"Uyy, Zac, kumusta ang buhay?" Nakangiting tanong ni Antarctic boy at hindi mawala-wala ang makapal niyang jacket sa katawan. Hindi ba 'to naiinitan? Parang sobrang lamig sa Pinas.

"Ito, okay lang naman. Hehe," sagot naman ni Zac at nagbukas ng panibagong krimstick.

"Cid, mahal mo ba ang buhay mo?" Tanong ni Korean boy kaya napakunot ang noo nitong si Cid.

"Oo naman," sagot ni Cid.

"Distansya, p're. Humahawak ka ng bagay na pagmamay-ari ng iba," seryosong sabi ni Antarctic boy, ano raw?

Napalingon naman ako kay Cid at hinawakan ang parehong kamay kung may hawak siya na bagay pero wala naman akong makita kaya nalilito akong tumingin sa tatlong unggoy. Lalo naman nanlisik ang mata ni tukmol at napaasik pa. Ano ba ang problema ng mga 'to? Wala namang hawak na bagay si Cid ah.

"Huh? What do you mean by that?" Naguguluhang tanong ni Cid. Kahit ako nga ay naguguluhan din.

"Zhyro's property dude," sagot naman ni tukmol. Ano raw? Zhyro's property? Ano ang ibig sabihin no'n?

"Zhyro's property? Oh, shit! I'm sorry, dude. I didn't know," tarantang sabi ni Cid at dali-daling tinanggal ang pagkakahawak ko sa kaniyang kamay. Hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila. Mga tanga lang.

"Paano ka ba nakakapasok dito? Bawal ang outsider dito, ah," tanong ni Korean boy.

"Hehehe, nakiki-chismis kasi ako kay manong guard saka niya ako pinapapasok saka puwede naman daw ang outsider," sagot ni Cid at bahagya pang kinamot ang ulo. Kuto o balakubak?

"Sa susunod huwag mong hawakan ang pagmamay-ari ng iba," seryosong sabi naman ni Tukmol. Ano ba kasi 'yong pag-aari na 'yon?

"Yeah, yeah, yeah. I get it," sabi na lang ni Cid at itinaas ang kaniyang kamay na animo ay sumusuko.

Kaming dalawa naman ni Zac ay parang tanga na nakatingin sa kanilang apat. Hindi kasi namin maintindihan ang sinasabi nila. Hindi kasi talaga namin maintindihan ang mga sinasabi nila kahit Tagalog ang salita nila.

"Hep! Hep!" Sigaw ni Zac at itinaas ang parehong kamay.

"Hooray!" Sigaw naman ni Ram at pumalakpak kaya binatukan siya ni Zac. Aba'y gago talaga 'to.

"Gago! Manahimik ka nga riyan, Ram. Salpakan ko ng lollipop iyang bunganga mo," naiinis na saad ni Zac kaya napatawa ng mahina si Ram.

"Kumalma ka, Zac. Masyado ka namang high blood sa akin," sabi ni Ram kaya napairap na parang babae si Zac bago humarap sa tatlong unggoy.

"Ano ba kasi iyang pinag-uusapan ninyo? Bakit may angkinan ng pag-aari? Zhyro's property? Ano 'yon? May kinuha ka ba na pag-aari ni Zhyro, Cid?" Nagtatakang tanong ni Zac.

"Wala pero may hinahawakan ako na hindi dapat hawakan," sagot ni Cid. Tanginang 'yan! Ano ba kasi 'yon?

"Ha? Ayy bwisit!" Naiinis na mura ni Zac.

"Alam mo kasi, Zac, huwag mo na lang intindihin ang sinasabi nila at baka makasapak ka pa ng wala sa oras. At isa pa ay kalalaki mong tao pero hindi mo sila maintindihan?" Natatawang tanong ni JV at inakbayan si Zac.

"Hindi 'yan lalaki, bakla 'yan."

"Manahimik ka riyan, tomboy!" Sigaw sa akin ni Zac na dahilan kung bakit ako natawa.

"Aalis na nga lang ako rito at baka ako pa ang masapak," nakangusong saad ni Cid habang kinakamot ang kaniyang pisnge.

Ako naman ay wala ring maintindihan kaya mas pinili ko na lang na umalis.

***

Zhyro Blaine's Point of View

"Nice, binabakuran na kaagad kahit wala pang kayo," nakangising sabi ni Glenn kaya napaismid lang ako. Dapat lang, 'no. Alangang pabayaan ko ang isang 'yon na masulot ng iba? Paano naman ako?

Make The Boyish Fall In Love✓Where stories live. Discover now