EPILOGUE

1.6K 35 5
                                    


Denouement


Napabalikwas kaming mag-asawa nang marinig ang malakas na kabog sa pintuan. Bumukas iyon at tumambad ang prinsesa naming kumukusot pa ng mata at may pink na kasuotan.

"Good morning princess," masiglang bati ko't sinalubong ko siya't kinarga. Ang bigat niya na. Parang kailan lang sobrang gaan niya pa.

Dinala ko siya sa pagitan namin ni Artives na namumula pa ang mata pero hindi mawala ang ngiti sa labi niya.

"Good morning honey," hinalikan niya rin si Shavis at saka niyayang humiga.
Pareho kaming nakatagilid ni Artives at nakaharap kay Shavis na nasa gitna.

Ang ganda niya. Kuhang-kuha niya ang pilik-mata, kilay, at ilong ama. Samantalang sa akin, labi't hugis ng mukha naman ang namana niya.

"Mom, dad, aalis ba kayo ngayon?" Malungkot na saad ng bata habang papalit-palit kaming tinitingnan ni Artives.

Nagkatinginan kami ng asawa ko at sabay na napangiti dahil sa naisip na plano.

Ako ang unang sumagot.
"Yes anak, bawal mag off ang mommy." Hinaplos ko ang buhok niya at hinalikan sa noo. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya dahil sa naging sagot ko.

"How about you dad? Aalis ka rin po?" Binalingan niya si Artives na agad tumango. Sa edad na apat na put dalawa, may kaunting pagbabago sa kaniyang itsura. Pumayat siya ng ilang porsyento dahil stress sa trabaho niya. Bumalik siya sa pagiging gobernador nitong probinsya kaya pinakawalan niya ang banda.

"Okay po, naiintindihan ko po." Naisagot na lang si Shavis kaya marahan kaming napatawa ng asawa ko hanggang sa hindi napigilan at kusang lumabas ang tunay at malakas na tawa ko.

Ang bait talaga ni Shavis. Lagi niyang iniintindi ang trabaho namin ni Artives. Hindi nawala ang loob niya sa amin kahit hindi namin matuon sa kaniya ang lahat ng oras na kailangan niya kaya naman bumabawi kami kapag galing sa trabaho kahit pagod na.

"IT'S A PRANK!" Sabay na sigaw namin ni Artives at pinaulanan ng halik si Shavis dahil sa kalukuhang pakulo.

"Makakalimutan ba namin ang special day ng prinsesa namin? Syempre hindi." Ani ni Artives at niyakap kaming dalawa ni Shavis.

"Happy 5th birthday Shavis Rutcil." Masiglang bati ko at niyakap din silang mag-ama habang nakahiga.

Tunay ngang mabait ang panginoon dahil binigyan niya akong buhay na ni minsan hindi pumasok sa imahinasyon ko noon kasi hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat ng nangyayare. Hindi ko lubos akalain na ganito ang kapalaran ko. Na magkakaroon ako ng pamilyang ganito kasi namulat ako sa hindi perpektong mundo. Walang maayos na tirahan, walang maayos na pamilya, at sa isang salita naghihirap.

Ibang-iba ito sa kasalukuyan sapagkat wala ng mas sasaya sa kung ano ang kalagayan ko kasama ang mahahalagang tao na nagbago sa mundong ginagalawan ko.

Wala ng gulo, wala ng sakit, wala ng puot, at wala ng galit. Sa isang salita, payapa.

Nabigyan ng hustisya ang nangyare sa mama ko. Nasa maayos na kalagayan ang mga kaibigan ko at sobrang swerte ko sa asawa't anak ko.

Sila ang mga taong nagbigay kulay sa talambuhay ko. Masasabi kong walang saysay ang mundo ko kung wala sila sa tabi ko.

At lahat ng iyon ay nangyare ng dahil sa tatlong salita. Tatlong salita na may labing limang letra na nabuo dahil sa pananabik kong makatipid noon sa pera.

Nangyare ang lahat ng ito ng dahil sa PRANKING MY BOSS.



END

Pranking My BossWhere stories live. Discover now