Chapter-31

732 20 2
                                    

Family History


Tumalikod ako at tumakbo. Narinig ko ang tawag at ramdam ko ang pagsunod niya kaya minabuti kong mas bilisan ang takbo kahit nangungutog na ang tuhod ko.

Ang sakit! Ang sakit-sakit! Sobra! Pinipiga ang puso ko at pagod na ang utak ko sa pag-unawa.

Lumiko ako sa isang eskinita para iligaw siya. Masyadong mahaba ang binti niya kaya hindi ko kakayanin na makipaghabulan sa kaniya.

Malayo-layo na ang narating ko kaya lumingon ako sa likuran. Wala na ang kaniyang bakas kaya binagalan ko na ang takbo ko.

Ngayon ko napagtanto ang pagod hindi lang sa emosyon kun'di dahil sa lakas at bilis na iginugol ko sa pagtakbo.

Habol hininga akong huminto. Tumingala sa langit kaya patak ng ulan ay tumama mismo sa mukha ko.

Napadilat ako bigla dahil wala ng ulan na tumatama sa mukha't katawan ko.

"Ar-Arvin?"

Hindi siya nagsalita pero nginitian ako. May dala siyang payong at nakasilong kami pareho. Hinawakan niya ako sa balikat dahilan para mapatitig ako roon.

"Come with me. I'll never hurt you like he did."

Tiningala ko siya dahil doon. Seryoso ang mukha at naghahalo ang awa't galit sa kaniyang ekspres'yon.

Tumango ako at nag-umpisa kaming maglakad papunta sa hindi kalayuan niyang kotse.

Pinagbuksan niya ako ng pinto at pagkuwan, umikot siya papuntang driver seat. Ikinabit ko ang seatbelt nang makapasok na siya't binuhay ang makina.

Tahimik ang biyahe. Malamig at takipsilim na ng gabi. Umuulan pa rin dahilan para mas maging malungkot ang paligid na bumabalot sa 'min.

Dinukot ko sa bulsa ang cellphone at pag-init muli ng mata ay hindi mapigilan. Buhay na buhay ang relasyon namin sa wallpaper ko. Tila walang mangyayareng ganito. Masaya at nakangiti pareho sa litrato pero bakit humantong sa ganito?

Lakas loob akong tumipa sa cellphone subalit ang pasaway at walang sawa kong luha ay hindi nagpapigil na huwag bumuhos.

To: Love
Hayaan at palayain mo na ako kung totoong minahal mo ako. Iyon na lang ang paghahawakan ko Artives kung tunay ang ipinaramdam mo.

Kagat-labi kong pinatay ang cellphone at walang alinlangang itinapon sa labas ng bintana.

Huling mensahe ko 'yon sana tuparin mo para may katiting pa rin akong saya. Sana tuparin mo para hindi ko makalimutan na minahal mo ako't nagkamali ka lang kaya mo 'ko nasaktan.

Tumikhim si Arvin kaya pinahid ko ang aking mga luha. Hindi na ulit ako iiyak. Kaya kong bumangon. Kaya kong makalimot. Kaya ko siyang ibaon sa limot dahil sobra akong nasaktan. Kaya ko siyang kalimutan dahil wala na akong pag-asang panghahawakan. Magkakapamilya na siya't matututonan niya ring mahalin ang babaeng magiging ina ng supling niya. Mabait siya kaya't hindi niya hahayaang pabayan ang mag-ina.

"Matulog ka muna." Binalingan ko siya't diretso lang sa kalsada ang baling niya. "You need to rest."

"Sa-saan mo 'ko dadalhin?"

"You don't have to worry about it. Just trust me Natasha. Kahit ngayon lang, ako muna." Panandalian niya akong binalingan gamit ang malungkot subalit nakangiting itsura.

Tumango ako at sa pagpikit ng mata, hindi umangal na mamahinga.

***

Bakit mukha niya pa ang nakikita ko gayong nakapikit na ang mata? Bakit sa oras ng pagpapahinga hindi mawala ang sakit na nadarama? Bakit kahit sa panaginip hindi kami hinayaang walang problema? Gano'n ba kami kinamumuhian ng tandhana? Pagsubok ba 'to o totoong senyales na sumuko na? Kasi ako? Hindi sapat ang salitang pagod na pagod para maisulat kung paano nawasak ang binuo kong tiwala.

Pranking My BossWhere stories live. Discover now