"Kung umiwas siya, hindi sasakit ang balakang ko kaya kasalanan niya iyon."

"Kung tumingin ka sa daan, hindi sasakit ang balakang mo kaya kasalanan mo iyon," katwiran niya.

"Teka nga, Zac, kanino ka ba kampi? Sino ba ang kakambal mo dito?"

"Ikaw siyempre pero kasalanan mo talaga 'yon, eh," bigla niyang sabi.

"Ah, basta, kasalanan ng pangit na 'yon ang nangyari. Bwisit siya!"

"Ayaw talaga patalo, 'no? Pride mo, ghurl, paki-bawasan. Sa pandak mong iyan, antaas ng pride mo?" Natatawa niyang saad.

"Tsk."

"So, ano'ng ginawa mo ro'n sa lalaki? Panigurado namang hindi ka papayag na hindi makaganti sa lalaking iyon," sabi niya kaya napangiti na lamang ako dahil naalala ko ang ginawa ko sa kaniya kahapon. Paniguradong magkakaroon ng pasa iyon.

"Sinapak ko."

"Ano? Sinapak mo?" Gulat niyang tanong.

"Oo. Bobo niya, eh. Kilalanin niya kasi muna binabangga niya bago niya ako angasan."

"Gago, paanong hindi ka niya mababangga ay sobrang liit mo? Matangkad ang isang 'yon, Mac, baka ibitin ka lang no'n patiwarik. Yabang-yabang mo, kaliit mo naman," sabi niya kaya sinapak ko ito sa mukha. Napamura siya dahil sa ginawa ko ngunit sinamaan ko lamang ito ng tingin.

"Tigilan mo nga ako, Zac. Baka ikaw ibitin ko patiwarik."

Napasimangot siya dahil sa sinabi ko ngunit hindi na rin nagkomento pa. Malapit na kami sa school nang makita ang grupo ng lalaking model ng toothpaste. Ano'ng ginagawa niyang mga 'yan sa gate? Ano sila? Security guard? Pinalitan na ba nila si Manong Guard?

At dahil wala akong panahon sa kanila ay iniwasan ko na lang sila pero ang magaling kong kakambal ay nakapagkilala pa. Hindi naman siya gano'n kafriendly, ano? Batukan ko 'to, eh.

"Mac! Dali ka muna rito. Saglit lang 'to," sabi ni Zac at pilit akong hinihila.

"Ayaw ko, papasok na ako. Tinatamad ako makipag-usap sa mga unggoy na katulad niyo."

"Sandali lang! Woiii, Mac! Ayy, gago talaga 'to!" Sigaw niya.

"Ayaw ko nga, Zac. Bahala ka riyan."

"Okay, bahala ka! May Kuroko stickers ako rito. Sayang naman kung itatapon ko lang," saad niya at kaagad na nagpagting ang tenga ko dahil doon.

Daig ko pa si Flash na nakabalik kay Zac at ang mga mata ko ay nag-twinkle-twinkle dahil sa stickers na sinasabi niya, hehehehe. Aba'y gagong 'to, itapon daw ba si Kuroko ko. Kung siya kaya itapon ko sa basurahan, mukha naman siyang nabubulok, eh.

"Woiii, nasaan na?"

"Mamaya, nasa bahay. Atat ka, ghurl?" Nakataas-kilay niyang saad.

"Tangina mo talaga, Zac. Tangina mo, sagad sa buto!"

"Dito ka kasi muna," sabi niya.

"Ano bang gagawin ko rito?"

"Uhmm, hi, miss. Good morning," saad ng isang lalaking naka-jacket ng makapal. Init na init lang? Ano ka, nasa North pole?

"Oh? Walang good sa morning kung kayo ang makikita ko, lalong-lalo na sa pangit na lalaking model ng toothpaste na 'to!"

"What the? Pangit na lalaking model ng toothpaste?" Tanong ni tukmol. Lihim akong napatawa nang makita ko ang pasa sa kaniyang pisnge kung saan ko siya sinapak. Aba, kulang pa iyan, nang dahil sa kaniya, pinagalitan na naman ako ng dalawang Kuya ko. Dapat daw ay ingatan ko ang sarili ko at pigilan na masangkot sa isang gulo. Ngunit siya naman itong may kasalanan, gumanti lang ako.

Make The Boyish Fall In Love✓Where stories live. Discover now