Chapter-06

1.6K 38 0
                                    

Baffled



Nakaharap sa salamin habang inaayos ang sarili. Hindi mabura ang ngiti sa mga labi. Puso ko'y hindi masikip na tila'y nawalan ng tinik.

Suot ang sleeveless peach fitted dress, at flat sandals, kulay itim na pouch, at kulay puting hair heart pin, lumabas ako sa sarili kong kuwarto kung saan nakulong ako ng isang buwan.

Nakayuko ang ulo ko at tumambad ang mamahalin at magarang sapatos sa may pintuan. Sa dahan-dahang pamamaraan ng pagsuri, tiningnan ko siya mulo hanggang tutuk ng kaniyang katawan.

Kung panglabas na anyo ang pagbabasihan, siya mismo ang aking panlaban. Mula sa buhok niyang kasing itim at perpekto ng kaniyang kilay at pilik mata.

Nakasuot ito ng itim na sunglasses kung kaya't mas lalong na prioritized ang perpektong tangos ng kaniyang ilong.

Ang mapupula niyang labi na pinagsisigawan kung gaano ito kalambot at katamis.

Ang hugis ng kaniyang mukha. Ang perpektong guhit ng kaniyang panga.

Ang tenga niyang may maliit na earings na mas lalong nagpalakas sa dating niya.

Nakasaklop sa kaniya ang kulay puting long sleeve na nakasanayan kung makita. Naibabawan ito ng kulay asul na coat at kulay asul din na pantalon sa pangibaba.

Ang silver wrist watch niya ay kumikinang at somisimbolo sa pagkatao niya.

Makabansa, makatao, mapagmalasakit sa kapwa.

"Are you judging me through your mind Natasha? That was illegal. I'm not accusing you. I'm just stating the fact." Kung isa akong volcan, kanina pa ako tumuga dahil sa pangiti-ngiti niya.

Nang nakaraang araw halos hindi kami makapag-usap. Sobrang lamig ng trato niya pero ngayon ito siya. Ngumingiti at walang kailang-ilang.

Iniwas ko ang baling ko at kunware na kinapa ang pinto. "Ano 'to? Pinto ba 'to?" Nakakailang. Nakakatensyon kaya gumawa ako ng bagay na puwedeng ikalipat ng kaniyang bis'yon.

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa at saka nagpamulsa. "Don't worry. If staring me is a crime, then we will reunited in a jail Natasha."

Ano raw? If staring me is a crime then we will reunited in a jail. Hindi pa ako nakaapak sa college life pero masasabi ko naman hindi ako mang-mang.

Ibig niya ba'ng iparating na hindi lang ako ang tumititig at pumupuri sa kaniya kundi pati rin siya. We're mutual. We're mutual praising our figure out. Pero ano nama'ng kapuri-puri sa 'kin?

Siguro nga kailangan ko ng mag college marahil hindi pa sapat ang aking kaalaman. Nag iilusyon ako. Mali ang konklusyon ko 'di ba? Imposible.

"You're exquisite. I can't control my mind. Sorry for that but I'm not sorry."

Exquisite? Ano 'yon? Alien word? Ano pa ba'ng aasahan mo sa gobernador? Dapat lang na magaling siya. Dapat lang na matalino.

"We're getting late Natasha. We should go now." Tumango ako bilang tugon kaya nagsimula na siyang humakbang habang ako ay nagpatianod sa kaniya.

Nasa labas na kami ng mansion at sumalubong sa 'kin ang presenya ng araw na medyo matagal kong hindi nadama at nasilayan. Napapikit ako at isinangga ang braso sa mukha.

Tumigil sa paglalakad ang lalaki sa tapat ng lilim ng fountain kaya nang makarating ako ro'n, ay tumigil din ako kagaya niya.

Nakatutuk sa 'kin ang presensya niya nang siya ay magsalita. "Stay here. I'm going to pick my car." Tumango ako at agad din naman siyang umalis para tumungo sa garahe niya.

Pranking My BossWhere stories live. Discover now