"Where do you want to eat?"




Napamaang ako sa kaniya. "I'm not eating with you. Ibaba mo na ako—"




"Is fast food restaurant okay? Mcdo ang pinaka malapit." Putol niya ulit sa sasabihin ko kaya mas lalo akong napikon. Kahit gaano pala katagal akong pagsikapan na ayusin ang anger Management issues ko ay wala iyong kwenta kapag siya ang kausap ko. O baka gutom lang ako kaya mainit ang ulo ko?




"I said I'm not eating with you, bakit ba ang kulit mo?!" Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko.




Natahimik siya at bumuntong hininga. Isang beses niya akong sinulyapan sa pagod na mga mata kaya nagulat ako. "When do you plan to talk to me?" Tanong niya sa mahinahon na tono.




Hindi ako kaagad nakapag-salita. Nag-iwas ako ng tingin at inayos ang aking pagkakaupo. Kung wala lang pala akong seatbelt ay kanina ko pa naabot ang buhok niya sa iritasiyon.




"Sinabi ko na sa'yo, wala tayong dapat pag-usapan. Hindi naman kailangan na sa'yo manggaling ang impormasyon."




Natanaw ko na ang fast food restaurant sa harap kaya natanto kong wala na akong magagawa. Huminto kami sa harap noon nang itabi niya ang sasakiyan, ang akala ko ay dederetso siya sa parking na nasa likod, pero nang patayin niya ang makina at humarap sa akin ay naestatwa ako sa kinauupoan.




"Sadie, si Benjie ang pumatay sa nanay Ida mo.."




Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng panlalamig ko. Sa hindi malamang kadahilanan ay tila wala akong narinig. Namamanhid ang ulo ko at hindi ako makagalaw. Tanging malakas at mabilis na pag pintig lamang ng puso ko ang umaalingawngaw sa aking pandinig.



Gulat ko siyang nilingon sa nanginginig na mga mata. "A-ano?" Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas ko para makapagsalita. "Ano'ng sinabi mo?"




Tinitigan niya ako, hindi makasagot. Napakurap ako kasabay ng pamamara ng aking lalamunan. Nag-iwas ako ng tingin para itago ang hindi ko mawaring ekspresiyon.




"Sigurado ka ba diyan? Luke, hindi ako nakikipagbiruan!" Asik ko.




Kahit nahihirapan akong igalaw ang mga mata, ay sinikap kong lingunin siya. Nagtama muli ang paningin namin ni Luke at kita ko ang paninimbang doon.





"I'm sorry.." iyon lang ang kinailangan kong marinig para manginig ang mga balikat ko.





Umawang ang labi ko upang magsalita pero wala akong nasabi. Nanatili akong gulat at tuloy-tuloy ang paggapang ng kaba sa katawan ko. Pakiramdam ko ay inuubos ako kada segundo, dahilan para mahilo ako. Pumikit ako at kumapit sa seatbelt.




"Sadie," naramdaman ko ang init ng mga palad niya nang sakupin nito ang magkabilang pisngi ko. Hirap kong iminulat ang aking mga mata, at kasabay niyon ang pagbabadya ng mga luha. Nagulat siya nang makita iyon kay suminghap ako at nag-iwas ng tingin. "Sadie.." he called again.




Hinawi ko ang mga kamay niya at sa wakas ay nagawa kong gumalaw. Umayos ako ng pagkakaupo at pinalis ang sariling luha. Hindi ko alam ang sasabihin. Noon ko lang din napansin na nakakuyom na ang mga kamao ko sa aking hita. Lumunok ako at napatitig sa mga sasakiyang dumadaan.




"Of all people.." bakit siya pa? Bulong ko sa sarili. Hindi ko matapos ang nais sabihin dahil batid kong pipiyok lang ako.




Masakit. Dinoble yata ang sakit ng katotohanang siya pa. Bakit? Kilala niya si nanay Ida. Wala itong masamang ginawa sa kaniya.. kaya bakit? Sinikap kong hindi maiyak. Ayoko nang umiyak.




La Cuevas #3: Beautiful ScarsDove le storie prendono vita. Scoprilo ora