyo –“

“Hello? Hi? Hello?” Biglang naputol ‘yung tawag. Doctor, bakit? Walang tao sa bahay?

“Sino ‘yun?”

“Hindi nagpakilala eh. I’m sorry Nick, I need to go home now. Hindi ako mapalagay.”

“I’ll take you home.” Tatanggi na sana ako kasi gusto ko ng mag-taxi at baka kapag sumama pa siya, siya naman ang magbabayad. “I insist.”

“One condition, I’ll pay the fare.”

“50-50.”

“Okay.”

Mali sana ang iniisip ko. Mali sana. Not now, mama. Not now. Lord, please tell me I’m wrong, please?

Hearts UnlockedWhere stories live. Discover now